When mama passed away, I thought about the accident during my ninth grade.
We were happy going home riding the bus. She picked me up in school after her work and bought me pizza, when a truck driver suddenly fell asleep in the middle of the intersection while driving.
Sa kasamaang palad may mga kotse at motor na nadamay, at kasama dapat kami sa kanila. We might die because of the severity of the accident, but a car hit the truck to save us.
Sakay ng kotse ang mag-asawang Salguero. Niligtas nila ang buhay namin.
When papa started mistreating me, I thought what if I just died. What if the truck hit us and I died? Would my life be better?
Ilang beses ko nang naisip na sumuko na lang. Palagi na lang kasi akong talo sa buhay. I rarely win.
Even though I keep doing my best, I never get a price that could make my life peaceful.
Gusto ko lang naman kasi mabuhay ng payapa. Malayo sa sakit at kalungkutan. Pinipilit ko na maging masaya sa kabila ng nangyayari sa buhay ko at tiisin lahat ng sakit dahil tulad ng sinabi ni aling Win, alam ko na malulungkot si mama kapag tuluyan akong sumuko.
That's why after some time, I started valuing myself more than anything else. Tatlong buhay na ang naisakripisyo para sa buhay ko. Naisip ko na siguro will na ni Lord na mabuhay ako.
Bilang pasasalamat sa mag-asawang Salguero kung bakit nabubuhay pa ako, hindi ako tumigil na makapasok sa pamilya na naulila nila. Gusto ko na makabawi at suklian ang buhay nila.
Alam ko na walang magagawa ang isang tulad ko, pero pinilit ko na mag-isip ng paraan at ang pagtatrabaho sa kanila ang naisip ko.
I'm willing to serve and protect them as a gesture of gratitude for senyor Pablo and senyora Ana's sacrifice. Nabuhay kami ni mama at ng iba pang sakay ng bus dahil sa kanila.Natatandaan ko na marami rin ang nakasakay na bata sa bus.
Noong una pagtanaw ng utang na loob lang talaga kung bakit ko gustong gawin iyon, pero nang makilala ko sila, nagbago iyon dahil unti-unti na akong napamahal sa kanila.
Simula rin nang makilala ko sila, mas lumalim ang rason ko para lumaban at huwag magpatalo sa mga problema.
I remember when senyorito Jesian said life is hard, but it is meant to live well regardless of its hardship. Kaya mas gusto ko na ipagpatuloy ang mga pangarap na pansamantala ko na nakalimutan dahil sa sakit at hirap na dala ng buhay.
Like other senyorito's patients, I want to live without regrets in my life.
I wear long sleeves when I go back to the mansion to hide the bruises and marks I get from my stepfather's abuse.
Ang ibang latay ay namaga at nagkaroon ng mga blister kaya ang hapdi at ang sakit ng buong katawan ko.
Kahit na matakpan ng long sleeves ang mga latay ko, hindi noon matatakpan ang sakit na nararamdaman ko.
Huminga ako ng malalim bago pumasok ng mansiyon.
Alas nueve na ako nakarating dahil inutusan pa ako na magluto at maglaba.
"Nanay Ofelia! Senyor! Nakabalik na po ako!" Sigaw ko nang maabutan ko sila sa sala na mukhang nagpapahinga.
"Lean, maligayang pagbabalik. Na-enjoy mo ba ang day off mo?" Yumakap ako at humalik sa pisngi ni nanay Ofelia at nagmano kay senyor Alfredo.
"Opo, nanay. May pasalubong nga po ako sa inyo." Itinaas ko ang hawak ko na plastic na may laman na makopa.
"Aba'y napakabait talaga ng Lean namin, inuwian mo pa kami," lumawak ang ngiti ng senyor nang makita ang makopa.
"Kayo pa ba senyor? Maiiwan ko ang lahat pero hindi po ang pasalubong ko," mabuti na nga lang din at isang libo ang ibinigay ni papa.
Sinabi sa akin noon ni mama na kahit hindi siya ang tunay kong ama, siya ang nasa piling namin kaya tinatawag ko pa rin siya ng papa bilang pag-ala-ala kay mama.
"Ay sus, napakasuwerte ng mapapangasawa mo, apo," napahalakhak sila.
Inilibot ko ang tingin.
"Ang senyorito Jesian po pala?" Tapos na ang pagbabantay ko sa kaniya kaya hindi ko na siya kailangang samahan pa sa ospital.
I don't know, but that thought saddens me, remembering ma'am Celine bringing him lunch.
"Halos kakaalis lang, hija. Inaantay ka nga eh. Sayang at hindi mo naabutan," inaantay ako ng senyorito? Bakit naman niya ako aantayin?
"May ipapagawa raw po ba siya?" Umiling ang senyor.
"Walang nasabi. Baka nag-aantay din ng pasalubong, apo." Muli silang napatawa kaya hindi ko na rin napigilan na mapangiti.
"Kayo talaga, senyor. Mabuti pa po huhugasan ko na ito para matikman niyo." Kinuha ko sa kaniya ang plastic.
"Aba'y magpahinga ka muna, Lean. Kahit sila Tere na ang maghugas." Saway niya pero umiling ako.
"Malakas kaya ito, senyor. Mabilis nga lang po ang biyahe ko." Itataas ko sana ang braso ko pero kumikirot pa kaya hindi ko nagawa.
"Oh siya ikaw ang bahala, apo. Basta magpahinga ka pa rin pagkatapos mo." Tumango ako at maligsing tumungo sa kusina para itago ang panlalata na nararamdaman ko.
Uminom na ako ng gamot bago ako umalis pero hindi pa masiyadong umeepekto.
Hinugasan ko ang mga makopa at inilagay sa mangkok. Naglagay na rin ako ng kaunting asin sa platito.
Nang matapos ako ay dinala ko iyon pabalik ng sala at inilapag sa table. Inaya ko na rin sila ate Tere at ang iba pa para masaluhan kami.
"Ang tamis, Lean. Ang galing mo pa lang pumili," napatawa sila sa makahulugang pahayag ni ate Tere.
"Ikaw talaga, ate Tere. Palagi mo akong trip," parang mga nakakatandang kapatid na talaga ang turing ko sa kanila.
"Natutuwa kasi kami sayo, Lean. Napakaganda mo na, napakabait mo pa. Tama lang na maging pihikan ka sa pagpili ng mapapangasawa dahil hindi kami papayag na mapunta ka lang kung kanino." Napangiti ako at pinamulahan.
"Oo nga, anak. Karapat dapat lang na mapunta ka sa tamang tao. Huwag kang magmamadali sa pagpili." Napahawak ako sa noo ko at napatango kila nanay Ofelia.
I'm happy to know that they are concerned, knowing that I have people to ask when I need them.
"Yung katulad dapat ng senyorito Jesian mo o ng iba ko pang mga apo, Lean. Puwede mo silang gawin na standard." Bilin pa ng senyor.
Pinili ko na tumango na lang dahil kung ako ang tatanungin, pasok na pasok talaga ang senyorito Jesian at ang iba pa sa standard. Maging ang mga babae nilang kapatid. Higit pa nga yata sa standard.
"Alam niyo kasi, hindi ko rin inakala na tatanggapin ni Jesian ang alok ko na pagpapakasal," napatingin kaming lahat sa senyor.
"Sinubukan ko lang talaga dahil nakilala ko ang pamilya ni Celine at nakita ko na babagay siya sa kaniya. Noong pumayag siya nagulat talaga ako. Wala sa intensyon ko na pilitin siya kaya ang saya ko nang malaman na handa na rin siyang bumuo ng pamilya tulad ng mga kapatid. Matanda na ako at ang tanging hangad ko lang bago ako mawala ay ang makita na may maayos silang buhay at masaya sa piling ng mga taong mahal nila," nakaramdam ako ng kakaibang sakit nang makita ang ngiti ng senyor Alfredo.
"Noong itayo ko ang estate, pinangarap ko talaga na lumawak ito. Sumuong ako sa butas ng karayom para mapalago ang kumpanya. Lubos akong nagpapasalamat dahil binigay ang pagpapala na ito sa akin," tiningnan ng senyor ang bawat sulok ng mansiyon.
"Pero hindi ko inakala na ang mga taong naging dahilan ng tagumpay ko na ito ay maagang mawawala," gumuhit ang matinding kalungkutan sa mukha niya.
Napayuko ako.
"My wife died without me beside her, and my only son died without us having plenty of time together. Kung babalik ako sa nakaraan, nakahanda akong isuko ang lahat para sa kanila. Mas gugustuhin ko na gugulin ang oras ko para sa kanila kaysa sa trabaho. Namatay ang puso ko noong mawala sila sa akin, at ang tanging nagtatayo na lang nito ay ang mga apo ko," my heart is being squeezed while seeing a deep sadness in senyor's eyes.
"Huwag ho kayong magsalita ng ganyan, senyor. Sigurado ako na proud na proud sa inyo ang senyora Carolina at senyor Pablo. Naniniwala po ako na masaya sila ngayon habang nakikita kung gaano karaming tao ang natutulungan ng estate." Pagpapagaan ni nanay Ofelia ng loob nito.
"Naniniwala rin ako, Ofelia. Kahit papaano ay kaunti lang ang aking mga pagsisisi dahil nabigyan ko ng magandang buhay ang mga apo ko at nakatutulong ako sa iba. Kaya nga ngayon ay gusto kong ibuhos ang natitira kong buhay para sa mga apo ko. I believe they will continue a generation that will never be forgotten. They will shape a future where our family will always be remembered," pinilit niya na alisin ang lungkot sa sistema para ibalik ang sigla na palagi niyang dala.
While I'm listening to senyor Alfredo's story, I realize how deep his pain is. In spite of showing a positive character, there's a very big hole in his heart that can't ever be filled again.
"Kaya nga ang kasal na ito ni Jesian ay ang susunod na maisusulat sa kasaysayan ng pamilya. Hindi ba ang ganda lang, Lean apo?" Napalunok ako nang lingunin ako ng senyor.
Nagsimulang sumikip ang dibdib ko at manginig ang mga daliri ko.
"O-opo, senyor."
Tumawa ito.
"Nananabik na ako na makita sila na maikasal."
Ang bigat ng pakiramdam ko ay lalo pang bumigat dahil sa naging usapan namin.
Halos nangangalahati na ang buwan at kaunting panahon na lang ay ikakasal na ang senyorito at si Celine, at hindi ko pa rin alam ang gagawin ko hanggang ngayon.
Nagpahinga ako sandali at tumulong sa paglilinis.
Inutusan ako ni nanay Ofelia na palitan ang bedsheet ng senyorito Jesian nang sumapit ang dapit hapon.
Dala ko ang pamalit na bedsheet nang umakyat ako at pumunta sa kuwarto niya.
Yumakap sa akin ang pamilyar niyang amoy nang buksan ko ang pintuan.
Tulad ng palagi kong nadadatnan ay malinis at maayos ang kuwarto ng senyorito.
Sa lahat ng kuwarto at parte ng mansiyon na napuntahan ko, dito ako pinaka-komportable.
I did my job and changed the bedsheet on his bed. Inayos ko iyong mabuti at pinunasan na rin ang table niya kahit mukha pang malinis.
I couldn't help but stare at the pictures of their family. They were so happy back then. Kompletong-kompleto ang mga ngiti nila. Their happiness is so pure, now that their parents and their Angel died, there is a missing part in their smiles.
Mula sa mga pictures ay tumungo ang mga mata ko sa mga awards ng senyorito.
Pito na ang awards niya sa larangan ng medisina kahit na wala pa siyang isang dekada sa industriya. Patunay kung gaano siya kagaling.
Mas marami naman ang awards niya sa racing. Ang alam ko nasa kolehiyo pa lang siya nang mahiligan niya ang pag-race.
Napatitig ako sa picture niya kung saan malawak ang ngiti niya habang hawak ang diploma nang magtapos ng pag-aaral bilang isang doktor.
