Chapter 10

4 0 0
                                    

"Oo. Matagal na akong inalok ng Tito mo. Ang sabi ko, hintayin ka munang makatapos ng senior high mo. E kaso..." Sandali siyang napahinto. "Nangyari na nagkakilala rin kayo ni Lei na siyang anak din pala ni Andrew. Napag-usapan naman namin ni Andrew ang tungkol sa inyo kaya ayun, minabuti na lang namin na huwag na lang ituloy. Ikakasal naman na kayo at ang importante ay pareho kayong masaya." Ngumiti sa akin si Mama pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.

Ibig sabihin...dahil sa amin ni Lei kung bakit hindi rin natuloy ang sanang pagpapakasal nila? Pero ano nga bang kinalaman namin ni Lei sa kanila? Kagaya nila, pinagtagpo lang din naman kami.

"Sorry, Ma..." Biglang usal ko.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni Mama sa akin.

"Ikakasal din pala sana kayo kaso--"

"Shh...huwag mo ngang isipin 'yan. Bakit ka ba nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan? Wala kayong kasalanan ni Lei. Kung kinasal kami ng Tito mo noon, sa tingin mo ba makikilala mo si Lei? Tsaka, blessing in disguise na rin iyon para sa atin. Kita mo nga, nagkita ulit si Andrew tsaka si Lei. Tapos ngayon, kayo na ang ikakasal. Wala namang masama, anak. Isa pa, kuntento kami ng Tito mo sa ganito lang. Kaya huwag mong iisipin na kasalanan mo." Mahabang paliwanag sa akin ni Mama kaya bahagya akong napangiti nang kaunti.

Hindi ko rin kasi maiwasang ma-guilty kahit papaano. Hindi kasi kasal si Mama at Papa noon kaya hindi ko rin talaga maiwasang makaramdam ng ganito. Para kasing kahit hindi sabihin ni Mama, ako at si Lei pa rin ang dahilan kung bakit hindi sila natuloy sa kasal.

Nai-imagine ko palang na nakasuot ng mahabang puting gown si Mama ay sobrang nagagandahan na ako. Babae lang din siya at alam ko ay pinangarap niya ring makasal. Kaya hindi ko maiwasang ma-guilty dahil minsan sa buhay ko ay naagaw ko iyong pangarap niyang 'yon sa kaniya.

"Mahal na mahal po talaga kayo ni Tito, 'no?" Tanong ko pa at nang napatingin ako kay Mama ay parang guminhawa ang loob ko nang makita kung paano lumiwanag ang mukha niya.

"Oo naman, 'no. Tinalikuran niya ang buhay na meron siya noon makasama lang tayo. Maswerte nga si Natasha dahil kahit papaano, lumalaki siyang may kinikilalang ama. Nakita mo naman ang pakikitungo ng Tito mo sa atin noon pa, hindi ba?" Kapag naaalala ko iyon ay nakokonsensya naman ako. Nung mga panahong iyon ay puno ako ng sama ng loob kay Tito.

"Mabuti na lang po nagawa ko rin siyang tanggapin agad. Akala ko kasi baka saktan niya tayo gaya ng nakikita ko sa iba. Pero nagka-mali po pala ako. Para rin pala siyang si Lei kung magmahal..." Pareho kaming natawa ni Mama sa huli kong sinabi.

"Nakakatuwa nga kayong masaksihan. Napakagalang na bata. Sobrang ma-respeto mula noon hanggang ngayon. Sobrang consistent lalo na kapag dumadalaw dito sa bahay? Laging may dalang pagkain. Kaya nung nagpaalam sa'kin 'yan si tisoy, sobrang nagulat din ako. Kaya sinasabi ko sa'yo, mahalin mo siya kung paano ka niya mahalin. Dati highschool lang kayo, ngayon ikakasal na?" Napangiti ako sa sinabi ni Mama. "Hindi niya sinayang yung tiwala ko nung sabihin kong huwag ka niyang sasaktan."

Ang hindi alam noon ni Mama, ako ang nakasakit kay Lei nung gabing mag-usap kami sa playground kung saan ay muntik na rin kaming maghiwalay.

"Matulog na tayo." Anyaya niya kaya tumayo na siya agad. Tumayo na rin ako at pinatay na iyong mga ilaw. Nagpaalam na rin ako kay Mama at tuluyang pumasok na sa kwarto.

Kinabukasan, naghanda ako para sa mga order ni Sarah sa akin. Nag-message kasi siya sa akin na ngayon daw siya mangangailangan ng cookies kaya maaga akong gumising para magawa ito agad. Nakabili na rin naman ako ng ingredients at may oven naman dito sa bahay.

Dalawa ang client ko ngayong araw at mamayang hapon pa naman ang appointment nung first client ko at iyong isa ay mga 5 PM pa. Naabutan pa ako ni Mama sa kusina at sinabi ko sa kaniya na suma-sideline rin ako sa business ni Sarah.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now