Chapter 22: BIG DAY

4 0 0
                                    

Malaki ang ngiti ko habang nagpapalakpakan silang lahat. Nagpaulan din sila sa amin ng mga petals habang naglalakad kami sa gitna nila. Magkahawak kami ng kamay ni Lei at kahit siya ay nakangiti rin. Nahinto kami sa dulo ng red carpet at tinipon lahat ng mga bridesmaid para sa gagawin kong flower toss.

"Huwag sa akin, ayoko pa ikasal!" Narinig kong sigaw ni Sarah nang simulan kong tumalikod sa kanilang lahat.

"Bibilang ako ng three, ha?" Malakas na tanong ko. Nasa gilid ko lang si Lei habang nakangiting pinagmamasdan kami.

"Okay. One, two, three!" Sigaw ko at malakas na binato iyong bulaklak at narinig ko naman ang malakas nilang paghiyawan. Nang humarap ako ay nanlaki ang mata ko nang makita na si Denise ang nakasalo no'n kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Grabe ka naman, 'te. Wala nga po akong boyfriend e!" Natatawang sambit niya habang nakanguso.

"Baka sign na 'yan na nasalo mo ang bulaklak!" Natatawang sambit ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin kaya niyakap ko siya.

Masaya kaming nag-pictorial lahat. Una muna ay kami ulit bridesmaids. Sumunod iyong tatlo lang kami nila Sarah at Mira at pagkatapos ay iyong mga kaibigan kong lalaking sina Randy. Sumunod naman sina Prince at ganoon din ang ginawa nila kay Lei. Nag-picture rin kami nila Papa na kasama si Nathan pero hindi sumama si Natasha pero nakita kong binulungan iyon ni Mama kaya napilitang sumama na lang din. Kahit si Clyde ay niyaya ko na rin. Nasa tabi ko si Lei nang kuhaan kami at pagkatapos ay turn naman nila Mama at Tito. Kasama si Ate Molly syempre, habang bitbit ni Kuya Vincent si Val.

Pagkatapos naming mag-pictorial lahat ay dumiretso na kami sa may reception area kung saan naghihintay na ang mga pagkain sa amin. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng design sa reception. Puro puti at bulaklak ang nakikita ko. May mahabang stage sa dulo at meron pang mahabang upuan din doon na sa tingin ko ay roon kami ni Lei mauupo. Meron ding projector na may nakalagay na WELCOME TO LEI AND DALE'S WEDDING.

Nagsimula na kaming mag-pray sa pangunguna nung host bago kami kumain lahat. Pagkatapos naming magdasal ay tsaka sila kumain. Habang kumakain sila ay napagdesisyunan kong magpalit muna ng damit kaya pinatawag ko si Denise para matulungan ako kaya sinamahan niya rin muna ako magpalit ng damit.

Nang makapagpalit na ako ay niyaya ko si Lei na puntahan sa mga kani-kanilang lamesa iyong mga bisita namin since may mga waiter naman na nagse-serve sa kanila.

"Congrats!" Malakas na sigaw nila Sarah at Mira nang una namin silang puntahan. Nakipagbeso naman ako sa kanilang lahat.

"Yeah, thank you. Thank you for coming here today. I really do appreciate it, guys." Nakangiting napatingin ako kay Lei nang magsalita siya. Agad namang winasiwas ni Mira ang kamay niya dahil sa sinabi ni Lei.

"No, thank you for inviting us here." Sambit ni Mira kaya isa-isa silang kinamayan ni Lei habang nakangiti.

"What?" Nagtatakang tanong ko kay Sarah nang senyasan niya akong lumapit sa kaniya.

"You better wear what I gave you on your bridal shower. It's going to be wild tonight." Malakas siyang tumawa kaya nanlalaki ang matang tinignan ko siya at wala sa sariling nahampas ko siya.

"Bwisit ka talaga! Hindi ko nga iniisip 'yun e!" Singhal ko sa kaniya pero tawa lang ang sinagot niya sa'kin.

"Love, what's wrong?" Mabilis akong napalingon kay Lei kaya umayos ako nang tayo at agad na ngumiti sa kaniya at umiling.

"Anyway, we've prepare something for you. You'll see it later." Kinindatan niya ako kaya napakunot ang noo ko. Nagpaalam na kami sa kanila sandali para pumunta sa kabilang table kung saan lulan no'n ang mga kaibigan kong lalaki at ang kaibigan ni Lei.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now