Chapter 23

2 0 0
                                    

Nagising ako nang may maramdamang matigas sa ilalim ng ulo ko. Tinignan ko kung ano iyon at nakita ko iyong braso ni Lei na bahagyang nagsisilbing unan ko. Humarap ako sa kaniya at tumingala dahil masyado siyang mataas pero pagtingin ko ay malalim pa ang tulog niya. Hindi ko maiwasang matawa nang tahimik habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha.

Sobrang nakakapagod ang mga nangyari kahapon pero kahit gano'n pa man, sobrang naging masaya at nag-enjoy naman kami. Hanggang ngayon nga ay punong-puno pa rin ang puso ko ng kasiyahan.

Ngayong kasal na kami, parang doble ang sayang nararamdaman ko. Hindi na lang kami basta mag-girlfriend or boyfriend kundi ay mag-asawa na kami. Huy~

Ayoko man siyang gisingin ay maingat kong pinindot ang tungki ng ilong niya. Bahagya ko pang pinasadahan iyong nakapikit niyang mata. Pagkatapos ay nilapat ko ang palad ko sa pisngi niya at bahagyang ni-rub gamit ang hinlalaki ko.

"What're you doing?" Tanong niya sa malalim na boses. Napahinto ang hinalalaki ko ng hawakan niya iyon.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay inalis ko na lang iyon at siniksik ang sarili ko sa kaniya. Niyakap ko siya at ipinatong ang binti sa kaniya tsaka muling napikit. Nang maramdaman niya iyon ay walang paga-alinlangan naman niya akong hinapit sa kaniya kaya bahagyang nakasiksik ang mukha ko sa malapad na dibdib niya. Akala ko makakatulog pa ako pero ilang minuto ang nakalipas ay hindi man lang ako nahulog sa tulog kaya nagdesisyon na lang akong tumayo para magluto ng almusal.

Nang gumalaw ako ay mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin kaya sinubukan ko ulit kumalas sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinapakawalan kaya bahagya ko siyang pinalo sa likod nang mahina.

"Lei?"

"Hmm?"

"Hindi pa ba tayo tatayo?" Tanong ko.

"Five minutes." Umikot ang mata ko sa sagot niya kahit pa alam kong hindi naman niya iyon makikita.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko pa ulit.

"Five minutes." Sambit niya at bahagya pa ulit akong hinapit papunta sa kaniya.

"E, kailangan ko nang magluto ng agahan natin." Sambit ko.

"Five minutes, love. It's too early pa. We have more time to sleep. Come on..." Usal niya at bahagya pa siyang tumayo para kumutan ako kaya ngayon ay pareho na kaming nasa ilalim ng kumot.

"Pero hindi na ako inaantok--"

"Shh."

"Pwede namang matulog ka muna--"

"Shh."

"Ah, gano'n?" Tanong ko. "Blah blah blah blah blah blah blah blah blah..." Asar ko.

"You're just tiring yourself." Sagot niya kaya napanguso ako.

"Ayaw mo bang kumain?" Tanong ko. Dahil nga nasa ilalim kami ng kumot ay masyadong madilim pero nakikita ko pa rin naman siya.

"We'll just stay here for the whole day." Nakapikit na anas niya kaya bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "As in, nakahiga lang tayo?"

"Why not?" Tanong niya. Bahagya kong inalis ang kumot sa aming dalawa.

"At ano naman ang gagawin natin?" Tanong ko pa. Napadilat naman siya sa sinabi ko at bigla ay parang na-realize ko ang tanong ko.

"Marami." Maikling sagot niya at bahagya akong napalunok.

"H-hindi!" Sambit ko at tumayo pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Nananatili naman akong nakaupo sa ibabaw ng kama.

"Do you not want to spend the whole day with me?" Parang batang tanong niya kaya para akong nahigitan ng hininga. Nagtayuan ang mga balahibo ko ng hawakan niya ang dulo ng buhok ko. "We have so much more to do the whole day."

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now