chapter 23

5 1 0
                                    

Pen's pov

Ayun Higa na lang ang ginagawa ko sa hospital. Dahil wala naman ako makwento. At yung tatlo naman nakatulog. Nagpuyat talaga sila para sakin no? At ang natitirang gising ay si Jeremiah, nagccellphone lang siya. Boang.

I sighed and suddenly bigla na lang nasa harapan ko si Jeremiah.

"Okay ka lang? May masakit ba? Saan? Tatawag na ako ng nurse." Sabi niya. OA naman neto. Baka nga ako pa tatawag ng nurse para sakanya. Apaka oa masyado.

"Gaga huminga lang ako, bawal ba?" Sabi ko at ayun umupo na lang siya sa tabi ko. WALA TALAGA AKONG MAGAWA, PAGTRIPAN KO KAYA TO.

"Jeremiah" tawag ko sakanya at tumingin siya sakin "gusto kita..." Sabi ko at ngumiti ako, putik na surprised siya sa sinabi ko.

"Sap-" napatigil ako nung nagsalita siya.

"Really?" Sabi Niya "i-i thought you wala Kang nararamdaman for me... Pen also liked you!"

LAH. JOKE LANG NAMAN EH!

"Huy...joke lang" sabi ko at ayun mas lalo pa siyang nagulat...at unti unti siyang lumayo sakin. At bumalik sa couch. At di makatingin sakin. Ogag ang awkward tuloy. I mean gusto ko rin naman siya! Pero ang aga pa para mag confess right?

Ayun ilang oras kaming tahimik. Wala akong masabi, dahil ang random na nangyaring confession. Putik ngayon lang ako nakaramdam ng lamig.

Nagtago na lang ako sa kumot at di ko alam nakatulog na pala ako. Nung nagising ako nandyan si sol at johan kasama din si adrian.

"Hii! Sarap ng tulog be ah" sabi ni sol at umupo ako Pag tingin ko sa couch wala na si Jeremiah.

"Si Jeremiah?" Tanong ko

"Tang ina, si Jeremiah agad, pwede bang "hii sol! Nandito ka pala!"" sabi ni sol sakin.

Umalis si sol at mukhang bumili siya ng pagkain bago pumunta dito, at tingnan mo si sol at adrian kala mo mag jowa.

"Sige, ingat ka." Sabi ni sol Kay adrian at umalis na si adrian. So hinatid lang Niya si sol.

"Ay Te, dito ako magsstay muna since sabado bukas. Atsaka Isang linggo ka pa naman dito eh" sabi ni sol, ISANG LINGGO?! ANG OA NAMAN!! AKALA MO NAMAN INOPERAHAN AKO! "And tomorrow need ko pacheck yung mental health ko."

"BAT ISANG LINGGO?!!" Sabi ko.

"Kasi kanina daw nilagnat ka daw ulet mas mataas pa daw yung lagnat mo kanina kaysa kagabi." Sabi ni aria habang kumakain ng pancit bihon. "Buti na lang napansin ni jeremiah yun"

"Anong oras siya umuwi?" Tanong ko.

"Kanina lang nung Pag punta nila sol dito" sabi ni aria, so di pala siya pumasok. Lumapit si sol sakin at chineck kung nilalagnat pa ba ako.

"Medyo nilalagnat ka pa." Sabi ni sol at nilagay yung basang towel sa ulo ko, kinuha yung table at nilagay sa harap ko para kumain. "Kain ka muna" sabi Niya sakin "kain ka muna Johan" sabi ni sol at ayun kumain siya. Grabe para siyang robot na may dala dalang malaking gitara.

After namin kumain, ayun si sol na naglinis. Habang yung tatlo pa cellphone cellphone lang dahil daw sila na daw ang naglilinis dito nung wala si sol. So ayan siya. Lumapit sakin si johan at may binigay na notes.

"Since we're both abm, I hope this can help para makahabol ka" sabi Niya. Well magkaiba kami eh section B ako while siya D. Pero mukhang pareho lang naman kami ng mga lesson so kunin ko na to.

"Thank you ah!!" Sabi ko at ayun first time ko siya ngumiti as in sakin.

"Welcome" sabi niya at Maya Maya lumapit siya sa mga kaibigan ko.

"Aalis na ako" sabi niya at nagpaalam din sakin ayun umalis na siya.

Sol's pov

Tapos na din ako maglinis. Kakapagod. Binuksan ko ang phone ko at tamang tama nagtext sakin si adrian

Bigbirdy_adriann155: nandito na ako.
Swiftieloverprettymwah123: ok, wait mo na lang ako Jan.


"

Wait lang." Sabi ko sakanila aria. At bumaba ako. Nakita ko nakasandal si Adrian sa kotse Niya at dala dala ang lalagyanan ng damit ko.

"Adrian!" Tawag ko at tumingin siya sakin, tumayo siya ng maayos at binigay sakin ang bag.

"Sabi ni lola, ingat ka daw" sabi ni Adrian. "Sige, alis na ako" sabi niya at ayun sumakay na siya sa kotse niya. Kumaway ako at umalis na siya.

Pumasok na ako sa hospital. At ayun tinginan sila eh.

"Sabi na eh" Sabi ni Kobe at tumayo, "yung totoo talaga te? Kayo na no?!"

"Hindi ah" Sabi ko at sinarado ko ang pinto.

"Te pakilakasan yung aircon." Sabi ni dane habang nakahiga sa couch. Shala... Ginawang bahay ang hospital ah.

"Kailan kayo uuwi?" Tanong ko sakanila

"Ay putang ina, pinapalayas agad kami oh" sabi ni Kobe. "Uuwi na ako atsaka si aria din, kayo lang ni dane matitira dito"

"Okay" sabi ko at Maya maya umalis na din sila aria, after nila umalis tahimik na ng room, at nakatulog na din si pen. Habang kami ni dane ay nakahiga, dalawa kasi couch dun sa Higa Higa na lang at sobrang lamig. Kumukuha lang ako ng mga gummy na binili namin ni adrian. Hays..miss ko na kausapin si Adrian.. Pati rin si Ronan!! Syempre bff ko rin Yun eh.

Tiningnan ko si pen and I can see na namumutla siya at mukhang nilalamig. Tumayo ako at nilapitan ko siya

"Pen? Okay ka lang?" Sabi ko at hindi siya nagreresponse. Nung hinawakan ko siya ang lamig niya. So ginising ko si dane

"Dane! Bantayan mo si pen! Ang lamig niya" sabi ko nagppanic, shit. I can feel my panic attack again.

"Baka dahil lang sa aircon?..." Sabi ni dane at tumayo at pinahinaan ang aircon

"No Dane!, ang lamig niya, like dead body!" Sabi ko "DANE GISING!!!" sabi ko at binuhusan ko siya ng tubig ayun nahimasmasan siya.

Binantayan na ni dane si pen while ako lumabas na ako sa room Niya para tumawag ng nurse. Wala na akong pake kung may sumusunod sakin na matanda tapos nakasakay sa wheel chair or batang tumatakbo sa hospital dahil hinahanap ang mama o kaya tao na nanghihingi ng hustisya, di po ako si lord. Sorry, anyways bat ko ba to iniisip habang tumatakbo, ayun nung nakapunta na ako sa malapit na counter, sinabihan ko na ang nurse dun at dali dali silang pumunta sa room ni pen. Muntik na ako atakahin ng panic attack ko. Pinalabas kami ni dane ng saglit at bandang 3am ay nasa labas pa rin kami.

"Kamusta na kaya si pen.." sabi ko habang nakasandal kay Dane. At tinetext naman ni dane ang mga magulang ni pen.

"Hintayin na lang natin ang sasabihin ng doctor." Sabi ni dane habang kausap ang mga magulang ni pen. Kinakabahan talaga ako. Hindi dahil ang lamig ng sa tabi ko ah. Pero totoo parang may katabi kami ngayon.

Later lumabas na din yung doctor.

"Doc, how is she?" Sabi ko at hinahawakan ko kamay ni dane.

"She has hypothermia, earlier. Means bumaba ang temperature Niya 35° below. And it's so risky, because maraming tao ang namamatay sa ganyan." Sabi ng doctor samin. "And I'm so proud of her, even though nakaranas siya ng mga risky na pangyayari nakasurvive siya"

Ngumiti ako at napayakap Kay Dane. "So alagaan niyo na siya. Baka bukas magigising na siya." Sabi ng doctor at umalis, bumalik na kami sa loob at ayun. Bumalik na ang dating kulay ni pen.

Hindi na ako bumalik sa couch at umupo na lang ako sa tabi niya, hawak hawakg kamay niya, baka kasi bumalik ulit yun...

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon