chapter 42

4 1 0
                                    

Paakyat Sana ako nung nabangga ko si kairo na galing sa elevator.

"Sol?" Sabi Niya at nakita Niya na namumula ang mata ko

"Anong nangyari? Sinaktan ka ba ulit ni Adrian??" Sabi ni kairo and I feel na di ako makahinga.

"K-kai..." Sabi ko at hinawakan ko ang dibdib ko nandidilim na din paningin ko, hanggang sa di ko na marinig si kairo nagsasalita at nawalan ako ng malay.

Pag gising ko ay nasa tabi ko sila pen at kairo

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni pen at habang si kairo biglang lumapit sakin

"Nakikita mo ba to?" Sabi Ni kobe at nilagay ang dalawang daliri sa harapan ko "Ilan to?"

"Gago to oh, di yan bulag." Sabi ni aria at hinampas si kobe

"Te naririnig mo ba kami?" Sabi naman ni dane

"Malamang!" Sabi ni pen, hawak hawak Niya kamay ko at parang hinihilot Niya "bat niyo ba naiisip yan?!"

"Malamang nakatulala lang siya na parang di tayo naririnig" sabi ni dane, lumingon ako sakanila

"Nagka panic attack ka kanina.." sabi ni kairo.

Ohh, ang dami kasing nangyayari ngayon kaya bigla akong inatake. "Thank you..." Sabi ko

"Saan ka nag tthank you te? Sa panic attack mo?" Sabi ni Kobe

I smiled "gago..." Sabi ko at tumawa si kobe

"Joke lang, ibalik mo na yung pure saya mo. Hindi nag lulungkot lungkutan ka dyan dahil kay adrian." Sabi ni Kobe

"True, ano ba meron dun." Malditang sabi ni dane

Later uwian na at dumating ng maaga ang kotse ni pen

"Pen, uwi muna ako samin" sabi ko

"Sure ka? Stay ka muna ng saglit sa bahay..." Sabi ni pen and I Shaked my head

"I'm okay, maybe sa sabado tayo mag sleep over sainyo, sama natin sila" sabi ko at ngumiti si pen

"Fine! Basta mag ingat ka ah!" Sabi ni pen at sumakay na siya sa kotse Niya at umalis, sumakay na lang ako ng jeep at di ko ineexpect na nandoon si Ronan. Tinulungan niya ako sumakay sa jeep.

"Lagi Kang nandito Pag sasakay ako ng jeep ah!" Sabi ko at ngumiti.

"Syempre, if need mo ako naririnig ko!" Confident na sabi ni ronan

"OA ah" sabi ko

Biglang nawala ngiti ni ronan at naging seryoso "sol, umamin ka na...alam kong malungkot ka.." sabi niya sakin and I can't hide it anymore alam Niya naman pala eh. He suddenly hugged me.

"Anong ginawa sayo ng lalaking Yun?" Sabi Niya sakin at tumingin ako sakanya.

"Bakit susuntukin mo?" Tanong ko at ngumiti siya

"Hindi" sabi Niya "hindi naman ako ganon na tao eh, mabait kaya ako!"

Ngumiti ako and buried my face in his chest. Buti pa to di kasing yaman ni adrian, pero ang bango.

"Gusto mo umiyak? Umiyak ka na..." Sabi niya at hinampas ko siya

"Bakit ako iiyak sa public?" Sabi ko at tumawa siya

"Okay lang yan" sabi ni ronan.

"Just comfort me, I'm okay with that!" Sabi ko habang nakayakap sakanya.

"Okay okay" sabi Niya.

Later dumating na din ako sa babaan ko, sinamahan ako ni ronan pauwi.

"Thank you ah." Sabi ko

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon