CHAPTER 11

13 3 0
                                    

Nakatulala ako sa daanan habang kinakain ang cheesecake na bigay sa akin ni Kai kanina. Naghihintay ako ng jeep na masasakyan pauwi dahil tapos na ang practice namin.

Masakit ang katawan ko dahil sa walang katapusang practice namin.

Actually,kanina pa dapat ako nakasakay dahil marami na ang jeep na dumadaan pero hindi ako sumasakay dahil parang hindi pa ako ready na umuwi. I'm still thinking about what happened.

Pero gusto ko na talagang umuwi.

I stared at the aqua flask,may nakasulat na initials ni Kai. Parang pinasadya ang inuman na 'to.

KEB


I pouted and held my chest. You're doomed,Arya.

Tumayo na ako para sana pumunta na sa jeep nang biglang bumuhos ang ulan kaya nagmadali akong bumalik sa shed.

Habang tumatakbo ako,hindi ko maramdaman ang ulan at nang lumingon ako,nakita ko si Kai na may dalang payong na kulay itim at foldable.

Diretso ang tingin niya sa may hintuan ng jeep kaya kitang-kita ko ang tangos ilong niya at ang haba ng kaniyang pilik mata.

Damang-dama ko ang tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa kaniya. I never knew I would fall for him.

He pulled me closer to him and I swear I tried not to sniff his scent. He smells manly and attractive!

Para akong hindi makahinga dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Hanggang braso niya lang ako e.

Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya, tumingin din siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.

Hawak ko ang cheesecake at ang aqua flask niya habang naglalakad kami. I can't help but gulp. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Laging ganito kapag nakikita ko siya.


Nang huminto na kami sa mismong hintuan ng jeep,medyo kumalma na ang sistema ko pero malakas pa rin ang tibok ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay ko.

When I looked at his left shoulder,nababasa na iyon ng ulan habang ako ay hindi. It made me guilty but I kept quite.



"Wala kang payong?"he asked when he saw me looking at him. Tumango ako. When he noticed that I was looking at his shoulder, tumingin rin siya doon at tumingin sa akin."Ayos lang. May uniform pa ako sa bahay."he said.


"Thank you."I told him,shy. Nakakabadtrip talaga dahil parang alaw akong angas ngayon,parang babaeng-babae at higit sa lahat tiklop na tiklop!

I don't know how to thank him. Pero hindi ko naman sinabi sa kaniyang tulungan niya ako. Pero kahit pa! Kailangang may gawin ako para hindi na ako ma-guilty at mabayaran ko 'to lahat. Pero kahit na! Hindi ko siya aayaing lumabas para kumain dahil hindi ko kaya!



Hindi ko kayang asarin ulit.


"Bukas. . ."he trailed,it made me look at him.



"Bukas?"

"Lumabas tayo. Libre mo."

Hindi ko alam kung mahihiya ako,matutuwa o maiinis sa kaniya. I stared at him, waiting for him to say that he's joking but he didn't even flinch with my intense glare. Nakatingin lang siya sa akin.

With my heart beating fast and without nothing in mind,I scoffed and laughed dishonestly so he looked at me.


I can't believe this guy. Sa gitna ng nag-aapoy na issue tungkol sa aming dalawa,naisip niya 'yon? Nagpapalibre siya? Sa akin? E mukhang hindi siya kakain sa Jollibee!

LOVE AT FOURTH SIGHT (HIGHSCHOOL ROMANCE #1)Where stories live. Discover now