chapter 8

9 1 0
                                    

And after school days pare-pareho lang ang nangyayari di na rin nanggugulo si Adrian at nagpapakita sakin dahil may training sila. Mukhang may laban eh, anyways sabado na din, nag suot pa ako ng maganda at nagdala ng 3k, pinayagan naman ako ni mama dahil kasama ko ang kaibigan ko at ilibre ko na din daw siya.

Nakasuot ako ng short skirt and sleeveless na damit at nakacardigan pa.

Malapit lang naman yung café samin so lalakarin ko na lang. naglakad na lang ako kahit tirik yung araw at di naman ako sobrang pawis nung dumating ako sa café. Nandoon na din si pen at umiinom ng milkshake.

“sorry, kanina ka pa ba naghihintay?”  sabi ko kay pen, nakasuot siya ng brown pants and green shirt at may cute na knitted na bag.

Umupo na ako at nilabas ko na yung mga gamit ko, akala niyo chismisan. Yeah may 40% na study at 60% na chismis pero hinahanap ko si ronan, bat ang tagal niya.

“te?” sabi sakin ni pen at nagtataka siya, napalingon agad ako sakanya. “may kasama pa ba tayo?”

“a-a..” nauutal kong sabi

“sol” narinig ko boses ni ronan at nakapolo shirt siya at pants, dala dala niya din bag niya and ang bango pa ah. “sorry kung late ako” sabi niya, napatingin kami ni pen sa isa’t isa at ngumisi naman tong babae na to. Parang may plano.

“hi” sabi ni pen at napalingon si ronan sakanya. “I’m zhapyn Belmont. Call me pen. Kaibigan ako ni sol.”

“h-hello..” sabi ni ronan and naghandshake sila.

“alam mo ba nakwento ka sakin ni sol eh” sabi ni pen, at gusto ko matandaan kung ano ang nakwento ko sakanya.

“ikaw yung nakapulot ng i.d ni sol diba?” sabi ni pen at tumango si ronan, and boom naalala ko na. tinakpan ko bibig ni pen

“yeah, siya ang nakapulot at wag ka na mag ingay jan” sabi ko at tumingin ako sakanya at pasimpleng nagmamakaawa na wag sabihin ang mga nasabi ko sakanya. “a- ronan umupo ka dito” tinuro ko yung sa tabi ko at nilipat ang pwesto ko sa dulo.

“waiter.” Pagtawag ko at ayan na ang menu. “oum..i want French fries and Spanish latte. Cold coffee please” Sabi ko

“ako naman burger and caramel macchiato yung cold ah” sabi ni pen at bigla naman bulong to si ronan

“wala ba silang kapeng timpla? Parang ang mamahal ng mga inumin at pagkain dito” sabi niya at I don’t know this feeling, is this his real voice pag malapitan..

“o-oum” nauutal na agad ako at namumula “k-kuya cappuccino na lang and French fries” sabi ko at hindi ako makatingin sa waiter ng maayos dahil medyo malapit siya kay ronan. Nagtaka si ronan sakin dahil bigla bigla na lang ako nagoorder.

“okay, ma’am” sabi ng waitress and umalis na.

“bat ka nag order para sakin?” nagreklamo pa siya. “w-what if mahal yun?” sabi niya

“ako naman magbabayad eh” sabi ko “atsaka diba binayaran mo yung pamasahe ko nung Wednesday”

Wala na lang siya nasabi at ginawa na lang namin yung kailangan naming gawin.

Maya maya dumating na din ang inoorder namin at kahit dumating na tuloy parin kami sa paggagawa.

Maya maya dumating na din ang bill and 587 pesos lang ang babayaran at nagbigay ako ng 1k for tip na din.

“oum-“ bago pa ako magsalita kay ronan humarang naman itong si pen

“ay- sol, nagchat sakin si jeremiah. May pupuntahan daw kami” sabi ni pen at tumaas ang isa kong kilay. Pupuntahan?

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon