chapter 34

7 1 0
                                    

Anyways 2 months passed na at malapit na matapos ang 4th quarter. And pinaaga na din kami pinaexam para sa fourth quarter wala na kaming gagawin. papasok na ako pero tinatamad ako. Pano ba naman hindi tatamarin. Umuulan sa labas tapos may pasok!

"Solynn?" Narinig ko na tawag sakin ni adrian na mukhang kakarating lang at lumabas ako.

"Adrian!" Sabi ko at pumasok siya sa loob.

"May training kayo ngayon?" Tanong ko at pinaupo ko muna siya.

"Meron" sabi niya at ngumiti siya.

"Mababasa kayo, pano kayo maglalaro?" Sabi ko nag alala sakanya.

"We're fine..kahit manood ka pa, pero dun ka lang sa loob wag ka pupunta sa bleachers dahil Basa yung mga upuan dun" Sabi Niya sakin at tumango ako

"Ay mamaya na pala saw irereveal yung mga top 100 every strand" sabi ko at tumayo ako para magpatuloy mag ayos.

"Really?" Sabi Niya "tingnan natin muna bago ako magtraining." Sabi niya at tumango ako. Suddenly tumayo siya at pumunta sa kwarto ko dala dala ang gitara ko at ang clip na binigay Niya sakin dati. Binaba Niya muna ang gitara at lumapit sakin at tinali ang buhok ko.

"There" sabi niya at ngumiti siya. "Tara na Umalis na tayo." Sabi Niya at dinala Niya gitara ko.

"Bat mo dala dala gitara ko?" Tanong ko

"Since wala naman ata tayong gagawin. Punta tayo sa music room and I want to hear you mag guitar. Since medyo marunong ka na din" sabi niya.

Kinuha Niya na ang bag ko at paglabas namin pinayungan Niya pa ako at pinasakay na ako sa passenger seat, yung gitara ko ay nasa backseat pati rin yung bag namin dalawa. Since siya ang magddrive ngayon. "La, aalis na po kami!" Sabi ni Adrian sa lola ko na kakalabas lang sa kwarto at kumaway na lang siya at ayun umalis na kami

Ang bilis ng araw, anyways kaya nagttraining sila ng sobra sobra dahil kinabukasan nito laban na ni adrian.

Maya Maya nasa school na kami at siya nag buhat ng bag ko, gitara ko pati bag niya.

"Babe, hindi ba yan mabigat?" Tanong ko sakanya. At gusto ko siya tulungan.

"Nope, I'm okay." Sabi niya at nung pumasok na kami sa loob lahat ng mga tao ay nakatingin sa board so lumapit na din kami.

Tumingin ako sa stem habang si adrian naman sa humss.

Inuna ko muna hanapin si Ashley at wala siya sa top 100. Hindi naman yun pumapasok. Pa minsan minsan ko lang yun nakikita kaya. May sense. At sunod ko na hinanap ay si adrian at tamang tama nasa first page lang siya top 2! Umalis na ako sa crowds dahil as in ang dami ng tao at Pag alis ko dun nakita ko si Adrian nakangiti.

"What?" Sabi Niya at niyakap ko siya

"Congratulations!! Top 2 ka!" Sabi ko at ngumiti siya at niyakap ako pabalik. "Anyways how about me?" Tanong ko at napatahimik siya. Shet. Wala ba ako sa list?

Sabay ngumiti siya "top 2 ka din!" Sabi Niya at natuwa ako, nagyakapan kaming dalawa at bigla akong nakaramdam ng Isa pang kamay, Pagtingin ko ay si kobe pala kasama sila Dane.

"Uyy" sabi ko at bumitaw na kami ni adrian sa isa't isa. "Kasali kayo?" Tanong ko sakanila

"Top 4 ako sa abm" sabi ni zhapyn

"Top 10 naman ako!!" Sabi ni Kobe

"Top 3 ako sa H.E" sabi ni aria nakangiti at sabay tumingin siya Kay Dane at tinaas ang kilay "oh, ipagmayabang mo na ang achievement mo." Pabirong sabi ni aria. Napatingin kami ni adrian Kay Dane

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon