Chapter 17

4 1 0
                                    

Celestine PoV

Things became too fast after that year. After what happened, our life became so different. Marahil ay dahil hindi ako gaano lumalabas ng kwarto ko kaya para sa akin ay mabilis. Walana din akong balita kung anong nangyari kay Mommy Celestia pagkatapos ng pagkikita nila sa korte. Nate and I built a deeper friendship. Ysabelle never changed the way she communicated with us, si Aria at Solana ay lagi naming kasama sa lahat ng bagay kaya pati ang manliligaw ni Gabrienne ay kilala nila.

Noong grade 9 ay naging magkaklase kami ni Nate. Madalas na din kaming magkita sa park kung saan kami unang nagkita kasi lumipat daw sila ng bahay, kami din ay pansamantalang tumira sa rest house nina Mommyla habang umaandar ang kaso laban kay Mommy Celestia. Nate kept on asking me if the stitches were itchy. Minsan ay marahan nya itong hinahawakan at sasabihin sakin na mukha daw masakit. I just let him do what he wants to my wound. Aware naman sya sa patakaran ko na dapat mag alcohol muna bago yon hawakan na hindi nya kinakalimutan.

"Tara sa park mamaya." aya sa akin ng lalaki. It's already 3pm naghihintay na lang kami na idismissed kami ng teacher.

"Ipagpapaalam mo'ko?" nakangising saad ko sa lalaki.

Agad naman siyang tumango. "Sige ba." sabi niya.

I chuckled because I know he can't. Takot siya kay Daddy kasi daw mukhang strict. "Ako na ang magpapaalam. Takot ka naman kay Daddy." pangaasar ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Hindi kaya."

"Sige nga, kung hindi ipagpaalam mo ako mamaya. Si Daddy ang susundo samin ngayon." pangaasar ko.

Kita ko ang paglunok ni Nathan. He was obviously nervous but he still act like he doesn't. "Sige, kapag nagawa ko ano reward ko?" tanong niya.

Napaisip ako sa tanong niya. "Hmmm." tumingin ako sa taas na parang may makukuhang sagot doon bago ko tiningnan si Nate diretso sa mata. He just raised a brow to me so I smirk.

"I will answer your questions. Pero! Only two, you have so many questions kaya." sabi ko sa kanya.

"Okay, deal." he said with full determination in his eyes. He offered me his hands so I accepted it. "Deal." I said.

Ilang sandali pa ay dismissed na kami. Paglabas namin ng room ay nasa labas si Aria at sinalubong ako.

"Ate! Kuya!" sabi ni Aria at niyakap ako.

I hugged her back. "Miss you, baby." pangaasar ko sa kapatid pero hindi naman siya naasar dahil lalong humigpit ang yakap sa akin.

Lumabas na kami ng school at nandoon si Daddy. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Nate na kinakabahan. Nasa parking si Daddy at nagulat ako tumakbo si Nate papunta kay Daddy.

Nginitian sya ni Daddy. "Nathan, buti nakita kita." sabi ni Daddy at tinapik ang balikat ni Nate dahilan para mapangiti ang lalaki.

Umawang naman ang bibig ko sa nakita.

What the freak?! Am I seeing the right thing?!

"Ah, tito Aidan, pwede po ba mamaya si Deia sa park? Hangout lang po." nakangiting saad ni Nate.

Pumasok na kami ni Aria sa kotse at kahit sa loob ay pakinig ko ang usapan nila. Dad cleared his throat and nodded. "Sige, basta hangout lang ha. Baka mamaya nanliligaw ka na sa panganay ko." striktong sabi ni Daddy.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at kita ko din ang pag-iwas ng tingin ni Nate.

Why the heck is my face turning red?!

Under the Shades of SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon