CHAPTER 6

8 2 0
                                    

I don't know what to answer my friends when they asked me about Kai earlier.

What is this? Is it his birthday? Diba kapag birthday nagbibigay ng food tsaka drinks? Pero kung birthday niya hindi niya naman ako bibigyan kasi hindi naman kami magkaibigan.

Tulala ako habang ongoing ang klase dahil sa nangyare. I don't know what to do anymore.

Should I ask him about it? Bakit ko naman siya tatanungin? Hindi naman niya kasalanang nabuhay siya para i-ship sa akin. Hindi naman niya kasalanang inaasar ako sa kaniya. In fact,I think he doesn't even care about it. I am the one who's really affected when in fact I can just ignore it.

But things happened for reasons.

"Birthday ko, pumunta ka,sinabihan ako ni mama."salubong sa akin ni Third nang naabutan niya akong naglalakad papunta sa cafeteria.

Nauna na kasi si Angela at Richie kasi naiwan ko pa ang wallet ko.

"Maraming tao? Baka hindi ko mga kilala 'yon."sabi ko kaagad at humalukipkip.

"Mga kaklase ko lang."

"Ayoko."sagot ko kaagad. Buong section A? Seryuso? Hindi ko naman gustong makaramdam ng hiya sa birthday ni Third. For sure, nandoon si Kai. Kaya h'wag na,nunka!

"Ramot mo. Minsan na ngalang."he frowned. I frowned too before biting my lower lip.

Right. Birthday naman ni Third,kaibigan ko siya. Isn't unfair that I'll not attend his birthday because of Kai,right? Why am I even avoiding him anyway?

Because you like him,Arya.

"Malayo bahay niyo."sabi ko. Lumipat na sila ng bahay. Syempre,palusot lang 'yon,ayokong pilitin niya ako.

"Sunduin kita."

"H'wag na,magko-commute kapa niyan. Wala ka namang kotsi."sabi ko sa kaniya at alam kong halata niyang ayaw ko lang talagang pumunta.

"Ayan tayo,e. Parang mabilis lang naman. ."nangungunsensya'ng sabi niya kaya naman napanguso ako. Hayst,this guy knows how to guilt-trip me.

"Okay,fine."sabi ko at umirap.

Tumawa kaagad si Third at inumpisahan na akong kulitin kay Kai kaya naman magkasalubong ang kilay ko habang naglalakad kami.

I like Kai as much as I like eating sweets. Kahit masungit siya,kahit mukhang troublemaker,kahit mukhang siraulo at walang gagawing tama,gusto ko siya. You'll never know that you already like someone if you don't know how your heart beats.

Kahit hindi ko pa siya kilala,kahit hindi ko pa siya nakakausap,kahit ugali at pangalan niya lang ang alam ko,gusto ko siya. Liking someone doesn't require knowing his deepest secret. Like me,I liked Kai with me only knowing his name and a bit of what he really is.  Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang totoong ugali niya!

Kung may girlfriend na siya,hindi naman siguro siya aasarin ng mga kaibigan niya sakin.

"Samahan mo si Bergado sa library,Abrenica. I forgot to bring my laptop after the orientation."sabi ng teacher namin. Nasa likod niya si Kairo at seryusong nakatingin sa akin.

Napalunok kaagad ako at nag-iwas ng tingin. Napasinghap ang mga kaklase ko at pinanlakihan ako ng mata ni Angela. Richie kicked my foot so I immediately glare at him.

Kinuha ko ang bag ko at kinagat ang pang-ibabang labi bago tuluyang tumayo na.

"So this is love. . . lalala."kanta ng isa sa mga kaklase kaya kaagad akong napatingin sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

Hindi pa nakatulong na dumadagungdong ngayon ang puso ko na parang tanga. Para akong tumakbo sa marathon kahit pa naglalakad lang naman ako palapit kay Kairo. Oo! Kay Kairo Earl Bergado!

Umulan pa ng asaran nang makalapit na ako sa lalaki. Nakayuko ako at hindi magawang mag-angat ng tingin sa mga kaklase ko lalong-lalo na kay Kai na ramdam ko ang tingin sa akin. Kasalan niya kasing nabuhay pa siyang tanga siya.

Nagpa-alam siya kay ma'am kaya wala akong choice kundi ang sumunod sa kaniya sa paglalakad.

Nakayuko ako at nakahawak sa magkabilang straps ng bag ko.

"Akala ko ba matapang ka? Bakit ka nakayuko ngayon?"biglang sabi niya. Sa kakarampot na segundo at minuto na nagsalita siya sa akin,pansin ko ang lamig at tabang ng boses niya.

Nag-init ang pisnge ko. Oo,matapang,pero tiklop sayo.

"Akala ko matapang ka rin kaya bakit kailangan mo pa ng kasama ngayon."I fired back and rolled my eyes before walking way faster than him.

I heard him chuckled.

"E di bumalik ka dun."he answered nonchalantly. I scoffed before looking at him with a raising brow.

Talaga,sinong binabara niya?

"Babalik talaga ako."sabi ko at lumingon na nga pabalik para bumalik sa classroom.

Keysa magmukha akong tuod sa kaniya? H'wag na,babalik nalang ako sa classroom. I like him but I don't want to get closer to him,parang sasabog ako.

Habang mabilis ang ginagawa kong lakad at biglang may humablot sa palapulsuhan ko. Napatingin ako kay Kairo,nakataas ang kilay niya sa akin at alam kong naiinis na rin siya ngayon.

Nakasilid ang Isang kamay sa bulsa at nakahawak sa palapulsuhan ko ang isa. I stared at his hand gently my securely holding my wrist.

"Saan ka pupunta?"he asked,his tone a bit mad.

"Babalik."matapang na sagot ko.

"Hindi mo 'ko sasamahan?"he asked still holding my wrist.

Umalsa ang kilay ko.

"Akala ko kaya mo na?"inis na tanong ko.

He scoffed before he let got my wrist. Akala ko hahayaan na niya akong umalis ngunit laking gulat ko nang hawakan niya ang bag ko na parang hinihila ako na parang aso niya. Dahil kaya niya akong hilahin ay nahihila niya ako, syempre ayoko namang masira ang bag ko kaya sumunod nalang ako.

I scoffed and looked at him unbelievably doing this stuff. Para siyang bully at para akong nagpapa-bully lang sa kaniya.

"Maglalakad ka o hihilahin kita ng paganto?"he asked when we reached the first floor.

"Bitiwan mo na nga ako!"inis na angal ko.

He smirked. Bakit gwapo siya?

I think myself is digging a deep grave of mine everytime I saw him.

This isn't good,Arya.

LOVE AT FOURTH SIGHT (HIGHSCHOOL ROMANCE #1)Where stories live. Discover now