chapter 46

4 0 0
                                    

Weeks turn into month and, 1 linggo na lang malapit na ang prom. Habang nags shopping kami ni pen ay nag vibrate phone ko. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung ano ang meron.

Nagchat ang mama ko na pupunta na daw siya after ng prom at nakabili na daw siya ng ticket papuntang spain. Napatigil ako sa paglalakad at nawala ang ngiti ko nung nabasa ko ang sinabi niya.

Napatingin si pen sakin at nagtaka "Te? Ano meron?" Sabi Niya at tiningnan Niya ang phone ko at nabasa niya.

"Okay lang yan.. atleast nakabonding na tayo." Sabi niya, di ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Bumili kami ng mga Kailangan ni pen sa prom. At bigla na naman nagvibrate yung phone ko. I'm just getting annoyed dahil baka si mama na naman. Pero nung tiningnan ko si Ronan lang pala.

Ronann_lavilla: saan ka?

Hm? Ano kaya kailangan Niya?

Solynn_arizone: sa mall, kasama si pen, bakit?
Ronann_lavilla: saan mall yan puntahan kita.
Solynn_arizone: why nga?
Ronann_lavilla: mamaya ko na lang Sabihin.

Sinabi ko sakanya kung saan mall ako, habang kumakain kami sa restaurant, bigla siyang dumating.

"Ron-" napatigil ako nung nagsalita siya

"May pupuntahan tayo" sabi Niya at napatingin na lang ako sakanya.

"Saan?" Sabi ko.

"Peryahan" sabi niya at nagtaka ako dahil first time ko marinig Yun

"Ano Yun?" Sabi ko at nagtataka pa ako.

"Basta... Sumama ka na lang, please." Sabi niya at napatingin ako Kay pen dahil maiiwan siya mag isa.

"Sige na sumama ka na solynn...okay lang ako" sabi ni pen

"Sigurado ka?"

"Oo! Basta umalis ka na!!" Sabi ni pen at nagmamadali aking paalisin

"Aray, parang excited ka umalis ako..." Sabi ko, at inaayos ko ang gamit ko at tumayo na. "Sige na aalis na ako bye! Ingat ka sa Pag uwi ah!" Sabi ko at umalis na kami ni ronan.

Pen's pov

Tiningnan ko sila sol umalis at nung di ko na sila makita nakahinga na ako ng malalim, at kumain na lang. Habang kumakain ako, may umupo sa upuan kung saan umupo kanina si sol.

"Jeremiah?" Sabi ko at ngumiti siya.

"Hi!" Sabi niya

"Iniistalk mo ba ako?!" Sabi ko and he shakes his head

"Hindi ah! Nakita kita kanina nakatingin sa labas at mag isa ka lang. Kaya pumasok na lang ako sa loob" sabi niya at pinaligpit ang pagkainan ni solynn at nag order siya ng cappuccino para sa sarili Niya. Hindi kami naguusap at sobrang awkward.

"Pupunta ka ba sa prom?" Tanong Niya at napatingin ako sakanya.

"Ahm...oo!" Sabi ko at di ko alam para akong natataranta. "Ikaw?" Mahinahon na sabi ko.

Ngumiti siya "hm!" Sabi niya at tumahimik kami ulit. "Pwede bang maging prom date mo ako?" Pag Aya sakin, "i-i mean not magddate tayo but mag partner tayo!" Sabi niya.

Catch Me, Dear!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon