Chapter 25

4 0 0
                                    

R-18

Nagtagal pa kami roon sa park dahil sobrang nagagandahan talaga ako sa view. Naglakad-lakad din kami ni Lei habang magkahawak ang aming mga kamay. Kahit gustuhin man naming umalis ay parang sinasabi ng lugar na 'to na huwag muna kaya hindi muna talaga kami umalis. Sobrang sarap at sariwa pa ng mga hangin. Kulang na lang ay maglatag ako ng sapin para makatulog.

Bumalik kami sa hotel nang mag-hapunan na. Akala ko ay magpapahatid kami ng pagkain ngunit may plano pa rin pala siya para rito. Sinubukan ko siyang tanungin kung saan kami magdi-dinner ngunit hindi niya sinabi kaya napabuntong hininga na lang ako at nagpalit ng damit.

I was just wearing a long printed floral skirt with a white camisole top. Nagsuot lang din ako ng ilang accessories at kinuha ko na iyong maliit kong bag. Siya naman ay nakasuot ng light orange na polo at baggy pants. Nakaayos din ang buhok niya at ilang oras pa bago kami tuluyang makaalis dahil inayusan ko pa ang sarili ko.

"Pretty as always." Umikot ang mata ko sa sinabi niya habang nagpipigil ng ngiti.

Lumabas kami sa kwarto ng hotel at inalok niya sa akin ang braso niya kaya kumapit ako roon. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok pero naglagay ako ng hair clip para naman hindi masyadong plain sa ulo ko.

"So nice of you to plan this all out. Thank you, love." Nakangiting sambit ko nang pumasok kami sa elevator kaya nilingon niya ako at pareho kaming nakangiti sa isa't isa.

"I told you. I've always had a plan for us." Sagot niya kaya humigpit ang hawak ko sa braso niya. Bahagya ko pang sinandal ang ulo ko sa kaniya habang nasa loob ng elevator at naghihintay na makalabas.

Habang nasa byahe na kami ay kinukulit ko siya kung saan kami pupunta pero hindi niya talaga sinasabi kaya natahimik na lang ako. Tinignan ko na lang iyong mga kuhang litrato namin simula kanina.

Maya-maya pa ay dumating kami sa isang restaurant na sobrang ganda sa paningin ko. Walang masyadong tao roon kaya parang sobrang peaceful ng vibes. Pumasok kami sa loob at agad na naamoy ko iyong bango sa loob.

Hindi ko alam pero para siyang restaurant for couples. Iilan lang ang couples na nandito at ang saya nilang tignan na ma-inlove sa isa't isa. Yung mga ngiti at kinang sa mga mata nila ay hindi maikakailang sobra silang nagmamahalan.

Akala ko rito na kami sa baba pupwesto pero umakyat pa kami sa taas at doon talaga ako sobrang nagandagan. Malamig ang simoy ng hangin sa banda rito dahil itong taas ay open talaga. Kaya ko naman yung lamig pero sana pala ay nagdala ako ng jacket.

Walang tao rito sa taas at tanging isang lamesa lang na naka-setup ang nandito. Kaya hindi ko maiwasang mamangha sa ganda rin ng pagkakaayos. How come napagplanuhan niya pa ito? Since when?

"Wow..." Ang tanging usal ko habang inalalayan niya akong maupo roon sa lamesa. May dalawang mahabang kandila sa ibabaw, tatlong pulang rosas, at iyong bote ng wine na nakalagay sa ice bucket.

"You're making me too happy." Sambit ko sa kaniya at bigla naman siyang napangiti.

"That's what I intend to do. To make you happy." Sambit naman niya. Kung pwede lang ay kanina pa ako tumayo para bigyan siya ng kiss sa pisngi.

I just mouthed thank you.

Nagsimula siyang tawagin ang isa sa tatlong waiter para siguro'y makapagsimula na kaming kumain. May sinenyas iyong waiter sa mga kasama niya pagkatapos niya kaming paglagyan ng wine sa wine glass. Maya-maya pa ay dumating iyong dalawa habang may tulak na sa tingin ko ay mga pagkain.

Sa mga oras na 'to, wala akong ibang maramdaman kundi ang purong kasiyahan. Magmula nang lumapag kami rito, sobrang saya na ng puso ko. Sana huwag na lang matapos ang mga ganitong klaseng pagkakataon sa aming dalawa ni Lei.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now