Did you notice that all the chapters are short? it's composed of 1000+ words only. I'm fitting Kai and Arya's scenes in every chapter. Bawat chapter,one to two events. Diba? haha
----------
I went to the cafeteria right after the practice. Nakasuot parin ako ng uniform,wala akong kasama pabalik dahil hindi ko mahanap ang kumag na si Jeremiah. Richie and Angela is also busy,hindi ko alam kung nasaan sila.
I'm too lazy to text them where they are.
Naisip ko kanina kung bakit hindi nalang kami sabay na lumabas sa gym kanina e pareho lang rin naman,pero naisip ko kung ano nalang ang iisipin ng mga istudyante? Ano 'yon deny ng deny tas makikitang magkasama.
Although, there's nothing for us to admit dahil wala namang kami! But I'm sure people expects that we are. Kasalanan talaga ni Patricia 'yon,siya kasi ang nagsulat nung Uno cards na nasa 'kin nung laro.
O baka kasalanan ni Angela? Kasi bukambibig niya ang lalaking 'yon? Hindi ko alam.
Kasalanan ko talaga e. Bakit kasi Kairo? Ang daming pangalan na nagsisimula sa letter K!
Anyways,masarap 'yong lunch kanina. Ang sarap nung ulam. Hindi ba type ni Kai 'yon kaya binigay sakin? O talagang trip lang niya?
Pumasok ako sa cafeteria pero wala si Kairo. San na 'yong lalaking 'yon? Baka jinojoke time niya lang ako! Humanda talaga siya sa akin! Kahit crush ko siya,susuntukin ko ang mukha niya.
"San na 'yong gwapong 'yon?"I asked myself.
"Ako?"nagulat ako ng biglang lumitaw si Kai sa likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat,o sa pagka-inlove sa kaniya. Char
"Palaka!"
"Ang gwapo ko namang palaka."he said. This guy knows his physique very well. He knows the his looks is to die for.
"Hindi Ikaw 'yon."sabi ko kaagad sa kaniya, magkasalubong ang kilay.
"Sino? Wala namang ibang tao rito?"he asked,posing a challenge. Pinanliitan pa niya ako ng mata kaya naman umirap ako.
"Basta!"sabi ko at tumalikod."Basta hindi Ikaw 'yon."dagdag ko. Narinig ko ang tawa niya kaya lumakas pa ang tibok ng dibdib ko."Saan mo gustong kumain?"tanong ko sa kaniya, magkasalubong ang kilay.
"Bukal sa loob 'yan?"seryuso ngunit nanunudyong tanong niya. Umirap ako.
"Pag hindi,hindi ka sasama?"
"Sasama."bulong niya.
"Ano?"I asked him. Hindi ko siya narinig. Lumapit pa ako sa kaniya para marinig ko ang sinasabi niya.
"Sabi ko,tara na."he said before he started walking.
I followed him,running. Ang bilis niya kasing maglakad kaya tumatakbo na ako. Pumunta kami sa waiting shed para maghintay ng masasakyan. Hindi ko alam kung anong hinihintay namin rito,taxi ba o jeep?
"Taxi?"
"Gusto mo?"
"Alin?"
"Ako?"he asked. I rolled my eyes at him mockingly before telling him to shut up. Tumawa lang siya.
Pag-sinabi ko bang oo,crush mo na rin ako? Hindi diba? H'wag na.
"Jeep? Okay lang sayo?"I asked him,holding both straps of my bag before looking at him. Kagat niya ang pang-ibabang labi niya at parang nakanguso siya ngayon.
Marami nang istudyante ang nagsisi-uwian kaya ipinagdarasal kong sana walang makakita sa aming dalawa dahil ayoko talagang mag-explain sa kanila. Nakakapagod na.
"Okay lang."
Tumango ako sa kaniya at tumingin na sa daan. The sunshine's hitting my face kaya naman nakayuko ako ngayon,while looking down,biglang hindi ko nalang maramdaman ang araw kaya naman umangat ang tingin ko.
Napangiti ako nang mapagtantong nakataas ang kamay ni Kai dahilan para hindi na ako masilaw at maaarawan ang mukha ko,he wasn't looking at me. Hindi ko nalang siya pinuna,sayang naman baka magsungit.
Habang nag-aabang kami ng masasakyan,may humintong jeep at nang lumingon ako sa may likuran namin,nakita ko si Richie, Lawrence,Angela at Arthur na magkakasama.
Because they weren't facing us,I grabbed Kai's weits and pulled him inside the jeep with me,mukha siyang gulat dahil gulat ang mata niyang nakatingin sa akin.
Sinenyasan ko siyang h'wag magsalita at nang makita kong lilingon na sila sa banda namin,I pulled Kai's head together with mine,down. I peeked at the window and saw them riding another jeep.
Nakahinga ako ng maluwag at umayos ng upo. Minamasahe ni Kai ang batok niya habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin,sumandal ako at humawak sa batok ko,pakshet ang sakit naman.
"Are you hiding from someone?"he asked.
"Oo."sagot ko.
"From your boyfriend?"he asked,seems annoyed.
"Correction. Boy,space,friend. Tsaka mga kaibigan mo. Ano nalang kapag nakita nila tayong magkasama? E 'di wala na?"sabi ko sa kaniya.
"Ano naman kung makita nila tayong magkasama?"
"Seryuso ka?"manghang tanong ko.
"Nakakahiya ba akong kasama?"
Nanlaki ang mata ko. No, Keb! It's a pleasure!
"Hindi!"tanggi ko."Ano lang,nakakahiya! Hindi Ikaw,hindi ako nahihiyang kasama ka,okay? Ang akin lang-"
"Wala naman tayong itinatago kaya bakit kailangang magtago."he said before crossing his arms. Mukhang galit. Nakakatakot naman 'to.
I bit my lower lip.
"Okay,let's tell them."
"H'wag na. I understand."he said finally.
I snorted before sitting properly. Nalaman kong nagko-commute rin pala siya minsan kaya marunong siya sa jeep,akala ko kasi hatid-sundo.
I payed for the transportation. Wow, transportation? Huminto kami sa may bayan para maghanap ng makakainan. Hindi pa kasi siya makapagdesisyon kung saan kami kakain.
Naglakad lang kami sa mga gilid habang nagtitingin ng pwedeng kainan namin.
Padilim na rin kasi kaya kaninang nakasakay kami sa jeep tinext ko na si mama na baka malate na ako ng uwi.
"Wala kapang naisip?"I asked him. Pagod na ako sa paglalakad e.
"Pagod kana?"he asked. Umiling ako. Syempre,ayoko namang ma-guilty siya kaya hindi ko sasabihing ‘oo’.
"Sa Jollibee?"I asked him.
"Okay lang sayo?"he asked,amused.
"Bakit hindi?"I asked him.
He smiled and whispered ‘yes’ before looking at me again. Para siyang bata na napagbigyan sa gusto niya. Jollibee lang pala kanina pa kumakabog ang didbib ko dahil kasama ko siya e.
Cutie,Keb.
-------
:^)
YOU ARE READING
LOVE AT FOURTH SIGHT (HIGHSCHOOL ROMANCE #1)
Teen FictionCome and read Arya and Kai's highschool romance story! Date started 06/26/24