Chapter 19

0 0 0
                                    

Hanggang sa trabaho ko ay si Chiara ang iniisip ko. Hindi ko naman minamasama iyong pagtira niya sa condo ni Lei dahil wala naman akong karapatan kung palalayasin ko na lang siya roon. Iniisip ko lang kasi, sa dinami-dami ng condo na pwede niyang tirahan, bakit sa kapareho pa ni Lei?

Or is it just a coincidence?

"Parang ang laki po ata nito, 'te?" Nagtatakang tanong ni Denise nang ibigay ko sa kaniya iyong sahod niya.

"Okay lang 'yan. Magpa-pasko na rin naman e. Idagdag niyo na lang sa magiging handa niyo. Tsaka, kapag may sobra, regaluhan mo na lang din iyong sarili mo." Paliwanag ko sa kaniya. "Sandali. Para talagang may sobra..." dumukot ako sa wallet ko. "ito. Ito na lang ang para sa sarili mo."

"Ate...?" Hindi makapaniwalang bulong niya pa. "Masyado po 'tong malaki kung para sa sarili ko lang."

"Oh, edi mabuti. Para mas marami kang mabili. Ano ka ba, huwag mo na isipin kung gaano iyan kalaki." Sambit ko habang winawasiwas ang kamay ko sa kaniya.

Wala naman kasi talagang kaso iyon sa akin kung gaano kalaki. Isa pa, reward ko na lang din siguro sa kaniya iyon dahil bukod sa magpa-pasko naman na ay napaka-hard working din naman kasi ni Denise kaya deserve niyang makatanggap ng kung anuman ang binigay ko sa kaniya.

Gaya nga ng sabi ko noon, hindi ko kaya kung wala si Denise sa akin. Sobra ko lang naa-appreciate iyong ginagawa niyang trabaho para sa akin. Sa aming dalawa nga ata ay siya ang mas maraming ginagawa pero hindi ko na para isukat pa iyon.

Nung kinagabihan ay sa bahay ako umuwi. Nag-text naman ako kay Lei na sa bahay ako matutulog at wala namang kaso iyon sa kaniya. Isa pa, gusto ko rin malaman ang nangyayari sa bahay kaya pag-uwi ko, gulat silang makita ako dahil hindi ako nakapagsabi na uuwi ako.

Habang kumakain kami sa hapag ay napag-usapan na rin namin ang magiging plano para sa pasko. Nag-suggest si Nathan na mag-staycation na lang daw kami kaya parang napaisip na lang din ako. Mas mabuti na siguro iyon para hindi na kami masyadong maghanda. Si Lei kasi ay panigurado roon sa Manila magpa-pasko kasama ng Mommy niya.

"Uh, Tito..." Pagtawag ko sa kaniya nang akmang aakyat na siya sa taas. Tumingin siya sa akin at parang hinihintay ang sunod ko pang sasabihin. "N-nagkausap na po ba kayo ni Ate Molly?" Tanong ko at bigla namang lumiwanag ang mukha niya nang marinig siguro ang pangalan ng isa sa anak.

"Oo, Dale. Masaya iyong naging pag-uusap namin..." Dumiretso kami sa sala para roon ituloy ang pag-uusap namin. "Hindi ko akalain na may apo na pala ako. Nakakatuwa dahil mukha namang mabait ang asawa niya. Sayang nga at hindi ko man lang nasaksihan ang kasal niya. Pero masaya ako, Dale. Sobra. Dahil hindi ko akalain na darating itong araw na 'to. Mga anak ko pa mismo ang lumalapit sa akin. And sabi niya, gusto niya pa ulit kami magkita bago bumalik sa America." Mahabang pagkwento niya. Halatang halata sa itsura niya na masaya nga siya dahil iyong liwanag sa mata niya ang ebidensya.

"Maaga niyo po atang natanggap iyong regalo niyo." Biro ko pa at natawa naman siya.

Kung alam lang siguro ang nangyari sa buhay ni Ate Molly, makakangiti pa kaya siya nang ganiyan? Na ang unica hija niya ay pinagpilitan lamang ikasal sa taong hindi naman nito gusto? Ayokong sabihin iyon dahil wala naman ako sa posisyon at hahayaan ko na lang sa kanila iyon.

Dumating ang araw ng pasko. Nasa isang hotel kami sa Tagaytay nang salubungin namin ito. Nakakatuwa nga dahil sagot daw ni Nathan ang gastusin dahil pinag-ipunan niya raw talaga ito. Nagka-abutan din kami ng mga regalo ng sumapit ang alas dose at nag-message rin ako kay Lei para batiin siya at ganoon din sa mga kaibigan ko. Kahit si Papa ay binati ko rin.

Nang sumapit ang umaga, nagulat ako nang sumunod si Lei. Si Tito raw ang nag-imbita sa kaniya rito kaya napangiti tuloy ako. May inabot pa siyang regalo hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa mga kapatid ko at kay Mama. Iyong ibibigay ko sa kaniya ay nandoon naman sa bahay.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now