CHAPTER 19

10 2 0
                                    

Isang linggo akong hindi pumasok dahil sa paa ko. Buti nalang walang iniba sa steps namin. Nandon ako nung last practice namin. Jeremiah is the one who gave me the t-shirt that we're using for the foundation day.

Halos sabunutan ko na ang lalaki ng pumasok ako sa classroom namin kung hindi lang ako nahihiya kay Renee. Baka magalit siya sa ingay naming dalawa ni Jeremiah.

Inis na inis ako sa lalaki! As in!

Nung lunch dahil rest day na namin dahil bukas na ang foundation day,kasama kong mag-lunch si Jeremiah,Richie at Angela sa cafeteria. Hindi ko alam kung sino ang kakampi ko sa tatlo dahil halos sila inaasar ako.

Mas inuna pa talaga nila 'yon kesa sa kalagayan ko ah! Mga walang kwenta.

Dahil hindi pa gumagawa si Jeremiah ng costume niya,tinulungan namin siya sa classroom. Ginawa ko na ang akin nung nasa bahay ako. Si Angela ang nagpapadikit at ako naman ang naggugupit,si Rich naman at Jeremiah ay naglalaro lang ng ml sa gilid kaya halos patayin ko na sila sa tingin ko.

"Hoy,pinapatay mo na kami sa utak mo ah."tawa ni Jeremiah nang mapansin ang talim ng tingin ko sa kanila.

"Samin ba 'to? Sayo naman!"

Tinawanan lang talaga ako.

Nang matapos na,lumabas sila ni Richie para bumili ng meryenda naming apat. Kami lang kasi ang nasa loob ng classroom namin.

Nang bumalik sila, masayang-masaya si Angela pati ako dahil sa pagkain.

"Hindi mo talaga gusto si Kai,Arya?"tanong ni Jeremiah habang kumakain ako ng cheesecake kaya sinamaan ko siya ng tingin."Anong tingin 'yan? Nagtatanong lang naman."tawa niya.

"Mahal na mahal mo si Kai 'no?"sarkastikong sabi ko at umirap.

"Curious din ako. Parang close kasi kayo ni Kai."Si Richie naman.

"Ikain mo 'yan."I told him.

"Arya... we're not going to tell anyone talaga, promise!"Angela even raised her right hand. Umirap ako sa kaniya.

"Bakit ba gustong-gusto nitong malaman ah?"tanong ko, magkasalubong ang kilay.


"Bagay kasi kayo."Jeremiah said. Pinalo kaagad siya.''Totoo nga! Hindi mo gusto talaga?"he asked again.

Gustong-gusto!

"Hindi nga eh!"tanggi ko.


"Sinungaling talaga 'to."Richie shook his head as if he's disappointed. Sininghalan ko kaagad siya. Hindi kaya ako sinungaling!


"We saw you both. Last week. Sa Jollibee."Richie told me. Nanlaki kaagad ang mata ko sa sinabi niya. My face turned red so I faked a cough.

There's no way they did!

"Anong sinasabi mo?"I denied and looked away trying to contain my emotion.

"Oo,kami ni Lawrence. Hindi lang namin sinabi kaagad baka mailang kayong dalawa."he said. Nanlaki kaagad ang mata ko at sinamaan siya ng tingin.

He knew when and and where! So he's probably not lying! Huli ka,Arya! Nakakahiya!

"Omg."Angela said."So nung pauwi tayo? Right? Diba sa jeep din same ninyo ako sumakay? I wish I saw them!"Angela told Rich. Nakangiti si Rich nang mapang-asar sa akin kaya hindi ko mapigilang mamula.

"Sabi na nga ba e! Kayo 'yon!"Jeremiah said.


Akala ko safe na. Hindi pa pala.

"Ano? You're dating?"Richie asked.

LOVE AT FOURTH SIGHT (HIGHSCHOOL ROMANCE #1)Where stories live. Discover now