Chapter 1

4 0 0
                                    

Mr. Smart-Kind Guy: Hey. I will get busy for the next few days and I might not call you. I'm sorry. Don't worry, I will still try to reach you.

Mr. Smart-Kind Guy: And oh, I love you.

I bit my lower lip when I read his texts two days ago. It's been two days when he sent that to me and yet, he hasn't called me since. I wonder if he's so busy that he can't make time to call me.

Bahagya akong napaigtad nang may marinig na kumatok sa bintana ng sasakyan ko at nakita ko si Denise kaya binaba ko iyong salamin.

"Okay na, 'te. Maayos na po lahat ng gamit sa likod." Tumango ako sa kaniya at sumenyas na sumakay na rin siya. Hinintay ko siyang umikot hanggang sa makaupo siya sa passenger's seat.

"Anong sched for today?" Tanong ko pa sa kaniya at sinimulang paandarin iyong sasakyan. "Teka, nag almusal ka na ba?"

"Uh, okay lang ako. Nagbaon naman po ako ng tinapay. At ang naka-sched po for today ay nine. Bali, nine clients po ang meron tayo--aray!" Mabilis akong napatapak sa break ng sasakyan ko. Nagulat ako sa sinabi niya kasi hindi ko ine-expect na ganiyan karami ang nagpa-appoint sa araw na 'to.

"Sorry, sorry. I just...I just didn't expect that. Hindi ba sinabihan kita na mag-limit muna tayo today kasi may importante rin akong pupuntahan?" Mahinahong sambit ko pa at marahan nang pinapatakbo ang sasakyan.

"E...pero kasi Ate, gabi pa naman po 'yun 'di ba? Atsaka, palagay ko ay kaya mo naman po 'to matapos nang maaga." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

"Basta sa susunod, huwag ka na muna ulit tatanggap kapag sinabi ko." Sambit ko na lang at nakita ko namang tumango siya sa sinabi ko.

In-explain niya sa akin kung sino ang client na pupuntahan namin. Una naming pinuntahan ay iyong student na ga-graduate mamaya. Nang makarating kami sa bahay nung client ay isa-isa na naming nilabas ang mga gamit ko na kakailanganin. Pinagtulungan na namin iyon ni Denise kasi hindi kakayanin kung papabayaan ko lang siya sa dami ng gamit ko.

Eight years na ang nakalipas simula nung umalis si Lei sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral sa abroad. Sa loob ng eight years na 'yon, pinatunayan niyang uuwi at uuwi nga siya sa Pilipinas kapag may time. Parang ginawa na nga niyang kapitbahay ang America at Pilipinas. And yes, we've been together for seven years. Dahil nung first year ko sa college ay doon ko siya sinagot. Ilang years siyang nanligaw sa akin at doon na rin nahulog nang tuluyan ang loob ko.

And now, isa na akong ganap na makeup artist. Freelance makeup artist ako at ibig sabihin, I can work independently. I've been doing this for the past three years. Marami na akong naging clients na artista, influencers, at iba pa. Pero gayunpaman, hindi naman ako namimili ng clients ko dahil hangga't meron, tanggap lang ako nang tanggap.

Si Denise ay assistant ko. One year na siya sa akin. Nakilala ko lang siya nung meron akong client na bride. Kaibigan niya raw ang bride noon. Tinanong niya kasi ako noon kung meron daw ba akong assistant. E sabi ko wala, kaya parang in-offer niya yung sarili niya na maging assistant ko. E sakto nung mga panahon na 'yon ay nangangailangan na rin talaga ako ng tutulong sa'kin kasi nahihirapan na rin ako mag-isa kaya ayun, kinuha ko na siya. Mas matanda ako sa kaniya ng two years.

At itong sasakyan ko? Ito ang katas ng trabaho ko at sobrang saya ko nang makuha ko ito dahil talagang pinag-ipunan ko ito. Nung ako lang mag-isa, nagbo-book pa ako ng grab dahil hindi ko kayang mag-commute nang maraming dalang gamit kaya hindi naging madali sa akin ang pinagdaanan ko dati kaya sobrang thank you ako nang makaipon at mabili itong sasakyan.

Si Lei naman, nasa America pa rin at doon nagta-trabaho. Bihira lang siyang magbakasyon dito dahil sobrang busy niya raw doon. Kaya isa 'yon sa dahilan kung bakit hindi ko rin mapigilang maging malungkot. After niya kasi maka-graduate ng college, pinagtrabaho na agad siya. Two years ata siyang hindi nakabalik dito at naging long distance tuloy kami no'n.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now