Chapter 21

2 1 0
                                    

Hapon na ng dumating ang katawan ni Aria. Sa unang gabi ng katawan ni Aria ay kami pa lang mga Romero ang nakakaalam ng nangyari. Si Gabrienne ay agad na pumunta sa rest house kahit na nasa airport para sana sa isang vacation malaman niya na wala na si Aria. Sa unang gabi din pinag-usapan kung dapat sabihin sa angkan ng mga Inavarez at Fabian ang nangyari kay Aria.

Ang weird lang sa feeling kasi bihira na nga lang magsama-sama ang buong angkan namin tapos nangyayari lang kung kailan may namamatay. Bakit nga ganun 'no? Kung kailan may namamatay, tsaka uuwi lahat para mag-sorry at magluksa pero noong buhay naman halos hindi nila bigyan ng pansin.

"Ano na ang gagawin mo ngayon, Kuya?" tanong ni Tita Avianna.

"I-i don't know.... Maybe tell Celestia and Aldrin about what happened..." Hindi siguradong saad ni Daddy kaya napasabunot na lamang ng buhok.

"Pero alam mo na magkakagulo ang lahat sa oras na sabihin mo sa mga Inavarez at Fabian ang nangyari." sabi naman ni Tita Alvina na sinang ayunan ni Ysabelle.

My forehead knotted as I agreed to Tita Alvina. "Dad, bakit mo pa sasabihin sa kanila? They harrased my sister, your child." 

Dad gestured me to sit next to him but I refused. Si Mama ay tumingin sa akin na para bang nagmamakaawa na huwag nang sumabay. Sina Kuya Callum ay sinenyasan ako sa pamamagitan ng pag-iling. Ang iba naman ay awang-awa na tumingin sa akin. 

"Celestia and Aldrin are not the once who harrased Arianna. We will sue those who were need to be sued, punish those who were need to be punish but exclude the innocents. " Dad said, making my blood boil.

I clenched my fist and stood up. "But Dad---" 

"No more buts, Amadeia." Dad said coldly, as he looked at me getting pissed. Ramdam ko ang paghila nina Alexandra at Ysabelle sa magkabilang kamay ko para pabalikin ako sa pagkakaupo.

"Seb, wag na muna tayo makialam. Hayaan na muna natin sila." Alexa whispered, still pulling me to sit down.

"Bunso, kumalma ka muna at umupo. Ipaubaya na muna natin ang kaso sa mga matatanda." I felt Ysabelle tried to sooth me with circle patterns on my hands to calm me down. 

Masama ang loob akong umupo at tumahimik na lang muna habang pinagpatuloy nila ang pag-uusap.

"Pero magulang din sila ni Aria. Yes, nakuha natin ang custody ni Aria pero paano naman ang mararamdaman nila Celestia? Sa panahon na nakasama si Celestia, I saw how she cared for her daughter especially when we moved here." Dad said, trying to convince us to let the Fabians and Inavarez mourn with us.

After what those bastards did to my sibling, never expect me to accept them politely.

Walang nakasagot ni isa sa amin. He has a point but I'm still mad. Magkakatabi kami ni Ysabelle at Alexa sa hagdan kung saan medyo malapit sa living room.

At the end, the whole clan of Romeros decided to tell the Fabians and Inavarez what happened. Sabi nila sa amin ay dadating daw ang dalawang pamilya ng 9am. Ysabelle became nervous after hearing the decision.

"D-does it mean, p-pupunta dito sina Ate Amelia? P-pati sina Papa?" she said with a stuttering voice.

Me and Alexa held her hand to comfort her. Siya kasi ang nasa gitna ngayon. "Don't be afraid... nandito kami." sabi ni Alexa at ngumiti ng tipid.

Alas doce na ng madaling araw umalis ang mga pinsan nina Daddy kaya alas doce na din kami nakatulog tatlo. Nag-alarm kami nina Ysabelle ng 3am para palitan sina Daddy sa pagbabantay. Ako ang nakaupo sa may tabi ng kabaong dahil base sa paniniwala ng mga Romero tuwing may patay, bawal daw itong iwan na walang nakaupo. Kung minsan ay nakatulala kaming tatlo nina Ysabelle pero madalas kumakain ng biscuit, umiinom ng juice at nagkakape.

Under the Shades of SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon