Habang tinitingnan ko sila, pinupunasan siya ng mama niya. Hays bakit pa kasi pumasok sa school.
"Sol" sabi ni ronan at napatingin ako sakanya. Lah?.
"Sino ba yan si sol??" Sabi ng mama niya habang pinupunasan siya. So lagi Niya pala sinasabi pangalan ko?
"A-ako po" sagot ko at tumingin mama niya sakin. Di ko alam saan ako titingin dahil nahihiya ako.
"Pwede ikaw muna magbantay sakanya bibili lang ako ng gamot." Sabi ng mama niya at iniwan na lang kaming dalawa ni ronan. Lumapit ako Kay ronan at pinunasan siya.
"Sol." Sabi niya ulit, TE LAGI BA AKO BUMIBISITA SA PANAGINIP MO?!!
"oh?" Sagot ko at binuksan Niya mata niya at biglang umupo. "Hoy! Humiga ka muna!!"
"Wait lang..." Sabi Niya at parang may inaabot, yung bag Niya ba? Kinuha ko agad bag niya at binigay ko sakanya.
Habang may hinahanap siya sa bag Niya ay tinatanong ko ang pakiramdam Niya. "Okay ka lang ba? Nahihilo ka ba? Masakit ba ulo mo??" Nagulat na lang ako may binigay siya sakin ng isang set ng beads para makagawa ka ng frienship bracelet etc.. "Huh, for what?" Tanong ko at humiga ulit siya at kinuha ko sakanya yung bag niya.
"Fine, thank you" sabi ko at nilagay ko sa bag ko at ngumiti. "If magaling ka na gagawan kita ng bracelet." Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Talaga?" Sabi niya at tumango ako "parang nawawala na lagnat ko." Sabi Niya at mahina ko siyang hinampas.
"Gago...basta magpagaling ka lang." Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.
Dumating na din ang mama Niya at umalis na ako sa tabi ni ronan. "Tita, aalis na po ako." Sabi ko at tumingin siya sakin
"Ang bilis naman? Kain ka muna" sabi ng mama niya at tumanggi ako pero syempre napilit ako ayun napastay ako sakanila and omg, is this tinola? Yum!!
Kasama kumain ang mama niya "kain ka lang" sabi niya at ngumiti ako
"Ang sarap ng luto niyo tita!" Sabi ko, and that's not a Lie!!! Sobrang sarap. Tumawa ang mama Niya at binigyan pa ako ng kanin, grabe mabubusog ako neto.
After ko kumain ayun busog na busog ako, haa.. nakita ko na nililigpit ng mama Niya ang lamesa. Napatayo agad ako.
"A-ako na po." Sabi ko at nag aagawan pa kami, hanggang sa ako na ang nanalo at ako na naglinis ng table at naghugas ng plato habang ang mama ni ronan ay pinapakain siya.
After ko nag hugas, tumingin ako sa phone ko. 8:30pm na at kailangan ko na umuwi. Buti di masyado malayo ang bahay nila sa bahay namin. Lalakarin ko na lang to.
"Tita..uuwi na po ako." Sabi ko at tumingin silang dalawa sakin.
"Sige, mag ingat ka Iha ah" sabi ng mama niya at ngumiti siya sakin.
"Ingat, sol." Sabi ni ronan at ngumiti ako at umalis na din.
Naglakad na lang ako palabas sa compound nila ronan. At habang naglalakad ako naramdaman ko na may sumusunod sakin.
Binilisan ko ang paglalakad ko at bigla kong naramdaman na may humawak sa shoulder ko at lumingon agad ako.
"Hey, sol it's me." Sabi ni Adrian, kakauwi lang nila? "Why are you here? Gabi na. Let's go hatid na kita." Sabi Niya at hinawakan Niya ang wrist ko. Sumunod na lang ako sakanya. At ayun yung kotse..pero walang driver? Lah. Bawal yun ah!!
"Bat walang Driver??!,diba bawal ka magdrive since di ka naman legal age?!!" Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa kotse.
"Yeah, but kaya naman palitan ng dad ko ang date of birth ko and my age. Don't worry I know how to drive." Sabi Niya at binuksan niya ang door ng passenger seat.
BINABASA MO ANG
Catch Me, Dear!
RomanceI was walking sa field mag isa. dala dala yung piece of cake na nabili ko sa café ang ganda pa ng design color pink siya at white cream at strawberry on top. My favorite! Suddenly biglang tumama sa ulo ko yung maliit na bola. Bwesit! Napahawak ako s...