The next day, pumasok na kami sa school, pumasok ako nang parang walang nangyari sakin. Nagulat naman ako Kay Cedrick nung lumapit siya
"Hi" sabi Niya sakin at biglang napakunot noo ko.
"Huh?" Sabi ko at napatingin ako Kay pen
"Isa pa yan...wala na ngang utak cheater pa" sabi ni pen at pumunta siya sa locker Niya
"Ako na magbubuhat ng gamit mo!" Sabi ni Cedrick at kinuha ang gamit ko. Di ko alam ano dapat irereact ko.
"May training ka ba?" Sabi ko at bigla ko na naman naalala si Adrian "ay-"
"Mamaya pa. Bakit manonood ka ba?" Sabi Niya sakin
"Hindi..." sabi ko, ano ba papanoorin ko dun?
"Okay" sabi niya. Tumingin ako Kay pen
"Akyat na ako pen" sabi ko at sumunod na si Cedrick sakin, syempre dala dala Niya bag ko at Na salubong namin si adrian na kakapasok lang. Akala ko nga dederetso sa field pero sumabay ba naman samin!
Pag sakay namin medyo ang awkward. Dahil...tatlo lang kami nasa loob. Nagulat ako nung biglang nilagay ni Cedrick ang iba kong buhok sa likod ng tenga ko. I thought he was gonna kiss me, kaya nga nakahanda na kamay ko para itulak siya. Pero OA lang pala ako.
"You're cute." Sabi Niya at kumindat, napataas kilay ko at di ko alam ang sasabihin ko.
Bumaba na si adrian at kami na lang dalawa ang natira. Ang awkward dahil hindi ako nagsasalita. Pero dumating na din kami sa room at kinuha ko na bag ko sakanya
"Aral mabuti ah!" Sabi Niya sakin at ngumiti ako. Hindi ko alam pero di ako nagkakakaroon ng maayos na feeling para sakanya...hindi ko siya nagugustuhan katulad na nararamdaman ko Kay adrian. Hays. Bat ko ba pinagkukumpara yung parehong cheater?!
Pumasok na ako sa loob ng room at nakita ko si kairo, umupo na ako sa tabi niya.
"How are you?" Tanong Niya sakin
"I'm fine" sabi ko
"Habol ng habol sayo si Cedrick ah" sabi ni kairo.
"Kaya nga eh, di ko rin maintindihan bat ako pa." Sabi ko
"Syempre mabait ka at maganda" sabi ni kairo, ako pa biniro nito
Nag lesson na lang kami, inadvance na kami ng teacher namin para sa sa grade 12, finocus ko sarili ko sa Pag aaral kaysa sa isipin ko si Adrian.
Anyways the bell rang at sinundo naman ako ni Cedrick. Hays..
Pumunta na kami sa cafeteria, habang naglalakad kami may na bangga si Cedrick na babae. Muntik pa nga matumba buti nasalo.
"I-i'm sorry..." Sabi ng babae at tumingin siya samin
"Marcella!" Sabi ni Cedrick
"Kilala mo?" Sabi ko
"A- oo...kaklase ko" sabi Niya at tumango ako. Oo at hindi lang naman gusto ko marinig, bat mukhang suspicious tong taong to.
"Oh..hii!" Sabi sakin ni marcella at ngumiti pa.
"Hello" sabi ko
"Makisabay ka na kaya samin mag recess" sabi ni Cedrick at masaya naman tong babae na to. Habang papunta kami sa mga pagkain daldal silang dalawa na akala mo di sila nagkita. Di ba sila naguusap sa room?
Nung nakabili na ako, sasabihin ko Sana Kay Cedrick pero mukhang busy siya kay mercella. Good.
Umalis na lang ako at bigla kong nakasalubong si adrian na bibili rin ata. Di ako tumingin sakanya at umalis na lang. Nakita ko na sila pen at nagkkwentuhan. Lumapit ako sakanila.
BINABASA MO ANG
Catch Me, Dear!
RomanceI was walking sa field mag isa. dala dala yung piece of cake na nabili ko sa café ang ganda pa ng design color pink siya at white cream at strawberry on top. My favorite! Suddenly biglang tumama sa ulo ko yung maliit na bola. Bwesit! Napahawak ako s...