Chapter 16

3 0 0
                                    

"You know that it was wrong what you did earlier, right?" Tanong niya nang makalapit sa akin. Bahagyang naningkit ang mata ko sa narinig.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"Come on, I'm not blind! I saw what I'm not supposed to see." Dito na napakunot ang noo ko.

"Ang alin ba? Na nahuli mo kaming naghahalikan?" Diretsang tanong ko sa kaniya. Hindi ko malaman kung iyon ba ang tinutukoy niya pero wala naman din akong ibang maisip na dahilan kung ano ba ang tinutukoy niya.

"That's right. And you shouldn't done that there." Usal niya pa at dito ay hindi ko na siya maintindihan.

Hindi ko alam kung bakit pati iyon ay pino-problema niya. Alam naman niya na fiance kami. I get it that we did a mistake there pero itong hahabulin niya ako at pagsasabihan? Hindi naman ako bata para pagsabihan pa tungkol sa bagay na 'yon.

"So what's your point?" Seryosong tanong ko sa kaniya at bahagya siyang natigilan. Itinaas ko iyong kaliwang kamay ko kung nasaan ang singsing ko at binalandra iyon sa harap niya. "What's wrong kissing my fiance? We're getting married anyway."

Nakita kong umarko ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nag-effort pa siyang habulin ako at higit sa lahat, hindi ko malaman kung may galit ba siya sa akin.

"I know. What my point is, did you just come here to make out with him there?" Tanong niya pa. "Aren't you supposed to work and do your client's faces? What, like, you can't wait for him after his work?" Napahigpit ako sa sariling kamao.

What the hell is wrong with her? Bakit...bakit ba siya nagkaka-ganito? Pati rin ba ang ganitong bagay ay ugali niya rin?

"Excuse me?" Inis na tanong ko dahil nagsisimula na akong mapikon sa kaniya. "You know what, kung may problema ka sa'kin, bakit hindi mo ako diretsuhin? I'm just being nice ever since I met you. I'm hoping that you'd apologize also." Paliwanag ko pa at ngumisi naman siya.

"Apologize my foot. Who's accountable for what you did? It was you and your assistant. Why are you like waiting for my apology? I didn't do wrong with you two." Sarkastikong sambit naman niya at nakatingin lang ako sa kaniya nang hindi makapaniwala.

Huh! Paano niya nasasabi ang bagay na 'to? Ano ba naman iyong isang apology? Well, kung hirap siyang sabihin 'yon, hindi naman din ako magmamakaawang hingiin iyon sa kaniya. Ang importante, nakapag-sorry na ako sa kaniya at nasa sa kaniya na lang din iyon kung tatanggapin niya. At least ako, wala na akong problema.

"Alam ko. Kaya nga nag-sorry na kami. It's up to you kung tatanggapin mo o hindi. Problema mo na 'yon. Tsaka, kinausap mo ba ako para sabihin yung bagay na 'yon? Hindi ako tanga para hindi malamang mali ang ginawa namin. Hindi ba nagtagal ka sa America for years? Bakit parang nagugulat ka pa na may nakikita kang naghahalikan? Kung tutuusin, baka higit pa ro'n ang gawin namin kung hindi ka lang nang-interrupt." Mahabang sagot ko sa kaniya at nakitaan ko siya ng inis sa huli kong sinabi.

"Oh, really?" Sarkastikong tanong niya pa. "I don't know why people are making an appointment with you. Your makeup isn't that good. Heavy hands and itchy makeup brushes." Napairap na lang ako sa mga sinasabi niya.

"Kung wala ka ng sasabihin, mauuna na ako. Look, kung ayaw mo sa'kin, okay lang. Kung may inis ka sa'kin, go. Wala akong pakialam. I'm not looking forward to getting along with you." Sambit ko at binigyan siya ng ngiti at agad namang sumama ang tingin niya sa akin. "Have a nice day. Bye."

"Bitch." Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niyang 'yon bago ako tuluyang tumalikod sa kaniya.

Tama nga sila. Na marami pa akong taong makakasalamuhang may iba't ibang ugali. I guess, isa na si Chiara roon. Mahirap pilitin ang tao na gustuhin tayo dahil may kani-kanila silang preferences at walang kaso sa akin iyon. Kung hindi niya ako gusto, okay lang. Pero kung may galit siya sa'kin, iyon ang hindi ko maiintindihan dahil una sa lahat, anong dahilan at motibo niya?

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now