Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa plaza para bumili ng ice cream. Nakaupo na kami ngayon sa isang bench.
"Deia, Ysa, look at the cam!" sabi ni Gab na sinunod agad namin.
"Yan! May remembrance na ako!" sabi niya na ikinataka naming apat.
"Bakit?" sabay sabay na tanong namin.
She smiled at us. "Remember kaya tayo lumabas kasi may sasabihin ako sa inyo."
Tumango tango naman kaming tatlo. "Kasi, I was going to take college abroad. Kaya right after our graduation, kailangan ko nang pumunta sa ibang bansa." sabi niya na parang alanganin pa.
Natigilan kaming tatlo. "What?!" sabay sabay sa sabi namin.
"Aalis ka na? Akala ko same tayo ng papasukang college?" tanong ni Ysabelle.
"Nandyan naman si Deia at Alexandra, hindi ka nila pababayaan."
"Edi ito na last year na makakasama ka namin?" tanong ko at tumango si Gabrienne.
"Hindi ka na babalik? Iiwan mo na kami?" tanong ni Alexa.
Nagulat naman si Gab kaya agad na umiling. "No! I will visit you pa din naman. Video call din tayo lagi para hindi ko kayo ma-miss. Babalik naman ako eh. Mga 5-7 years lang naman ako don."
"That was a long time! Kelan ka pa namin makikita? Kapag ikaw na may-ari ng kompanya ninyo? Baka mamaya kapag bumalik ka hindi mo na kami kilala." saad ni Alexandra na nagpatahimik sa aming apat.
"Come on girls! We still have time. Matagal pa bago ako umalis. Meron pang 7 months, macecelebrate pa natin birthday ninyo. Hindi ko kayo kakalimutan. That's a promise. " sabi ni Gab para pagaanin ang sitwasyon.
The three of us sighed synchronously in frustration.
"Sige na nga!" sabi ni Alexa.
Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami. "Sorry Ysabelle pero kita ba ninyo yung mata ni Ate Amelia." sabi ni Alexa bakas ang pagkainis.
Ysabelle scoffed. "I've seen it. I'm wondering how she managed to smirk. I think she was happy because she looses one rival to the inheritance." hindi makapaniwalang niya.
"Kita mo din?" gulat na tanong ni Alexa.
"Of course. Si Anastasia lang ang pagitan namin paanong hindi mo makikita?"
"Ikaw, Deia? Gab? Kita ninyo?" tanong ni Alexa.
Gab and I just nodded, "Bakit hindi man lang kayo nainis?" tanong nya.
"Hayaan nyo na." sabi ko at napakamot ng ulo.
"Let her do what she wants, Lexa. Sino ba mapapahiya if the media caught it? Tayo? Diba hindi." Gab said pointing out the same thing.
Inabot na kami ng alas tres ng hapon kaka kwento. I can see that they are trying to be happy even though their eyes show the opposite. Umalis na din kami agad dahil baka gabihin kami. Kung byahe papunta dito, byahe din kami pauwi.
Kasama kong naghihintay ng jeep sina Alexa at Ysabelle. Alas tres ay wala kaunti na lang ang nadaan na jeep na may rutang papunta sa village na tinitirahan naming tatlo. Naunang umalis si Gabrienne siya ang pinakamalayo ang bahay. I looked at Alexa and smiled at her. Ngumiti din siya sakin pabalik pero masamang tumingin sa kung sino. Ng tingnan ko si Ysabelle, nangunot ang noo ko dahil mukhang may tinitingnan din ito. Tiningnan ko kung saan naka tingin si Alexa at Ysabelle... sa isang lalaki at babae. Namukaan ko agad ang lalaki, ang boy best friend ni Ysabelle. He was laughing and the girl beside him looked so pissed. Mukhang nang-aasar yung lalaki pero tumingin ulit ako kay Ysabelle. I saw pain cross my friend's eye.
BINABASA MO ANG
Under the Shades of Sky
Teen FictionShe was once raised in a loving home - supportive parents, loving sister, and they allowed her what she wanted to do despite growing up with academic pressure. She was not allowed to fail with everyone's silent expectations. But the pressure grew in...