Chapter 6

7 0 0
                                    

Lumipas na ang isang araw at kasalukuyan akong nasa kusina ni Lei dahil balak kong gumawa ng crinckles. Ala una ako ng hapon natapos sa client ko dahil isa lang naman ang client ko ngayong araw at nakakatuwa iyon sa akin kahit papaano dahil magagawa kong mag-spent ng time kay Lei. Normal lang naman sa akin na isa lang ang maging client sa isang araw at tsambahan lang talaga iyong nakakarami rin kami ni Denise.

Hindi naman palagi na meron akong siyam na client sa isang araw. Kahapon naman ay tatlo lang din ang naging client ko at gaya ng sabi ni Lei, kumain nga kami kagabi roon sa may favorite restaurant naming dalawa. Nakakatuwa nga dahil alam na alam niya ang paborito kong kainin doon.

"Lei, ano kaya kung pumunta tayo sa bahay mamaya? I mean, gusto ko lang i-inform sila na engaged na ako..." Sambit ko habang nagbabasag ng apat na itlog. "Don't worry, Tito's not there--"

"Sure." Napatingin ako sa kaniya nang seryoso. Ine-expect kong tatahimik ang reaksyon niya ngunit nakangiti pa siya sa akin. "I also don't mind if he's there."

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko pa sa kaniya.

"Hmm. I think I'm ready to talk to him. Can you help me with that?" Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya nang bahagyang nakabuka ang bibig kaya lumambot ang itsura ko at biglang napangiti.

Hindi ko alam pero parang bigla akong naiyak sa sinabi niya. Simula kasi nung nakiusap siya sa akin na huwag na ulit banggitin si Tito Andrew sa kaniya ay hindi ko talaga ginawa. Kaya simula no'n, hindi na ako nag-kwento sa kaniya kahit pa si Tito noon ay tinatanong niya ako about kay Lei.

Imagine, sobrang tagal nilang hindi nag-usap. Natutuwa ako na unti-unti niya na rin nare-realize ang mga bagay-bagay. I mean, hindi ko naman siya nija-judge dahil ang tagal niyang tiniis si Tito para hindi kausapin kaya sobrang natutuwa lang talaga ako dahil panigurado, sobrang matutuwa si Tito kapag nalaman niyang gusto siyang kausapin ni Lei.

"O-oo naman!" Mabilis kong pinunasan ang luha ko dahil sa sobrang tuwa.

"Why are you crying?" Nagtatakang tanong niya. Winasiwas ko iyong kamay ko para sabihing wala lang iyon.

"Kasi..." Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay napahagulgol na ako kaya nag-aalala siyang lumapit sa akin at hawakan ako sa dalawang balikat ko.

"Hey..."

"Hindi kasi...n-natuwa lang ako. Sobrang matutuwa kasi 'yon si Tito kapag nalaman niya na gusto mo siya kausapin. A-alam mo bang lagi ka niyang tinatanong sa akin? Kung kumusta ka, kung kailan ang uwi mo rito at kung kailan ka babalik sa States. L-lagi siyang nanghihingi ng balita sa akin tungkol sa'yo. At nung graduation mo nung college, n-nasa tabi ko siya habang pinapanood ka naming dalawa. W-wala siyang ibang sinasabi kung hindi kung gaano siya ka-proud sa'yo." Hagulgol ko sa kaniya. Nakita ko na bahagya rin siyang natigilan at nag-iwas ng tingin at dahan-dahang napabitiw sa mga balikat ko.

"I'm sorry if it takes so long for me to give him a chance. I mean, it's not too late, right?" Nakangiti ngunit lumuluha akong tumango sa kaniya.

"No, hindi mo kailangan mag-sorry. Okay lang iyon. Ang importante, mag-uusap na ulit kayo." Sambit ko sa kaniya habang pinupunasan ang luha ko at bahagya nang nakakalma.

Bahagya na rin akong tumalikod sa kaniya para ipagpatuloy na iyong ginagawa ko. Sobra-sobra na atang ligaya ang nararamdaman ng puso ko. Kahit ako dati, iniisip ko kung kailan kaya darating yung araw na mapapatawad ni Lei si Tito? Kahit gusto kong itanong iyon sa kaniya, pinili ko na lang maging tahimik kasi syempre, nire-respeto ko rin ang mararamdaman niya.

"Tamang-tama, dadamihan ko na lang ito para mag-uuwi ako sa bahay." Sambit ko habang pinaghahalo iyong mga wet ingredients sa dry ingredients.

Sandali akong napahinto sa paghalo nang maramdaman kong ipulupot niya ang mga kamay niya sa bewang ko. He was hugging me from behind. Agad naman nanuot sa ilong ko iyong bango niya.

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now