CHAPTER 2

16 3 0
                                    

It's been weeks since the school year starts. But I only have Richie in this classroom. Wala naman siyang girlfriend at okay naman siyang kasama kaya bakit ako magkukumahog na maghanap ng ibang kaibigan.

I see that they're afraid of befriending me because of my attitude. Kasalanan ko bang lumaki akong masungit? Pero hindi naman masama ang ugali ko. Hindi na sila lugi sa akin.

Kami ni Third,minsanan lang kami magkita,madalas sa hallway dahil marami siyang kaibigan. Palagay ko ka-section niya 'yong mga lalaking nagpunta rito noon.

Hindi na rin sila pumasok pa sa classroom namin. Baka natakot na 'yon. E hindi ko naman talaga sinasadya! Saka wala akong balak ibulgar 'yon sa buong campus! Ang kapal naman ng mukha ko nun.

Mabait naman ako,hindi lang ako mukhang approachable. Kasalanan ko bang may specs akong suot kaya mukha akong sarado para kaibiganin?! Pag naka-specs ibig sabihin walang pake sa mundo?

Oo,aaminin ko,bored na bored ako kahit marami akong kaibigan. Kasi,hindi ko masiyadong nae-enjoy. Kahit parang kumpleto na ang buhay ko may bagay pa rin na gusto kong maabot.

Good grades? I can have that,I'm smart. Pero iba ang hinahanap ko e,hindi ko alam. Isang milyon siguro. Charot

Nang matapos na akong magsagot sa activity ay nagpahalumbaba ako sa upuan ko. Nasa gitna kasi ako ng tatlong row,kami ni Richie. When the teacher called my name,tumayo ako para ipasa na ang papel ko,pero inutusan niya akong dalhin ang apat na math books niya papunta sa section A.

"Arya,pansinin mo raw si Kairo."napatingin ako nang marinig ko ang asaran sa hulihan ng mga upuan nila.

Dahil malakas ang pagkakasabi nun ay marami pang naki-asar kaya naman nangunot ang noo ko kasabay ng pamumula ng pisnge ko.

Sino 'yon? Hindi ko nga kilala!

"Ang ganda ng tandem niyo kapag nagkataon. KaiRa. Bigas yarn."pamilyar na pamilyar ang boses ni Third kaya kaagad ko siyang nahanap. Pinanlakihan ko kaagad siya ng mata pero tinawanan lang ako ng mokong.

"Tanga Arya,hindi Ayra."I told him before leaving this classroom.

"Magkasing-tunog naman!"rinig ko pang sigaw ni Third. Kahit pa nasa labas na ako ay rinig ko pa rin ang ingay sa loob ng classroom nila. Talaga! Wala ba silang pasok? Umuwi nalang sana sila.

Pasalampak akong umupo sa upuan ko kaya napatingin sa akin si Richie. Pinagtaasan ko kaagad siya ng kilay. Bakit siya nakatingin? Nakakabadtrip talaga 'yong kabilang section. Panira ng peace of mind.

Nung lunch time sa loob ng classroom lang din ako,naglalaro ng cellphone pagkatapos kumain. Si Richie kasi palaging nasa cafeteria iyon kasama ang ibang kaibigan niya kaya naiiwan akong mag-isa rito.

Masaya kapag mag-isa. Hindi ako palaimik pero may pagkakataong madaldal ako. Weather-weather lang,ganun. At totoo talagang masungit ako,masisisi niyo ba 'ko kung nababadtrip ako sa pinakamaliit na bagay na hindi ko gusto?

I like hanging out with friends,lalo na kapag close ko na sila. Pero kapag hindi ko ka-close,gaya kanina sa Section A tas inaasar ako. Kahit hindi ko gustuhin ay nag-iinit talaga ang pisnge ko. Matapang ako pero kapag inaasar na ako,nawawala talaga ang angas ko.

Kapag papasok sa school minsan nagkakasabay kami ni Richie, nagko-commute rin kasi siya gaya ko kaya nagpapang-abot kami sa main gate ng EH.

Gaya ngayon,sabay kaming naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin na kailangan pang daanan ang classroom nina Third. Maingay as usual ang buong section nila kaya hindi ko mapigilang mapangiwi habang dumadaan.

Habang nag-uusap kami ni Richie ay biglang lumabas iyong mga lalaking nagpunta sa classroom namin,nginisian kaagad ako nung Isang madaldal habang 'yong nasungitan ko naman ay pinagtaasan lang ako ng kilay. This is the second time we had an eye contact. The nerve of him to look at me! I mean. .  . the nerve of us look at each other?

Nang makapasok kami sa classroom, tinanung kaagad ako ni Richie kung close ba raw kami ni Third,parati kasi kaming nagsasagutan kapag nagkakasalubong kami kahit saan,marahil ay napansin niya iyon.

"Unfortunately,"boring kong sagot at saka sumandal sa upuan ko.

"Crush mo?"he teased,umirap ako. Sa dami ng ishi-ship? Sa mokong na 'yon pa? H'wag na! Ket h'wag na akong mag-boyfriend buong buhay ko."Bakit hindi,gwapo naman."he said.

"Ikaw nalang, Rich. Jowain mo 'yong tangang 'yon."tinawanan niya kaagad ako.

"Gwapo naman talaga si Third,diba,Angela?"nagpatulong pa talaga siya sa kaharap naming babae. Aba

Her eyes twinkled."Sa section A? Oo, maraming gwapo ron."she smiled."Type mo,Arya?"nanlaki ang mata ko at kaagad na umiling."Edi sino?"she asked.

"Wala akong crush."I told them.

Ever since that day we started talking to Angela,we became friends with her. Sumasabay na siya sa amin during lunch time kaya kahit may baon ako ay sa cafeteria pa rin ako kumakain.

Angela is somehow like me,may pagkakataong tahimik at madaldal. Richie is the talkative one. I don't think he has someone he likes right now. He shows no interest in girls our age. Ang random ng mga tanong niya lagi na walang connect sa babae.

Tinanung ko naman siya kung bakla siya pero hindi raw. Porke daw walang interest sa babae. Okay Sige na,I'm the wrong ferson.

"Iyong kapapasok lang? Iyon si Kairo, Kairo Bergado."walanghiya rin talaga 'tong si Angela dahil kahit maraming tao ay tinituro talaga ang lalaki.

Sinundan ko ang itinuturo niya at laking gulat ko nang mapagtantong iyon pala ang lalaking sinungitan ko! Siya pala 'yon? Pati 'yong inaasar sa akin lately? Siya 'yon? Huh!

Tumatawa siya ngayon kasama ang ibang kaibigan niya at nakita ko ron si Third na parang tanga sa lakas ng tawa. Si Kairo,simple lang,nakatawa lang ng simple at mahinhin.


As I was watching him,he accidentally shifted his gaze to our side and our eyes met. Nanlaki ang mata ko at kaagad na sumilong sa ilalim ng lamesa. Ang pula-pula ng mukha ko ngayon! I just had an eye contact with him for the third time!


Arya Nate! That guy freaking saw you looking at him! Nakakahiya ka!

Sumilip kaagad si Angela at Richie sa akin at sinabihang umayos ng upo. Umayos nga ako ng upo,I fixed my specs and kept my face with no emotion at hindi na binalingan pa ang pwesto nila kahit pa sila pa rin naman ang topic namin sa lamesa namin.

Holly freaking unlucky of you,Arya!

LOVE AT FOURTH SIGHT (HIGHSCHOOL ROMANCE #1)Where stories live. Discover now