Chapter 26

3 0 0
                                    

"You shouldn't leave your wife in bed after making love the whole night. You must stay beside her until she opens her eyes, so the first thing she will see is you..."

Nagmulat ako ng mata nang magising ako sa tunog. Blurry pa ang paningin ko kaya bahagya ulit akong pumikit. Kaya nung dumilat ako, roon ko nakita nang mas maayos si Lei. He was wearing nothing on top.

Nakaharap siya sa screen ng phone niya at hindi ko alam ang ginagawa niya. Nang maramdaman niya atang nagising ako ay napatingin siya sa'kin at bahagyang gulat pa.

"Oh." Sambit niya at dali-daling binaba ang cellphone at tumagilid ng higa para ibigay ang atensyon niya sa'kin. "Good morning,  love." Nakangiting bati niya.

"Anong pinapanood mo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang kinukusit ang isang mata at mabilis na nakitaan ko siya ng pagkataranta pero mabilis niya rin iyong pinalitan ng ngiti.

"That? That was nothing. Sorry, did I wake you up?" Nag-aalalang tanong niya.

"Hindi naman. Kanina ka pa gising?" Tanong ko dahil mukha kasing mas maaga siyang nagising sa'kin.

"Not so early." Sagot niya pa. "Anyways, how's your sleep?" Nakangiting tanong niya pa ulit.

"Mabuti naman." Tumango siya habang nakangiti kaya napakunot ang noo ko. I extended my arms at him only to click his cheek using my point finger. "Why do you look so happy and excited?"

"Me?" Hindi kunwari makapaniwalang tanong niya. Kinuha niya ang daliri ko at tuluyang nilapat ang palad ko sa pisngi niya.

"Nakakainis ka...bakit nga?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"I was just happy about last night." Para akong naputulan ng hininga sa sinabi niya.

Lumambot tuloy ang expression ng mukha ko nang maalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na nagawa na namin ang bagay na kinatatakutan ko noon. Parang hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para mag-initiate sa kaniya no'n.

"Just how many times you called out my name with so much pleasure?" Nakangisi at para bang nang-aasar na tanong niya.

"Lei!" Sambit ko at pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa hiya.

"You're acting all shy now after having so full confidence last night?" Natatawang tanong niya at gusto ko siyang paluin dahil doon sa mga sinabi niya.

"Bwisit!" Singhal ko at bahagyang kinurot ang pisngi niya. "Ipaalala pa talaga?" Umirap ako sa kaniya.

Tumawa siya.

"All right, I'm sorry, love." Lumapit siya sa akin at bahagyang pinatong ang ulo niya sa dibdib ko at pinalibot niya rin ang isa niyang braso sa bewang ko.

Ayoko na ngang alalahanin ang nangyari kagabi dahil pakiramdam ko, may ibang pumasok sa katawan ko para maglakas loob na gawin iyon. Sa sobrang confident ko pa, inabot na ata kami ng madaling araw bago kami tuluyang matulog at hindi ko alam kung ilang beses ba namin iyon ginawa. Kainis.

"But seriously, thank you." Dinig kong mahinang usal niya habang sinisiksik ang ulo niya sa leeg ko.

"Saan?" Kunwaring inis pang tanong ko sa kaniya.

"About last night. I sincerely enjoyed it last night. You know, I've been holding back myself ever since we decided to sleep together. I don't know what to feel but I know I'm just so happy. I love you." Mahabang paliwanag niya pa at parang gumaan naman ang pakiramdam ko nang malaman ang nararamdaman niya. Pero hindi ako umimik.

Umalis siya sa leeg ko at bahagya akong pinagmasdan. Tinignan ko lang siya nang mabilis at agad ko ring iniwas ang tingin ko.

"I said I love you." Pag-uulit niya. "Are you mad? All right, I sincerely apologize for teasing you earlier." He planted a soft kiss on my cheek at kaunti na lang ay bibigay na ako sa kapogian niya.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now