Napaka-aliwalas ng ngiti niya.
Napaka-guwapo.
My smile faded while looking at his photo when I heard the door open.
Bumukas ito at nagsara.
Lumalim ang paghinga ko nang lalong kumalat ang amoy ng senyorito sa buong kuwarto.
Dahan-dahan akong napalingon at hindi nga ako nagkamali nang makita ko siya na nakatayo sa pintuan.
Magulo ang buhok.Pagod at halatang kulang sa tulog.
Para bang maghapon nang may gumugulo sa isipan niya.
"S-senyorito, nakabalik ka na pala," ang aga naman yata niya ngayon?
Malamig ang mga mata niya at mukhang galit kaya napakagat ako sa labi ko.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay ibinaba ang mga gamit sa table.
"Why didn't you tell me yesterday was your off?" He sat down on the bed and crossed his arms.
"A-ano, hindi na kita ginising dahil alam ko naman na pagod ka. Pinasabi ko na lang," his jaw clenched.
"You have days before that to tell me, but you didn't," ang totoo sinadya ko talaga na hindi sabihin sa kaniya. Isa pa wala naman akong rason para sabihin talaga sa kaniya.
"Sorry na nga, senyorito. Sa susunod sasabihin ko na sayo. Nag-uwi naman ako ng makopa para sa inyo. Gusto mo dalhan kita?" Sinubukan ko na baguhin ang topic pero nanatili pa rin siyang seryoso.
Bakit ba kasi siya nagagalit?
"Come here," napahawak ako sa kamay ko at nagdalawang isip kung lalapit.
Nang makita ko na wala siyang kahit na anong reaksyon ay wala akong nagawa kung hindi humakbabang palapit sa kaniya.
"Bakit ba kasi, senyorito Jesian? May ipag-uutos ka ba?" Huminto ako ilang hakbang ang layo sa kaniya.
"Lumapit ka pa, Lean," hindi ko alam pero pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Pinagmasdan ko siya. Walang kurap siyang nakatingin sa akin.
"Magpapaalam na ako sa susunod, senyorito. Pasensya-"
"I said come here, Leandra." Putol niya sa sasabihin ko.Mas seryoso. Mas may diin.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin sa distansya namin.
Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang puso ko bago muling humakbang ng isang beses palapit sa kaniya.
"Fuck."
Nagulat ako nang bigla siyang mag-mura at abutin ang kamay ko para hilahin.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapakandong ako sa mga hita niya.
"S-senyorito Jesian!"
Sinubukan kong tumayo pero hinigpitan niya ang hawak sa baywang ko.Naramdaman ko ang pagkirot ng mga pasa ko pero mas ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
Naitukod ko ang mga palad ko sa dibdib niya.
Tiningnan ko siya sa mga mata kahit na alam kong pulang-pula na ako.He looked at me back, scrutinizing every corner of my face with the intention of reading deeper inside me.
"You make me mad, Lean. I cannot believe you make me mad," bumigat ang paghinga ko.
"How could you make me out of my shift this early?" Napakurap ako. Umalis siya ng shift? Kaya ba ang aga niya ngayon?
"S-senyorito, pasensya na." Napayuko ako.
Hindi ko alam kung nararamdaman ba niya ang panginginig ng mga kamay ko. Mabuti na lang talaga at makapal na jacket ang sinuot ko.
Sandaling huminto ang oras nang lalo siyang lumapit at pagdikitin ang mga pisngi namin.
He rubbed his cheek against mine as I felt his hands slowly hugging me.
Unti-unti kong naibaba ang mga kamay ko.
"I hate how you make me feel this way," I could also hear his deep breathing.
Sumakit ang dibdib ko sa bigat ng pagkakasabi niya noon.
"But I hate myself more for missing you this bad," hindi ko na siya napigilan nang hawakan ang pisngi ko at iharap ako sa kaniya.
Tinitigan niya ako sa mga mata bago pagdikitin ang mga noo namin.
"I miss you, Leigh."
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
RomanceHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...