Nakabukas ang cr kaya kailangan ko pang pumasok sa loob para makuha ng ayos ang susi. Baka kasi masira kapag basta ko na lang hinigit. Sabihin nina Mommyla nakikistay na nga lang kami dito sa rest house nakaputol pa kami ng susi.
Pumasok ako ng cr at aksidenteng napalingon ako sa may sink sa left side ng pinto. I froze in horror from what I was seeing as my eyes began to heat again. Blood was all over the floor and it dried up. There are several blades right from the floor where tiny blood splatter was. May blade din sa sink at balot din ito ng dugo. Katabi ng puro dugo na blade ang bracelet na hinahanap namin nina Ysabelle. I tried to walk but my body didn't want to cooperate with me. Narinig ko ang pagtawag nina Ysabelle at Alexa na malapit lang sakin pero ni hindi ko man lang magawa na lumingon.
"Seb! Kanina ka pa namin tinatawag! Ano bang ginawa mo dyan sa cr? Akala ko kukuha ka lang ng susi?" tanong ni Alexa.
"Deia? Are you okay?" nagaalalang sabi ni Ysabelle at lumapit sa akin.
Tumingin sila Alexa at Ysabelle sa tinitingnan ko at agad nila akong inalalayan papunta sa labas ng cr.
"S-seb... ako na ang kukuha. Lilinisin ko na din."
Tumango na lang ako sa kanya. Mabilis ang paghinga ko kasabay nito ang panlalamig ng mga kamay at paa ko. Inalalayan ako ni Ysabelle sa pag-upo sa kama at inalo ako. Hindi ko namalayan na tuloy tuloy na ang pagbagsak ng luha ko.
"Magiging ayos din lahat, Deia." mahinahong sabi ni Ysabelle at niyakap ako. Her hug made me feel safe and comfortable. Parang nawala bigla yung panlalamig ng katawan ko kanina pero nanatili akong nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag agos ng luha. Ilang sandali pa ay may pumasok kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.
"Deia? Ysabelle? Are you guys okay?" tanong ni Kuya Callum.
Humiwalay sa yakap si Ysabelle. "Kuya, ayos lang po ako. Si Deia po, hindi."sabi ni Ysabelle.
"Nasan si Alexandra?" tanong ni Kuya Arlo bakas ang pag-aalala sa kapatid.
"N-nasa cr po, nililinis yung... dugo." halos pabulong na sabi ko.
"Dugo? Kanino naman?" kuryosong tanong ni Kuya Arlo.
"Ays! Ito ibigay mo kay Mom sa baba. Wag nang madaming tanong Zach dahil alam kong magtatanong ka pa. Naghihintay si Mom." medyo inis na sabi ni Kuya Callum at iniabot ang puting damit at perfume.
"Bakit may pabango?" kuryosong tanong muli ni Kuya Arlo.
Walang sabi-sabi na ibinigay kay Kuya Arlo ang isang note na idinikit ni Aria bago siya nag suicide. Gulat naman na napatingin sakin si Kuya at tumango na lang. He gave me and Ysabelle a sad smile then a salute like he always used to do before he leaves.
"Ikaw naman Theo, palitan mo si Alexandra sa may cr. Hindi ka na nga tumulong sa amin kanina sa paglilinis sa baba, ikaw maglilinis ng cr." utos ni Kuya Callum sa pangalawang kapatid.
Sasagot pa sana si Kuya Castiel pero naunahan na sya ni Kuya Callum. "Gawin na agad, para tapos na." sabi nito kaya napakamot na lang ng ulo si Kuya Castiel.
Ilang sandali pa ay naiiyak na lumabas si Alexa sa cr. Agad na tumayo si Kuya Callum at pabirong inalo ang kapatid.
"Wag nang umiyak ang ading na yan. Nasan ang monster? Ituro mo kay Kuya, I will kill it." sabi ni Kuya na parang nagaalo ng bata. Kaya sa halip na hindi maiyak si Alexa ay nainis naman ito sa nakakatandang kapatid.
"The heck! Sumbong kita kay Mommy!" sabi ni Alexa sabay palo ng mahina sa dibdib ng kuya niya.
Tumawa naman si Kuya Callum at ginulo ang buhok ni Alexa. "Kain na kayong tatlo sa baba. Kami na dito ni Theo." sabi ni Kuya Callum.
BINABASA MO ANG
Under the Shades of Sky
أدب المراهقينShe was once raised in a loving home - supportive parents, loving sister, and they allowed her what she wanted to do despite growing up with academic pressure. She was not allowed to fail with everyone's silent expectations. But the pressure grew in...