Chapter 18

1 0 0
                                    

"Happy Birthday to you..." His friends and mine were all synchronized as we sang him a Happy Birthday song. I was just looking at him with a big smile on my face.

Nandito kaming lahat sa Laguna at sobrang nakakatuwa na naging kompleto na ulit kaming lahat. Parang after ng ilang buwan, ngayon na lang ulit kaming lahat nagkasama. Hindi na kasi nagtutugma ang schedule ng bawat isa sa amin kaya kahit pa gustuhin din namin na magsama-sama ay mahirap na.

"Thank you, guys..." Nakangiting sambit ni Lei. Si Joey ang may hawak ng cake kaya bahagya niya itong nilapit at pinahipan sa kaibigan.

Nagpalakpakan kaming lahat ng mamatay ang kandila sa ibabaw ng cake. Kahit siya ay nakangiti lang din sa aming lahat.

"What?" Tanong ni Lei kay Joey dahil parang sinenyasan ata siya ni Joey.

"Do you have something to say?" Balik na tanong ni Joey sa kaniya.

"Of course, I wanted to thank you all for making it here. So glad that y'all are here to celebrate with me. And especially, Dale. Thank you so much." Nang dahil sa sinabi niyang 'yon ay inulan tuloy kami ng asar galing sa kanilang lahat.

"Kiss!"

"Kiss!"

Kinikilig na tinulak ako ni Sarah kay Lei kaya wala na tuloy akong nagawa kundi ang lumapit sa kaniya at bigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi.

"Ay ang bilis naman! Feeling teenager ang galawan. Wala ba yung matagal?" Asar pa ni Isaac kaya umasim ang mukha ko sa kaniya.

"Ito, 'te? Gusto mo magtagal sa mukha mo?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya nang itaas ko ang kamao ko kaya lahat sila ay nagtawanan.

"Top one OA sa Philippines 'yan. Gusto mo pala ng matagal, bakit hindi ka na lang manood ng porn?" Panggagatong pa ni Sarah kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

"Huy, 'te! Huy..." Nagugulat na suway ko sa kaniya.

"Ah, talaga? Gusto mo untog kita rito?" Sagot ni Isaac sa kaniya habang nife-flex nito ang biceps niya kay Sarah. Nagkrus ang balikat ni Sarah atsaka umirap.

"Yuck." Singhal ni Sarah at mabilis pa sa alas kwatro na lumapit si Isaac sa likuran niya atsaka nito pinalibot ang isang braso sa leeg ni Sarah. "What the fuck? Get off me!" Malakas na pinaghahampas ni Sarah iyong braso ni Isaac at agad din naman itong binitawan ni Isaac tsaka patakbong lumayo kay Sarah.

"Isaac!" Galit na sigaw ni Sarah at sinubukan pa nitong habulin pero siya na rin ang sumuko nang hindi mahabol. "Fuck you!"

"Itong dalawa, habang tumatagal ay lumalaki yung galit sa isa't isa." Usal ni Mark. Napailing na lang ako sa nakita.

Napagdesisyunan naming kumain ng tanghalian. Syempre, si Randy ang nag-volunteer magluto ng ibang pagkain. Nagsabi kasi siya na magdadala rin ng pagkain na lulutuin dito at yung iba naman ay may bitbit na ring pagkain kaya parang naparami ang pagkain namin.

Kaninang umaga pa kaming nandito lahat. Sobrang saya ko nga nang makita ko si Mira at Sarah at daig pa namin ang mga bata sa sobrang tuwa dahil talagang nagtalunan pa kaming tatlo. Nasabihan pa tuloy kaming OA kanina.

Pagkatapos ng salo-salo naming lahat ay napagdesisyunan naming mag-swimming. Perfect iyong pansol na napili ni Lei dahil kahit malamig, mainit naman ang tubig. Ilang araw na lang ay pasko na and we're getting closer to new year.

"What? She said that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sarah. Nataranta naman ako at sinenyasan siya na babaan lang ang boses. Napatingin ako sa likod namin at iyong mga lalaki ay nag-iinuman habang nagvi-videoke pa. Tatlo lang kaming nandito sa swimming pool.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now