Chapter 17

1 0 0
                                    

"Why are you so early?" Napatingin ako kay Lei nang makitang lumabas siya sa kwarto. Tila hirap pang imulat ang mga mata dahil bagong gising lang. Alas singko palang ay gising na ako dahil gusto kong pabaunan siya ng masarap na pagkain ngayong birthday niya.

"Good morning, birthday boy." Lumapit ako sa kaniya at bahagyang tumingkayad para halikan siya sa pisngi.

"Yeah, morning." Sagot niya sa akin.

"Sakto, tapos na ako magluto. Tara," hinawakan ko iyong palapulsuhan niya atsaka siya marahang hinila papunta sa kusina para kumain.

"I thought you had an appointment with your client at noon? Why did you get up so early? You should've been sleeping until now." Sambit niya at bahagya naman akong napanguso.

"Ok lang. Birthday mo naman e. Tsaka, sinadya ko talagang gumising nang maaga para paghandaan ka." Nakangiting sabi ko pa.

"Yeah, thanks. But you don't have to do this. You'll just get tired." Nawala yung ngiti ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba yung ginawa kong 'to o hindi kasi ni hindi man lang siya ngumiti simula kanina nung lumabas siya sa kwarto.

"Hindi naman ito yung unang beses na ginawa ko 'to e. Wala naman 'tong problema sa'kin. Ayan oh, nilutuan kita ng paborito mong pakbet. Ayaw mo ba?" Mahinang tanong ko.

"No, no, no. Don't get me wrong. What I mean is, you don't have to wake up so early just to cook for this. Instead, you should be resting because we slept late, and you have work later, right?" Malambot ang boses na tanong niya pero napabuntong hininga na lang ako.

Ilang sandali pa ay tumayo ako sa lamesa at bago ako lumakad paalis ay nakita ko ang pagkataranta sa mata niya. Pumasok ako sa kwarto at sinarado ang pinto. Nakahiga na ako nang maisip na hindi ko iyon na-lock. Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Tsk.

Hindi niya ba nagustuhan yung ginawa ko? Masyado siyang nag-aalala, e ayos lang naman sa akin talaga. Ginawa ko naman iyon nang bukal sa loob ko at masaya pa nga ako habang niluluto iyong paborito niya. Ngayon na nga lang ako bumabawi dahil ngayon na lang naman ulit kami nagkasama sa birthday niya. Sanay din naman akong puyat.

Maya-maya pa ay narinig kong bumukas iyong pintuan kaya mariin kong pinikit iyong mga mata ko. Hindi ko makita ang pigura niya dahil nakatalikod ako sa may pintuan. Naramdaman ko na lang na lumubog iyong higaan hudyat na naupo siya. Narinig ko rin ang mahinang buntong hininga niya.

"Are you mad?" Dinig kong tanong niya pero hindi ko siya inimik.

Galit? Hindi naman ako galit e. More on tampo. Nagtatampo ako kasi parang hindi man lang niya na-appreciate iyong ginawa ko. Birthday niya ngayon kaya nga nage-effort ako tapos ending, parang pag-aawayan pa namin.

"Love?" Naramdaman kong pinatong niya ang palad niya sa taas ng braso ko pero nanatili akong tahimik. "Talk to me, please. Are you mad?"

"'di ako galit..." Mahinang bulong ko pa. "Ligpit mo na lang yung pinagkainan mo pagtapos mo. Matutulog na ako ulit." Malamig na usal ko.

"Love naman..." Pagsusumamo niya. "You know I hate it when you're mad at me. Tell me what's on your mind."

"Okay lang ako. 'di ako galit. Kumain ka na lang doon. Tutal hindi mo naman na-appreciate yung ginawa ko." Sagot ko sa kaniya.

"What? No. Of course not. I do appreciate your effort. The fact that you wake up early is highly appreciated. All right, I'm sorry, okay? If my words affect you, I apologize. I didn't mean to misunderstand you. I am just worried because of your lack of sleep. So, please, don't get me wrong about it." Mahabang paliwanag niya kaya roon na ako dumilat.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now