Chapter 5

4 0 0
                                    

"Ano bang kalokohan kasi 'to?" Inis na tanong ko sa kanila. Nakahawak ako sa may tela sa mata ko habang inaalalayan nila akong tumayo.

"Just relax and you'll see." Narinig kong bahagyang napahalakhak si Prince sa tabi ko.

"Alalayan niyo nang mabuti 'yan! Kapag 'yan nasugatan, lagot kayo sa boyfriend niyan!" Dinig kong sigaw pa ni Race kaya kahit naka-blindfold, umirap ako dahil sa sinabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita kasi kahit paulanin ko sila ng mga tanong ko, hindi rin naman ata nila ako sasagutin kaya tahimik na lang akong sumama sa kanila sa paglalakad.

"Buksan mo nga flashlight ng phone mo, wala akong makita!" Singhal ni Jethro.

Kung ano-anong bulungan ang naririnig ko sa kanila habang naglalakad kami. Mga nagmumurahan na kesyo may natalisod pa.

Ilang minuto pa ay nahinto na kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung nasaang sulok na kami ng club dahil wala talaga akong ideya sa mga pakulo nila ngayon. Bakit ba kasi pumayag pa ako na sumama rito e.

"Kapag ito talaga kalokohan ha..." Pagbabanta ko pa.

Maya-maya pa ay biglang may nag-play ng music. But instead of party music, it is a classical one that is being played in the background!

"What's happening?" Singhal ko pa but no one dared to answer at hindi ko mapangalanan itong nararamdaman ko ngayon.

"Congratulations," Prince whispered behind me. That word sent shivers down my spine. Hindi ko alam pero sa isang salita niyang 'yon ay tumaas ang mga balahibo ko.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang piring sa mata ko at dahan-dahan ko rin itong minulat. Blurry pa ang vision ko kaya hindi ko makita nang tuluyan ang paligid dahil masyado akong nasisilaw sa ilaw. Habang tumatagal, nagiging malinaw sa paningin ko ang kapaligiran.

Tinignan ko ang buong paligid. Ngayon ko lang na-realize na nandito kami sa dance floor. Iyong mga kaibigan ko ay mga nakangiting nakatingin sa akin sa gilid. Sobrang daming bulaklak sa paligid at sobrang liwanag din sa dami ng ilaw. Nang napatingin ako sa harap, may nakita akong lalaking nakatalikod na nakasuot ng black suit. Dahan-dahan siyang humarap at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at unti-unti ay nagkakaroon ako ng idea sa nangyayari sa amin ngayon kaya muli kong tinignan ang mga kaibigan kong nasa gilid. Si Mira at Sarah ay nakangiti at naluluhang nakatingin sa akin. Ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Lei na sina Joey ay mga nakangiti rin sa amin habang pinapanood kami.

Napatakip ako sa bibig ko dahil dahan-dahan siyang lumalakad papunta sa akin. He was wearing a black suit with his hair slicked back. He was holding bouquet of flower.

Nang makalapit siya, unti-unti kong naramdaman na nag-init ang ilong ko hudyat na nagbabadya na ring mamuo ang luha sa mga mata ko. He was smiling at me! Ngayon ko na lang ulit siya nakita nang nakangiti sa personal sa tagal naming hindi nagkita. Para akong nananaginip ngayong nakikita ko siya.

"Flowers for you, my love." He winked at me and handed me the flower so I took it from him. Biglang namatay ang mga ilaw at ang tanging natira na lang ay ang spotlight sa aming dalawa.

"Lei..." Pagtawag ko sa kaniya. Hinawakan niya ang isa kong kamay at doon ay hindi ko maiwasang mapaluha.

"When the day you tried to break up with me, I thought that was the last time I would ever see you. But thank God, you took back your decision. I was thinking where did I go wrong that led you to that? All I know that I did was love you with all my heart. Because I know, deep inside me, loving you was the best feeling I had in my whole life. Thank you for giving me the chance to work on this relationship, thank you for trusting me, thank you for everything." He was saying that while looking straight into my wet eyes. "God let us be together for a long because He knows that our relationship will work. He put His trust in us and now, God brought us here today and gave me the courage to do this in front of you."

When We Met Book: 2 [On-going]Where stories live. Discover now