Chapter 2

3 0 0
                                    

"Flight ni Lei mamaya 'di ba?" Tanong ni Jethro kaya nakangiting tumango ako sa kaniya. Pauwi na kami galing university. Katatapos lang ng klase namin at sobrang nakakapagod talaga. Nasa second sem na kami sa first year college.

Ang bilis talaga ng panahon. Dati lang namomroblema ako sa kung anong course ang kukunin ko. Pero ito ako ngayon, ni-take ang kursong cosmetology. Weird ba kung sasabihin kong nage-enjoy ako sa course ko kahit nakakapagod?

Hindi na kami magkaka-klase dahil iba-ibang kurso ang kinuha namin. Si Randy ay nag-culinary. Hindi naman nakakagulat dahil iyon naman talaga ang gusto niya noon pa. Si Race naman ay kumuha ng kursong engineering. Si Isaac naman ay dentistry. Si Jethro ay kumukuha ng kursong computer science habang si Mark ay nursing.

Lahat 'yan sila ay nalaman na agad kung anong kursong kukunin nila nung second year kami sa senior high. Ako na lang yung nagda-dalawang isip sa amin kung anong kurso ang kukunin ko. Kino-consider ko na rin naman yung cosmetology since iyon talaga ang interesado ako gaya rin ng sabi ni Lei. Ewan ko ba bakit hindi ko naisip na pwede naman palang pag-aralan yung hilig ko sa mga kolorete. Kaya nagpapasalamat talaga ako kay Lei no'n kasi tinulungan niya ako.

Ngayon ko lang din nare-realize na parang nakakahiya pala sa kaniya. Pa'nong nagkagusto siya sa isang babaeng hindi alam ang plano sa buhay? Sa babaeng halos walang pangarap. Samantalang siya, malinaw at sigurado na ang kinabukasan para sa kaniya. Kumbaga siya na lang talaga ang hinihintay.

Hindi ba't napakaswerte niya kahit papaano? Pero ang galing nga e. Kasi kahit ganito lang ang estado namin sa buhay, hindi niya ako hinusgahan. Wala siyang paki sa status ng pamilya namin.

"Hayup, laki ng ngiti ah?" Natawa ako at bigla ay nahampas si Race dahil sa sinabi niya.

"Parang tanga naman kasi!" Sambit ko pa kaya parang umasim ang mukha nila.

"Ano, hulog na hulog na ba?" Tanong ni Randy sa akin.

"Ikaw, hulog na hulog na ba?" Mapang asar na tanong ko sa kaniya. Speaking of him, mas lalo ata siyang nabaliw kay Mira.

Ilang linggo na kasi silang hindi nagkikita dahil sa sobrang busy nilang dalawa. Nililigawan na rin kasi ni Randy si Mira at gulat nga kami ni Sarah kung bakit pumayag siya. Eme.

"At least ako, aminado. E, ikaw?" Napairap na lang ako sa tinuran niya kasi hindi ko naman masagot iyon agad.

"Ewan ko sa'yo. Mauna na ako!" Sambit ko at humiwalay na sa kanila ng daan. Narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Tinaas ko na lang iyong kamay ko at kinaway sa kanila.

Hindi na ako nagpapahatid sa kanila dahil laking abala pa. Imbes na ipapahinga na lang nila yung oras nila sa paghatid sa akin ay nagiging abala pa ako sa kanila. Tsaka minsan din ay hindi na talaga nagtutugma ang mga schedule namin kaya swertihan kung magka-kasama kaming lahat.

Pagkauwi ko ay kumakain na sila ng hapunan kaya nagbihis muna ako bago ako nakisalo sa kanila. Sobrang nakakapagod itong araw para sa akin. Minsan talaga ginagabi na ako ng uwi. Ibang-iba na pala talaga sa college.

Sakto pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong nagri-ring ang cellphone ko. It was Lei who was video calling me kaya walang pagda-dalawang isip na sinagot ko ito. I breathe in and out. I composed myself before answering it.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now