Chapter 12

4 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang buwan at sa mga bawat nagdaang panahon na iyon ay nagiging busy na rin si Lei sa trabaho. Balik na rin sa eskwela si Natasha at si Nathan naman ay buwan na rin nang makapag-trabaho siya roon sa kumpanyang in-apply-an niya.

Naalala ko nung una siyang sumahod ay nag-aya siya na kumain kaming lahat sa labas kaya sobrang saya ko no'n para sa kaniya. Kung masaya ako, ano na lang ang nararamdaman ni Mama para sa nag-iisang lalaking anak niya.

At iyong naging kliyente ko naman na siyang sinigaw-sigawan kami ay hindi ko na rin muling nakita pa. Nagsabi ako kay Denise na i-message na lang yung client naming 'yon at humingi ulit ng pasensya pero simula no'n, hindi na iyon nag-reply pa.

Dumadami na rin iyong mga client na nagpapa-appoint sa amin at sobrang natutuwa ako roon. Na-reach na rin namin ang 80k likes sa page namin at ang dami na ring nagre-react sa bawat posts ng page namin.

"Happy Birthday to you...Happy Birthday to you...Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you...Happy Birthday, my love." Narinig ko ang boses ni Lei sa labas ng kwarto ng condo niya kaya nang mapatingin ako sa may pinto ay nanlaki ang mata at napanganga na lang ako nang makitang may hawak siyang cake. Napatingin ako sa may screen ng cellphone ko at nakita kong alas dose na ng hating gabi.

"What..." Ang tanging lumabas na lang sa bibig ko dahil hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa tuwing siya ang unang babati sa kaarawan ko. Napaka-consistent niya pagdating diyan na sa tuwing sasapit ang alas dose ay babatiin niya ako.

"Come here. Blow your candle and make a wish." Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Bahagyang nakaharang iyong kamay niya sa may sindi ng kandilang nakatusok doon sa cake.

Tinignan ko siya at sinenyas niya lang sa akin iyong hawak niyang cake kaya napatingin ako roon at sandaling pumikit para mag-wish.

I wish to have my parents and his parents' long life. I wish that every person around me has a healthy, long life.

I wish that Lei and I could stay like this forever.

Agad kong hinipan iyong kandila at nakangiting tumingin sa kaniya. Bahagya pa akong napapalakpak kaya niyaya ko siya sa kitchen para pagsaluhan namin iyong cake. Naglabas din siya ng wine at ng dalawang wine glass. Pareho niya iyong sinalinan at pagkatapos ay sabay namin iyong ininom.

"Thank you, Lei." Sambit ko sa kaniya.

"Always, love." Sagot naman niya sa akin. "So, what did you wish for? I thought you fell asleep." Tumawa pa siya sa huling sinabi niya kaya napairap ako.

"Edi hindi na matutupad kung sasabihin ko? Tsaka hindi naman marami ang hiling ko. Basta thankful ako sa lahat ng blessings. Itong trabaho ko? Sobrang thankful na ako rito. Itong kasama ka ngayon? Thankful na ako. Doon palang sa nagkaayos na kayo ni Tito ay natupad na ang wish ko." Mahabang sinabi ko sa kaniya kaya tipid siyang napangiti.

I was just an 18-year-old back then and now? I am celebrating my 27th birthday with him? Iyong makasama lang siya sa birthday ko ay malaking bagay na rin iyon. Lalo na kung makakasama ko pa ang pamilya ko. Iyon na ata ang magandang regalo na malalasap ko sa tuwing darating ang kaarawan ko.

Lumapit ako sa kaniya at nagulat siya nang bigla ay yakapin ko siya sa bewang. Nakatingalang tumingin ako sa kaniya habang pinagmamasdan siya.

"Simula nung dumating ka, alam mo bang sobrang saya ko nang malamang mag-stay ka na ulit dito? Pakiramdam ko buo na ulit ako kasi nandito ka na." Sambit ko sa kaniya at nakita ko siyang biglang napangiti.

He put the wine glass on the kitchen counter. He caressed my face using his palm.

"Don't worry, I will make up to you and fill those days that I wasn't beside you when you needed me." Paliwanag niya kaya mas lalo akong napangiti.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now