EPILOGUE

21 3 0
                                    

"Ano?! Kayo ang nagsabi sa kaniya?! Mga walanghiya talaga kayo!"sigaw ko kay Jeremiah at Richie nang sabihin nila sakin na sila ang nagsabi kay Kai kahapon.

Katatapos lang ng cheer dancing competition kanina at nandito kami ngayong tatlo sa cafeteria para kumain. Pupunta kasi kami sa gym para asikasuhin ang mga booths namin doon,by grade kasi at hindi by unit.

Nandoon na sina Angela, Renee at ang iba pa naming mga batchmates.

"Diba? Umamin din naman sayo. Kung hindi-"

"H'wag niyo 'kong kausapin."inis na sabi ko at kumain ng cheesecake. Huminga ng malalim si Jeremiah at tumingin kay Richie.

"Sorry. Ayaw mo ba? You like each other. What's stopping you? Kai doesn't have a girlfriend."Richie said. Magkatabi kasi sila ni Je at kaharap nila ako.

"H'wag niyo nga akong kausapin,sabi e."sinamaan ko silang dalawa ng tingin.

Now,I don't know what to do anymore. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko si Kai. Kung ngingiti ba ako,iiwasan siya o saktong walang nangyare kahapon.

Ang awkward tuloy!

"Gusto kita."

Nanlaki ang mata ko at lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung saan ako pupunta. Kung ngingitian ko ba siya,kung tatalon ako sa tuwa,kung sasabihin ko sa kaniyang gusto ko nga siya talaga,kung hindi ko nalang papansinin-

"Ah."sabi ko at ngumiti sa kaniya."Okay."sabi ko.

Tangina? Okay? Ano 'yon? Sounds arrogant! Sounds annoying and sounds so full of herself! Ang tanga! Kung pwede ko lang ibalik ang kahapon e 'di sana sumabay nalang ako kila Renee para hindi niya ako malapitan!

"Tanga kasi kayo. Ngayon,hindi ko na alam kung anong gagawin ko!"I glared at them.

Nagsalubong ang kilay ni Jeremiah.

"Why are you so pressured, Arya? Ikaw ba ang umamin? Hindi diba? Act normal. Just act cool just like how you act around him. Let him open the topic,h'wag kang-"

"Kasalanan niyo talaga."sabi ko at kinagat ang pang-ibabang labi,nag-iisip ng gagawin.

"Ano kaya kung sabihin kong joke ko lang na crush ko siya?"I smiled at them.

"Bobo ka. 'Yan ang pinakabobong solusyon na narinig ko sa buhay ko,Arya. As in."Richie told me,glaring. I pouted.

"Ano nga?! Nahihiya nga ako!"

"Why? It's not like you have to answer him. You're not obligated anyway. Nasayo naman 'yon."Richie said,nodding.

"Tumpak."Jeremiah said.

"What if joke niya lang?"

"Ang gulo mo namang kausap,Arya Nate. Para akong kumakausap ng math problems."napasapo si Jeremiah sa noo niya kaya ngumuso ako.

"H'wag niyo na ngang buksan ang topic na 'yan,pwede ba?"sabi ko.

We ate in peace without talking about it. At nung alas  nuebe na,bumalik na kami sa gymnasium para bantayan ang mga booths namin.

"Sa wedding booth ka,Arya."Renee told me.

"Okay."sabi ko. Kasama ko sa booth si Yvonne,Train at ang iba pang taga section A,may kasection naman ako kaso mga boys.

Sa ibang booths sina Richie at Angela at hindi kami magkakalapit. Pinagsama kasi ang tatlong section ng grade ten kaya marami kami ngayon. Hindi ko alam kung saang booth ang iba kong kaibigan.

LOVE AT FOURTH SIGHT (HIGHSCHOOL ROMANCE #1)Where stories live. Discover now