Simula nung araw na 'yon,walang pagkakataong lumipas na hindi ko napapansin si Kairo. Siguro dahil nagtagpo ang mata namin at palagi siyang bukambibig ni Angela. Ano naman ngayong kung mag eye-to-eye kayo,Arya?! Hindi naman matagal 'yon!
Palagi ko na siyang napapansin sa cafeteria,kapag pupunta sa classroom at kapag nakikita ko siya sa hallway. Maingay kasi ang mga kaibigan niya,siya parang chill lang pero mukhang siraulo rin kagaya ng mga kasama niya. Walang pinagkaiba! Hindi lang palasalita!
Wala kaming lahat magawa sa classroom kaya naman ang masipag naming class president na si Renee ay gumawa ng mga Uno Cards kasama ang iba naming kaklase. Dahil Friday ngayon,wala kaming masiyadong ginagawa kaya naman imbis na lumabas para bumili ng Uno cards,ay mas ginusto nilang gumawa nalang gamit ang mga kalendaryo na bigay nung election,hindi ko alam na nakaplano na pala 'to at dito sila gagawa.
Naggugupit lang ako ng carton habang ang iba ay nagsusulat at nagkukulay ng cards. Nang saktong lunch time na ay nagpresinta si Angela na siya nalang ang bibili ng lunch,syempre nag-abot sila ng pera. Sumama na ako sa kaniya dahil kanina ka ako nakaupo.
Nang bumalik kami ay saktong tapos na sila sa ginagawa nila kaya naman naupo na kami ni Angela. Magkatabi kami nina Richie.
Masakit ang tyan ko kakatawa at kakaasar kapag may nakakatawang ipinapagawa ang card. Mga siraulo talaga. Kung ano-ano nalang ang ginagawa!
"Say random names in alphabetical order."pagbasa ko sa card ko. Napanguso ako, nakatingin silang lahat sa akin."Ang dami naman nito!"I frowned pero tinawanan lang nila ako.
Nagsabi ako ng mga pangalan at nung nasa letter K na ako,hindi sinasadyang masabi ko ang pangalan ni Kairo. Wah,Arya Nate! Pwede namang si Kaycee nalang! Bakit si Kairo pa? Nakaka-inis! Nakakahiya ka!
Inasar-asar nila ako kay Kairo kaya todo iling ako sa kanilang lahat at dahil malas ako,nuknukan ng malas ay biglang pumasok si Kairo na may dalang math books na ngayon ay magkasalubong ang kilay at kuryusong nakatingin sa maingay kong mga kaklase.
Dahil sa napatulala ako sa kaniya at napansin ng mga kaklase ko at impit akong napapikit nang magsilingunan sila sa may lamesa ni ma'am kung saan nakatayo Kairo.
Ang malas mo,Arya!
"Uy. . ."asar nila kaya alam kong pulang-pula ang mukha ko ngayon. Nakakapikon! E sinunod ko lang naman 'yong nasa cards!
"Kairo,pogi mo raw sabi ni Arya."Jeremiah said so I pulled his hair kaya sumigaw siya sa sakit.
Nag-iinit ang pisnge ko kaya naman nakanguso ako ngayon habang nakatingin sa lalaki. But hell he cares! He's smirking as if this is funny! Our eyes mets for the fourth time and my heart's beating fast as he raised his brow while smirking at me.
You're not sure you'll have a boring days now,Arya.
Buong laro ay tahimik ako dahil iniisip ang mukha ni Kairo. Gusto kong pagsasampalin ang lalaking 'yon ngayon. Totoo naman talaga! Alangan namang letter H ang Kairo? Diba K naman! Siya kasi ang unang pumasok sa isip ko e.
Una? Una? Ha? Una?! Bakit una! Bakit mo kasi siya iniiisip,Arya Nate! You put yourself in trouble tuloy!
Minumura ko ang sarili ko habang nagdo-drawing ako ng kung ano sa likod ng textbooks ko. Gusto kong sumabog sa hiya at sa inis. Bakit kasi nila nilagyan ng malisya 'yon?
Ngayon,hindi ko na alam ang gagawin ko kapag marami akong kasama tapos makakasalubong ko pa siya! Alam kong aasarin nila ako. Naiisip ko palang ang reaksyon niya at ang reaksyon ko,parang ayaw ko ng pumasok at gusto ko nalang na mag-college na kaagad para hindi na kami magkita!
Parang mababaliw ako kakadepensa sa sarili ko sa susunod na mga araw.
At malaking gulo kapag nakarating pa 'to sa ibang mga section,sa daldal ng mga kaklase ko? Imposibleng hindi magkalat 'yon sa buong campus. E 'di sana mabuti kung pakikinggan nila ako! E alam kong hindi naman! Hindi naman kasi mas papangunahan sila ng fake news!
Gaya ngayon,imbis dati na patawa-tawa at normal akong naglalakad ngayon dito sa hallway,ngayon,iba na,nakahawak ako ng mahigpit sa braso ni Angela para hindi ko makita si Kairo at hindi ako asarin.
It's been weeks since my classmates started teasing me about Kairo. Gusto kong hindi pansinin pero parang mas lalo yata silang ginaganahang nang-asar lalo pa't parating namumula ang pisnge ko.
Gwapo nga naman talaga siya,oo,aaminin ko dahil totoo. Pero hindi ko siya crush! Hindi ko talaga siya crush! Bwesit talaga ang Uno Cards na 'yon,bubugbugin ko talaga 'yong nagsulat nun kapag nalaman ko!
Totoo naman talaga na letter K ang Kairo e! Ang weird naman kung Angela ang sabihin ko,diba? At siya ang bukambibig nila kaya paanong hindi ko mababanggit ang pangalan nun?!
"Hindi naman namin ipagkakalat,Arya. Sabihin mo,gusto mo si Kai?"Angela said while we're eating our lunch inside the cafeteria. Kaming tatlo nina Richie ang magkakasama. So Richie nakasandal sa lamesa at mukhang inaantok habang si Angela naman ay puno pa ng pagkain ang bibig pero naisingit pang itanong ang katangahan na 'yan.
"Oo,"I said."Gusto ko kayong sunggaban. Kayong lahat."I glared at her and rolled my eyes.
"Ang sungit naman nito."she laughed."There's nothing wrong about having crush. Alam mo kasi,Arya,mas masaya kapag may puppy love ka. Ma-eenjoy mo ang kabataan mo."she said as she continues to eat.
"Puppy love,ano ako,aso?"I asked her sarcastically, she immediately frowned. Hindi ako palaimik pero kapag punong-puno na ako,lumalabas ng kusa ang pagkapilosopo ko.
"Tanga,iba 'yon."saway ni Richie na natatawang nakatingin sa akin.
"Alam niyo,tigilan niyo na ako kaka-asar sa lalaking 'yon. Miski sa panaginip ko nakakarating na siya."inis na sabi habang nakatingin sa dalawa."Kapag ako namatay sa bangungot? Kasalanan niyo talaga."I added.
"Kita mo umaabot na sa panaginip mo."Angela teased.
"Hindi ko siya crush. Saka paanong hindi siya aabot dun e pati sa GC kami ang topic niyo?"frustrated na sabi ko at nilantakan nalang ang orange na binalatan ni Richie.
Kahit na sinabihan ko na sila,hindi pa rin nila ako tinigilan.
Nang malapit na ang first quarter examination namin ay na-busy kaming tatlo sa pagrereview kaya naman parati kaming nasa classroom kahit lunch time para magbasa.
Si Renee ay masipag kaya naman nirereview niya kaming lahat. Nagbabasa siya tas i-a-identify naman namin pagkatapos ipapaliwanag niya.
As each day passes,my school life changed from boring to fun. I get to know my classmates and started to communicate with them,to bond with them and to be friends with them.
We are starting to build a relationship between us in the whole classroom.
Feeling bored is normal but; you can change it by doing something fun,you can unlock new feeling aside from feeling bored as you continue to meet people and build relationships with them.
Even with yourself,you will never get bored alone if you're happy with yourself, If you can communicate and if you can understand yourself.
____________
YOU ARE READING
LOVE AT FOURTH SIGHT (HIGHSCHOOL ROMANCE #1)
Novela JuvenilCome and read Arya and Kai's highschool romance story! Date started 06/26/24