Chapter 24

5 0 0
                                    

Nang sabihin iyon ni Lei ay sobrang na-excite talaga ako. Alam niya kasing dream destination ko iyon at hindi niya raw nakakalimutan na iyon daw ang lugar na gusto kong puntahan after ng kasal namin kaya sobrang tuwang-tuwa talaga ako. Agad niyang inutos iyon kay Patrick at nakapagpa-reserve na siya ng room sa isang hotel.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng ilang gamit namin ni Lei. Sa sobrang excited ko, bumili pa ako ng maleta kasi ito rin ang first time na lalabas ako ng bansa and take note, first time ko rin ang sumakay sa eroplano kaya dream come true talaga ito.

"Lei, sure ka na dala mo na lahat ng kailangan mo?" Tanong ko habang sinasara ang maleta. Hinihintay na lang namin si Patrick dahil siya ang magda-drive sa amin sa airport.

"Yes." Maikling sagot niya kaya tumango ako.

About dito, nagsabi naman ako kina Mama na aalis kami ni Lei at sobrang natutuwa rin siya para sa akin at para na rin sa aming dalawa. Mag-enjoy lang daw kami at magi-ingat basta huwag lang daw kalimutan ang pasalubong nila. Natawa naman ako roon dahil kahit hindi naman sabihin iyon ni Mama ay gagawin ko pa rin naman iyon.

"Are you excited?" Tanong sa akin ni Lei kaya malaki ang ngiti ko sa kaniya habang tumatango. Lumapit ako sa kaniya at yumakap.

"Thank you..." Bulong ko. Tumingkayad ako para abutin ang labi niya.

Maya-maya pa ay dumating na si Patrick kaya malaki akong ngumiti sa kaniya at tumango lang siya sa akin. May mga nagpunta ring ibang staff ng condo para tulungan kami sa mga bagahe. Ang OA ko ata dahil tatlong malalalaking maleta at isang maliit ang dala namin ni Lei. Tapos may hand carry pa akong bitbit.

Mamayang alas syete pa ng umaga ang flight namin pero alas tres palang ng madaling araw ay tutungo na kami sa airport. Hindi pa kami nakakapag-almusal kaya sabi ni Lei ay sa airport na lang daw kami kakain. Nang mailagay na nila iyong mga bagahe sa likod ng sasakyan ay tsaka kami umalis.

"Patrick, nag-almusal ka na?" Tanong ko habang tahimik niyang binabyahe ang maluwag na kalsada.

"H-hindi pa po, ma'am." Sagot niya kaya kumuha ako ng tinapay sa bag na bitbit ko dahil gumawa rin kasi ako kanina.

"Ito oh, baka magutom ka." Nilagay ko sa tabi niya iyong tinapay kaya nag-thank you naman siya at pinagpatuloy na ang pagmamaneho.

Syempre, umandar na naman ang bibig ko kaya nakipag-kwentuhan ako kay Lei kung ano yung mga pwede naming gawin doon dahil super nae-excite talaga ako. Nakikita ko lang kasi sa social media iyong Switzerland at ngayon, ako na mismo ang makakapunta roon. Sobrang ganda kasi ng mga tanawin doon at ang sarap pagmasdan.

Pagdating namin sa airport ay kumain muna kaming tatlo dahil maaga pa naman. Pagkatapos naman naming kumain ay pumila na rin kami. Ilang oras kaming naghintay bago kami tuluyang makasakay ng eroplano. Nagtaka pa nga ako dahil nakita ko ang malaking sulat na EMIRATES. Sa Dubai pala kami lalapag at doon daw kami sasakay ng eroplano papuntang Switzerland. Akala ko ay may direct na flight from here to Switzerland.

Bago nagpaalam si Lei kanina ay binilin niya na ang mga naiwang trabaho kay Patrick para na rin daw walang mangi-istorbo sa amin. Sa akin naman, nasabihan ko na si Denise at wala namang kaso iyon sa kaniya.

"Love, you should rest. It will take us more hours before we arrived in Switzerland." Paalala niya nang makaupo kami sa loob kaya tumango ako sa kaniya.

Paglapag ng eroplano sa Dubai ay tinanong ako ni Lei kung gusto ko ba raw kumain pero umiling ako. Sobrang inaantok pa ako kaya sabi ko ay gusto ko na lang muna ulit magpahinga. Maya-maya pa ay lumipat na kami ng eroplano at nang may makitang malaking sulat na SWISS sa eroplano ay tila parang nawala ang antok ko.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now