Chapter 8- Sorry

1.1K 29 35
                                    

"Iiwan ko muna ang apo ko sa inyo, padre. Paki-alagaan at turuan niyo siya. Malakas siyang kumain pero napakabait ng apo ko na ito," kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ng senyor.

Napatawa naman ang pari.

"Lolo naman, huwag mo na po ipagdiinan." Napakamot ng ulo ang senyorito Orion pero nanatiling seryoso ang senyor.

"Dapat kapag bumalik kami rito ay manatili kang malusog, apo. Huwag mong pababayaan ang sarili mo, mag-aral kang mabuti. I'm at peace to leave you here because you have the guidance of our Lord. I will continue praying for your mental and spiritual growth." Yumakap ang senyorito Orion sa senyor.

Narito kami sa kumbento para ihatid ang senyorito Orion. Ngayon ang opisyal niyang pag-aaral bilang isang seminarista.

"Thank you, lolo, kuya Royse, kuya Cassian, kuya Jesian, ate Yanna, ate London. Salamat sa pagsuporta at pagmamahal. Pagbubutihin ko para sa inyo." Napayakap ang magkakapatid sa senyorito Orion nang pumatak ang mga luha niya.

"Don't cry, baby. Enjoy your new venture and always be happy. The Lord is with you, and we're also always here for you. Kami ang bahala sayo." Pinunasan ng senyorita Yanna ang mga luha ng senyorito.

"I'll keep that in mind, ate Yanna. Mahal na mahal ko kayo."

Habang pinapanood ko sila, naisip ko na sobrang proud siguro ng senyora Ana at senyor Pablo sa kanila.

Maaga silang naulila pero lumaki sila bilang mabubuting tao. Pinili nila na magkaroon ng payapa at simpleng buhay. Despite the pain they've gone through, they maintain the strength to support and guide each other.

Habang tumatagal na naninilbihan ako sa kanila, mas lumalalim ang kagustuhan ko na manatili sa kanila.

Serving them might not be enough.

Pagkatapos magpaalam ay naghiwa-hiwalay din ang iba para bumalik sa trabaho.

Ang senyorito uuwi raw muna ng mansiyon kaya hinatid siya ng van. Ang senyorito Jesian naman sa mansiyon din uuwi dahil mamaya pang hapon ang balik niya ng ospital.

Sinabi niya na sa kaniya na ako sumabay dahil kasama ng senyor sa van sila nanay Ofelia kaya wala akong naging choice.

Nanatili akong tahimik nang patakbuhin niya ang sasakyan.

Naisip ko na kailangan ko nang dumistansya sa kaniya. Halos tatlong araw na lang din ang natitira sa pagsama ko sa kaniya sa ospital.

Ayoko na mangyari ulit ang ginawa ni ma'am Celine. Hindi sa natatakot ako, ayoko lang ng gulo, lalo na sa pagitan ng pamilya nila.

The first thing I noticed about their family is that they're trying to avoid unnecessary problems in every way possible. Pinag-uusapan agad nila nag-uumpisa pa lang ang problema.

Ayoko na magkaroon ng problema sa pagitan nila at nila ma'am Celine.

Ako na lang siguro ang iiwas.

Napansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ng senyorito pero nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana.

Kapag natapos ang trabaho ko sa kaniya mas madali ko na siyang maiiwasan.

Pagkarating namin ng subdivision ay akala ko didiretso na siya ng mansiyon pero hininto niya ang kotse sa may garden.

The garden of the subdivision is beautiful. There are different flowers and plants that fill the air with their fragrance. May rosas din na alagang-alaga talaga.

Sa tabi ng garden ay playground kung saan naglalaro ang mga bata.

The subdivision has different styles of houses. There are grass and fruits that grew on the sidewalk, which the neighborhood took care of, there's even a collard patch that is open to everyone. Along with food stalls at noon. 

Saving Love (Salguero Siblings Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon