Chapter 7

3 0 0
                                    

Sa bahay na kami nag-hapunan dahil gabi na rin nang makabalik kami sa condo niya. Hindi naman kami live in ni Lei dahil kung minsan ay umuuwi pa rin ako sa bahay. Actually, kapag bumibisita lang siya rito sa Pinas kami nagkakasama rito sa condo niya pero ngayong dito na siya ulit, syempre hindi pa naman pwede na magsama na agad kami.

"Baka pati kay Papa nagpaalam ka rin?" Birong tanong ko nang makalabas ako sa banyo nang may tapis na tuwalya sa katawan. Napatingin siya sa akin at bahagya niya akong pinasadahan pero agad din siyang nag-iwas ng tingin.

Kararating lang namin galing sa bahay. Agad akong naglinis ng katawan nung makarating kami rito. Pinauna niya na akong gamitin ang banyo kaya sa gilid siya ng kama nakaupo habang naghihintay sa akin.

"I did, actually." Dinig kong sagot niya kaya bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat. Three weeks na ang nakararaan nung huli kaming magkita ni Papa pero nagte-text pa rin naman kami. Never akong nawalan ng communication sa kaniya.

"Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Naglakad ako palapit sa kaniya at naupo doon sa gilid ng kama para tabihan siya. Siya naman tuloy ang gulat na napalingon sa akin at bahagya pang napaatras.

"Y-yeah." Usal niya habang nagtatanggal ng medyas.

"E paano mo siya nakausap? I mean, personal or through chats?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Sobrang tagal na simula nung magkausap sila sa personal at iyon ay noong mga senior high school pa kami.

"I asked Nathan for his socials so I could reach him. When I did, I immediately texted your Dad and asked for his blessing." Mahabang paliwanag niya kaya hindi ko maiwasang mapakagat sa ibabang labi.

Nakakatuwa lang na pati si Papa ay nico-consider niya pa rin. I mean, alam naman niyang may iba ng pamilya si Papa pero still, he made an effort to reach him. Parang hinaplos tuloy ang puso ko dahil sa ginawa niya.

Bahagya akong umusog pa nang konti, closing the gap between us. "So...hindi ka ba tinakot ni Papa?"

Kilala ko si Papa. The first time they met, I remember he threatened Lei before. Kaya imposibleng hindi ulit gawin iyon ni Papa the moment na nagpaalam si Lei sa kaniya for his blessing.

Nakita kong napalunok siya at bahagya ulit napaatras. He threw a glance on me and immediately divert it in other direction.

"He did." Maikling sagot niya. I was waiting for him to say more but he just looked up and turned his head as if he was looking for something.

Kanina ko pa napapansin iyong kilos niya. Simula nung nagba-byahe kami kila Mama ay tahimik lang siya hanggang sa mag-byahe rin kami papunta rito ay tahimik lang siya. Magsasalita nga siya pero ang iikli lang ng mga sagot niya. I mean, gano'n naman talaga si Lei pero kasi parang may kakaiba sa kilos niya. Kagaya ngayon. Parang he was distancing himself from me.

"Aren't you going to change? It's getting cold you might catch a cold." Dinig kong sambit niya pero hindi niya man lang ako tinignan. "I'll just take a shower." Akmang tatayo na siya nang bigla kong tawagin ang pangalan niya.

"Do you have something to tell me? I mean, I feel like you're not in your usual self." Seryosong tanong ko sa kaniya. "Is this because of what happened earlier? You're not even looking at me. Do I make you feel uncomfortable?"

"What? No. Of course not." Sambit niya at dito na niya ako tinignan. "I would never feel uncomfortable with you."

"Then, why?" Mababang boses na tanong ko sa kaniya. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Yes. It was because of what happened earlier. I just feel guilty about it. I feel like I've crossed the line." Mahabang paliwanag naman niya sa akin.

"Hindi naman ako nagalit, ah? Ako nga dapat ang ma-guilty kasi pinilit kita." Paliwanag ko rin sa kaniya.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now