CHAPTER 17

11 2 0
                                    

Kinabukasan,kinuha ko kay Kai ang wallet ko,inasar kami,syempre. Buti nalang wala pa ang mga kaibigan niya kaya nakaiwas kaagad ako sa asaran. I thanked him and left after. Pagkabalik ko sa classroom ay may chat na si Rich na nasa field na raw sila ni Angela kaya hindi na nila ako naabutan.

I told Jeremiah to hurry because he's taking so much time while playing mobile legends. Sobrang aga pa para maglaro siya. I yelled at him so he annoyingly turned off his phone before going near me.

"Nagmamadali ka ba? Ha? Ang aga pa."inis na sabi niya sakin kaya naman tinaasan ko kaagad siya ng kilay. My height couldn't make it high but my eyebrows will.

He bit his lower lip,smiling at me."Ungas ka, anong gusto mo hapon na tayong pumunta dun?"pinanlakihan ko siya ng mata.

Minura niya kaagad ako kaya inambahan ko siya ng suntok.

"E 'di mauna ka na ron."he said.

"Hindi pwede."sabi ko at hinila kaagad ang buhok niya palabas ng building namin,nang bitiwan ko na siya ay sinamaan niya kaagad ako ng tingin.

Well,he couldn't do anything!

Binati ako ni Angela at Rich nang makita namin sila na naglalakad,sa school field.

Dahil masiyadong mabagal maglakad si Jeremiah kahit na matangkad siya,marami nang tao sa gym nang dumating kami. Our choreographer is already lining them up kaya nagmadali kaming tumakbo ni Jeremiah papunta sa kanila.

While running,I was cursing Jeremiah. Tanga kasi! Pano kaya kung mamaya pa kami?! E 'di huli na?!

"What's your name?"our choreographer asked me. Nanlaki ang mata ko.

"Arya Nate po."I smiled at him awkwardly.

"Pwedeng Ikaw nalang ang buhatin? You're height will fit at hindi rin mahihirapan ang mga magbubuhat. Is it okay?"nanlaki ang mata ko. Omg!

"Ano po kasi e..."kumamot ako sa ulo ko,baka malaglag ako!

"Kaya niya po 'yon kuya! Sa totoo nga ho niyan sobrang lambot ng katawan ni Arya e,kaya niyang mag-bend sa taas."nanlaki ang mata ko at sinamaan kaagad ng tingin si Jeremiah na ngayon ay nakangisi na sa akin.


Sinungaling!

"Okay."kuya Keifer nodded at me."Okay lang? Arya?"

Hindi ko alam kung bakit ako tumango. Tanga


We practiced our dance before we decided a break. Pagkatapos ay saka na sila gumawa ng parang pyramid at ipupunta nila ako sa itaas. Habang nakatingin ako sa taas ng ginawa nila,like nagpapatong-patong sila para mas lalong tumaas,para akong hihimatayin.


I'm not afraid of heights,takot lang ako na baka mahulog ako galing sa itaas. Baka mabagok ang ulo ko! Mapilayan ako o ano!



Gaya ngayon,after my third try of bending up here,para akong mamatay sa kaba habang sumasayaw at nagbebend ako rito sa itaas. Jeremiah is shouting my name as if he's my number supporter. I was glaring at him whenever our eyes met kaya naman tawa ng tawa ang mokong.


When I was about to go back bending again,bigla akong nadulas kaya nahulog ako. While falling,I was already praying about my life,my body. Sana wala akong bali,sana buhay pa ako,sana hindi mabagok ang ulo ko sana...

"Aray!"

Nilapitan kaagad nila ako. Nakapikit ako, pinapakiramdaman kung buhay pa ba ako,and I am.

"Hey are you okay?"kuya Keifer asked. Mukha ba akong okay?

Nakanguso ako habang nakatingin sa kumpol ng mga taong nakatingin sa nakahigang ako sa sahig. Walang magdadala sa akin sa clinic? Masakit ang paa ko! Para akong may sprained ankle! Ang sakit!



LOVE AT FOURTH SIGHT (HIGHSCHOOL ROMANCE #1)Where stories live. Discover now