Chapter 13

10 0 0
                                    

"Lei, just stop here! Natatakot na ako!" Sigaw ko sa takot dahil buhat niya pa rin ako at patuloy lang siya sa pagpunta sa malalim at mas lalo akong naiinis dahil tinatawanan pa niya ako.

"Okay, okay. I'm sorry." Sambit niya nang mapahinto siya. Pakiramdam ko tuloy sobrang layo na namin sa dalampasigan kahit pa may mas malayo pa sa amin dahil may nakita akong tao sa hindi kalayuan na sobrang nage-enjoy sa malalim.

"Tinatawanan mo pa ako. Kagabi ka pa." Nakabusangot na singhal ko sa kaniya at bahagya pa akong napairap. Humigpit ang hawak ko sa may batok niya dahil baka dumulas ako bigla at malaglag. "Tsaka, buhatin mo 'ko nang maayos. Hindi ako komportable sa ganito."

"All right, I'm sorry." Usal niya at pagkatapos ay binuhat niya ako kung saan mas komportable ako. Agad kong pinulupot iyong mga binti ko sa bewang niya at agad ko namang naramdaman iyong mga kamay niya sa likod ko upang alalayan ako. Iyong mga kamay ko naman ay nakapaikot sa batok niya kaya bahagya siyang nakatingala sa akin ngayon.

"Kainis ka..." Sambit ko nang ipitin ko iyong ilong niya sa pagitan ng mga daliri ko.

"Sorry na, love. See? I didn't put you in danger." Usal niya. "Isn't it relaxing now that we're in the water?"

"Paano mare-relax, natatakot nga ako." Singhal ko.

"You're just overthinking. Kasama mo ako kaya bakit natatakot ka? Keep your mind off things and just enjoy yourself here. You're in my arms, you won't fall." Paliwanag naman niya kaya natahimik ako.

Binasa ko na lang iyong buhok niya gamit ang tubig na nasa palad ko na siyang sinasalok ko sa tubig. Dahan-dahan lang ang paggawa ko no'n habang siya naman ay bahagyang inaalis iyong mga strand ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko.

"You're so beautiful." He said out of nowhere kaya napakunot bigla ang noo ko pero ang totoo, roon nagtatago iyong ngiti ko.

"Tsk." Inis kunwaring singhal ko pero hindi ko rin nakayanan kaya napangiti ako at narinig ko naman siyang tumawa nang mahina.

"Everything about you is beautiful." Naramdaman kong pinasadahan niya ng daliri ang gilid ng leeg ko pababa sa collarbone hanggang sa braso.

He's always been like that. He never fails to boost my confidence. Sa mga panahong hindi ako nagagandahan sa sarili ko, nandiyan siya para buhayin ang confidence ko. Hindi ko rin kasi maiwasan makaramdam ng insecure lalo't noon nung nasa US siya nag-aaral. Nanliliit talaga ako sa sarili ko na kesyo ang mga babae roon ay sobrang ganda.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Napayakap na lang ako sa kaniya at binagsak ko iyong ulo ko sa balikat niya only to bite him there kaya agad kong narinig ang pagdaing niya. Mabilis akong umalis doon at ngumiti sa kaniya. Bumawi naman ako dahil bago pa siya mapikon ay binigyan ko na siya ng halik sa pisngi. As if naman mapipikon siya.

"Sorry. Cute mo e." Palusot ko pa. Sandali kaming nagtitigan na dalawa bago ulit ako magsalita. "Nga pala, no offense ha, bakit nga pala roon ka sa Night Club nag-propose?"

"Oh...it's because that place became so special. Remember when Dad and I met? I tend to go to that place. That's where you found me at my lowest." Paliwanag naman niya. Nag form ng maliit na 'o' yung bibig ko nang sabihin niya iyon.

"Ibig din bang sabihin na...yung araw na nag-propose ka ay kabababa mo lang sa eroplano? I mean, wala ka pang pahinga no'n?" Kasi naalala ko yung nag-uusap kaming tatlo nila Papa no'n na nasabi niya nga ang tungkol diyan.

"Yeah..." Doon nanlaki nang bahagya ang mata ko at agad na nakaramdam ng awa.

"Oh no...you must be tired that time. Kawawa naman ang fiance ko." Sambit ko sa kaniya.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now