chapter 19

4 1 0
                                    

"hiii" sabi ko at inayos ko pa yung gitara.

"Akin na" sabi Niya at binigay ko sakanya. Siya na naghawak ng gitara.

"Nag gigitara ka pala?" Tanong Niya.

"Hm? Hindi, ppractice pa ako." Sabi ko.

"Goodluck!" Sabi niya at siniko ko siya.

Later dumating na din ako, and kinuha ko na sakanya yung gitara ko.

Pero bigla Niya pinigilan. Huh?

"Sabay na tayo." Sabi Niya at bumaba siya sa jeep.

Ayun sabay na lang kami naglakad. Siya pa may dala dala ng gitara.

"Ako na kaya magdala. Magaan lang naman yan eh" sabi ko at gusto ko kunin yung gitara sakanya pero humihilag siya.

"Ako na kase!" Sabi niya, hirap Niya sabunutan kasi matangkad siya. Wala akong magawa kaya ayun hinayaan ko na lang.

"Sol." Narinig ko na may tumawag sakin at pagtingin ko sa harap ko nandoon si adrian, sa harap ng gate namin and ayun nakita kami magkasama ni ronan. His smile disappeared.

Ayun takbo agad ako Kay adrian. "Hii!" Sabi ko at sumunod si Ronan

"Boyfriend mo?" Tanong ni Adrian sakin at tumingin siya kay ronan.

"Nope, kaibigan ko." Sabi ko.

"Hi, ako nga pala si Ronan.." Pag papakilala ni ronan Kay adrian at binigay ni ronan kamay niya ang kamay niya para sa shakeshand. "Ikaw? Boyfriend ka?" Tanong ni ronan.

"No" sabi ni Adrian. "Nice to meet you ronan. I'm Adrian." Sabi niya, hindi siya ganito makipag usap eh, parang ganito boses Niya nung nagmeet sila ni kairo.. but ronan and adrian are now shaking hands!! Nice!! Buti pa tong dalawa magkasundo. Ronan is smiling while adrian. Yeah cold expression...what the f?

"Anyways why are you here? Ang bilis naman matapos training niyo" Tanong ko Kay adrian.

"Mabilis kasi matapos kanina"Owh, para bisitahin lang si lola, tulog na ba siya?" Tanong ni adrian.

"Hmm...not yet, pasok ka muna." Sabi ko Kay adrian at binuksan ko ang gate. "Ikaw Ronan? Pasok ka na din" sabi ko at tinulak ako ni adrian papasok.

"Nope, baka hanapin pa siya ng mama Niya. Bye Ronan" sabi ni adrian

"Wait- gitara ko!" Sabi ko at binigay agad ni ronan yung gitara sakin and I feel nakadikit ang fingers namin.

"Ops! Careful, muntik na mahulog ang gitara" sabi ni Adrian at siya na lang nagdala sa gitara "pasok na sol"

Syempre pumasok na ako at sumilip na din ako sa gate "bye Ronan!!" Sabi ko

"By-" di na nakapag paalam ng maayos si ronan dahil bigla na lang sinarado ni Adrian yung gate.

"Anyways, where is lola?" Sabi ni Adrian at umupo muna siya sa couch.

"Hm..lola! Nandito na ako, kasama ko si Adrian!" Sigaw ko pero di ko marinig response ni lola kaya pumasok ako sa kwarto niya. Ay tulog na siya. Lumabas na ako at sinabihan ko na lang si Adrian.

"Sorry, tulog na siya eh" sabi ko "what do you want magluluto ako?"

"Hmm.. nothing..sige uwi na ako." Sabi niya at tumayo siya. Lah ang bilis naman.

"Totoo ba?" Sabi ko at wala man lang siya sinabi sakin. POTA! YOKO NA INIGGNORE AKO AH!

"Bukas na lang sol.." sabi ni Adrian. Pero atleast sumagot siya diba...

"Okay, ingat ka.." sabi ko at ayun umalis na siya

And after Niya umalis, ginawa ko na routine ko sa bahay.

Kinabukasan, ayun sinundo Niya ako.

"Hi!!" Sabi ko Kay adrian at binuksan niya yung passenger seat.

"Thannnnkk you!" Sabi ko at pumasok sa loob

"La, alis na po kami" sabi ni Adrian sa lola ko, tumango at ngumiti lang ang lola ko sakanya at pumasok na si Adrian sa loob ng kotse.

"May training kayo?" Tanong ko.

"Yeah." Maikling sagot niya. Lah. ANG COLD!!!

"Hmm..k" sabi ko. At tumingin na lang sa labas, bahala siya Jan.

Ang tahimik namin sa kotse. Yes, pataasan ng pride kami. Bwesit after nun nasa school na kami. Ayaw mo ako pansinin pero may magandang treatment ulol!. Pag alis ni Adrian ng seatbelt ay dali dali kong binuksan ang pinto ng kotse at bumaba ako mag isa. PUTANG INA NIYA AH. I slammed the door and pumasok na lang ako sa building mag isa. Nakita ako nila pen

"Himala pumasok ka mag isa.." sabi ni dane

"Tang ina kasi si adrian. Pataasan pala ng pride ah. Pwes mas mataas pride ko sakanya" sabi ko at ayun dumaan si adrian papunta sa field.

"Tang ina nag away akala mo sila na.." sabi ni kobe

"Away lang to ng magkaibigan!" Sabi ko at tumaray ako.

"Amp. Geh geh." Sabi ni dane.

"Anyways bat nandito pa kayo sa labas? Diba may class now?" Tanong ko

"Half day daw Te. After recess pa daw ang class. Sana di muna ako pumasok." Sabi ni pen "anyways marunong ka na ba mag gitara?"

Ay! Gagi naiwan ko yung gitara sa bahay, balik ko na lang bukas!!

"Naiwan ko sa bahay Te..atsaka di pa ako nakakapractice eh" sabi ko.

"Mag practice ka kasii! Para makapagjamming tayong dalawa!!" Sabi ni pen at ang random ni aria

"Tara, punta tayo sa canteen, nagugutom ako eh." Sabi Niya at pumunta naman kami. Tang ina di pa rin mawala sa isip ko si adrian sarap Niya sabunutan!!!! Fucking shet! Pero... syempre nagtatampo pa rin ako...apaka cold amputa... Nakakamiss naman siya...

"Te? Do you like someone?" I asked pen at napatingin lahat sila sakin

"Ha?" Napatameme si pen

"Tang ina sagutin mo na lang, di ko naman tatanungin eh" sabi ko, syempre kilala ko na eh

"Hmm...yeah" sabi Niya habang kumakain ng chichirya...

"How did you know na gusto mo siya?" I asked while nakaheads down..

Nag isip pa siya and ayun sumagot siya agad. " well napansin ko na nagkaroon na ko ng feeling sakanya kasi, compared to other guys na nakilala ko he really makes me laugh" shet naman

" and his humor is just so like ok,funny guy siya, he is not my type pero na attach ako.." eh?!!! Napaupo agad ako ng maayos

"then simula nung napapansin ko na na lagi niya kong napapasaya and super healthy ng relationship namin as friends even tho walang kami like what i mean is puro happy vibes lang talaga, walang awkwardness or any ano, comfortable na rin kami sa isa't isa" NAOL...napalagay ako ng kamay sa mukha ko kahit sila Dane din nakinig sa kwento niya

" lamang yung iba sa mga pa gifts pero iba talaga yung saya pag kausap ko sya" sabi ni pen, puta yun lang? Kabitin...

"Tang ina inlove pala si pen" sabi ni aria, awkward na lang tumawa si pen.

Gusto ko din maranasan yan!!! Pero habang kinukwento ni pen yan..I feel something inside of me... what if... What if I like Adrian? Freak!!! No way! Kadiri...well he is Single all this months diba? Wala naman siyang kinakausap na babae maliban sakin...

Anyways, sobrang tagal namin sa cafeteria, dahil ayaw pa namin pumasok sa room.

"Wait lang cr lang ako." Ayun tumayo ako at nakita ko pa si adrian na mukhang may bibilhin sa cafeteria.

"Te! Tingnan mo si Ashley" sabi sakin ni Kobe at lahat kami napatingin sakanya, dahil tumayo siya sa table. Sana umalog at bumagsak ka.

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon