chapter 18

7 1 0
                                    

Dane's pov

Habang hinihintay namin tong si kobe, lumapit sakin si Austin.

"Dane. I have assignment, can you help me?" Sabi Niya at lagi naman. Umoo ako. Ayun umalis agad siya. Pa mixed signals din kasi tong tao na to.

Minsan ako lang, minsan ang daming babae. Paselos selos pa siya nung last last last month. Ayaw Niya lang ata magkajowa ako para may taga gawa siya sa assignment Niya. Bwesit siya.

Sol's pov

Pumunta na ako sa field at ayun agad agad ako nakita ni Adrian at nagbreak time muna sila.

"Sweet Sweet naman ng baby ko" sabi Niya. Sanay na ako ganyan siya magbiro

"Ulol. Baby mo mukha mo." Sabi ko at binigay sakanya ang sandwich pumunta kami sa bleachers at ayun dun kami kumain.

"Ay, sol...sa next month may laban kami sa baseball" sabi ni adrian sakin. Hm? Kaya pala sa todo training.

"Sino yung kalaban?" Tanong ko habang kumakain.

"Yung public school yung malapit satin." Sabi Niya and i was so happy, SHETT makakapunta si ronan dito.

"Really? I'm excited na tuloy" sabi ko.

"I hope may regalo ka sakin.." sabi Niya, lah.

"Next time, bakit pang goodluck gift ko ba yun for you?" Sabi ko

"Yeah" sabi Niya. Loko to oh. Anyways alam ko naman pampaswerte ako. Char!

"Okay next time" sabi ko.

"May training pa kami mamaya ka di kita mahahatid as always pero if natapos na to. Lagi na kitang ihahatid pauwi at susunduin." Pangako niya sakin. Tang ina may assurance na ba this?!.

"Okay, sabi mo yan ah." Sabi ko at bigla Niyang hinawakan kamay ko.

"Yeah, I promise.." sabi Niya and kissed my hands, I don't know pero tang ina...I have butterfly in my stomach!! Kinuha ko agad kamay ko at pinunas sa damit Niya

"Eww!!" Sabi ko, kunware pa nandiri pa ako. And he just laughed suddenly tumunog na ang bell.

"Aalis na ako." Sabi ko at umalis na ako.

Syempre puro lesson na naman.  Buti tapos na din and after nun pumunta na ako sa 8th floor sa music room. Ayun nakita ko mag isa si johan dun. Naggigitara. Galing naman nila mag gitara.

Pumunta na lang ako sa stand ng microphone at inayos habang wala pa sila pen. Putik na bored talaga ako after ko ayusin to. Wala sila pen. Baket kasi ang aga neto!!

"Bat ang aga mo?" Tanong ko ng kalmado.

"Nothing." Maikling sagot niya ampt nonchalant.

"Anyways pano mo nagustuhan so pen?" Tanong ko at umupo na lang ako sa harap niya. Gago gulat siya eh, bigla bigla akong magtatanong ng ganon.

"Ayoko nga, sasabihin ko Kay pen eh" sabi Niya.

"Hindi yan, promise." Sabi ko

"Okay, whatever. Sisihin kita Pag nalaman Niya na gusto ko siya ah" sabi ni johan. Lah. Close ba tayo para mag banta ka? Kung malaman man ni pen, sabihin ko na lang "walang sekreto ang di mabubunyag" para di siya magalit diba.

"Pen.. easy pretty, and I love her personality" sabi Niya, I knoww! Like I wish may ganun din akong ugali Kay pen, she was very energetic na tao. Kung may libro lang na how to be zhapyn baka binili ko na at binasa.

"Kailan mo pa siya nagustuhan?" Tanong ko ulit.

"Last year"

"Oh, tagal na pala eh. Grabe ka magtago ng feelings no?" Sabi ko "anyways pano nalaman na parang nagugustuhan mo siya?"

Wow, interview ah, kulang na lang cameras at lights.

"to be honest.." pagsisimula niya "di ko rin alam kung pano ko nalaman na crush ko si pen, I mean may mga traits ako na nagustuhan sakanya, pero Hindi ko Kasi alam kung ito ba yung naging dahilan talaga kung bakit ko siya nagustuhan." Grabe baka di na to crush ah.

"Like nung sinabi ko kanina na nag start sa 'nagandahan ako sakanya' pero like Hindi Naman ako bigla magkaka crush sa tao porket maganda siya, so Hindi ko rin masabi kung kelan nag start" sabi niya. PUTANG INA NAGSAYANG LANG AKO NG ORAS!! "Anyways bat mo naman natanong yan?" Tanong Niya.

"Hm?! Gusto ko lang malaman kung pano mo nagustuhan friend ko Yun lang" sagot ko, well that's not the reason. I want to know kung ano feel magkacrush...

"Okay." Sabi Niya at ayun may warning pa ulit siya "wag mo sasabihin sakanya ah!" Sabi Niya sakin at tumango ako, grabe naman ang takot ng lalaking to.

Later dumating na din sila pen

"Uyy! Ang aga ah! Kaya pala madilim na classroom niyo sol" sabi ni pen at nilagay Niya bag Niya sa gilid.

"Maaga kasi natapos kaya deretso agad ako dito" sabi ko at dumating na din si amy with others syempre.

Napansin ko may dala dalang papel si amy.

"Te, can you see that paper?" Bulong ko Kay pen at inirapan ako.

"Malamang." Sabi Niya sakin.

"Guys...next month is start na tayo mag practice dahil sasali tayo sa laban!" Sabi ni amy, omg?

"TALAGA?!" Sabi ni johan at pinakita ni Amy samin ang papel. Shet kabado bente ako.

"Ngayon, ikaw muna mag isa" Turo sakin ni Amy "dahil si flor magiging busy na dahil magpapasko na at need siya sa choir nila"

Ohwkayyy!

"Kaya ikaw na mag iisip ng Kanta" sabi ni Amy

"What if nag mix tayo ng kanta." Sabi ko at nag isip si Amy "hmm..maganda yan. Okay! Mag isip ka ng kanta ah" sabi niya at tumango ako. "Anyways yun lang, galingan niyo ah." Sabi ni amy and now umalis na si amy.

"Kakaexcite Te!!!" Sabi ni pen. Sino ba Hindi maeexcite. I mean maeexcite naman ako na kinakabahan.

"Aalis na ako pen" sabi ni johan, pots pasimple pa siya.

"Sige sige ingat!!!" Masayang sabi ni pen at umalis na ang gorang. Kami na lang ni pen na tira sa floor na yun. Pareho kami ayaw pa umuwi eh. Atsaka ang aga aga pa. 6:00pm na nga eh. Nag gigitara si pen habang ako nag iisip ng Kanta na pwede I mashup. Hanggang sa tumingin ako sa Pag gigitara ni pen. Ang galing nila. I dream of playing a guitar. But I'm too shy mag pabili ng gitara. Napatingin sakin si pen.

"Gusto mo itry?" Sabi niya, I was surprised.

"N-no, hindi ako marunong." Sabi ko at lumapit siya sakin

"Kaya mo yan, turo ko sayo yung D chord" sabi niya at binigay Niya sakin ang isang gitara.

Pinakita Niya pano Niya nilagay ang daliri Niya at ginawa ko naman. At narinig ko na natawa siya. Lah.

"YUNG DALIRI MO!!" Sabi niya at yes. I'm a first timer and syempre!! Sinabihan ko na nga siya di ako marunong.

Binitawan ko ang gitara at natawa na lang si pen.

"Patugtog ka na lang diyan." Sabi ko at bumalik na lang ako sa ginagawa ko.

"Try mo kasi!! Dalhin mo kaya sa bahay niyo yung gitara! Dun ka mag practice. Manood ka sa mga YouTube or tiktok" suggest ni pen. Well...

"Pwede bang dalhin to?" Sabi ko at hinawakan ang gitara.

"Yeah! Basta ibalik mo lang ah!"

"Malamang ibabalik ko to." Sabi ko at binigay sakin ni pen ang lalagyanan ng guitar.

Maya Maya umalis na din kaming dalawa at bitbit ang gitara. Maya Maya dumating na ang jeep at sumakay na ako. Yeah always correct lagi kong kasama si ronan.

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon