Chapter 25- Help

1.3K 29 29
                                    

Dinama ko ang hampas ng hangin habang mahigpit na nakayakap sa baywang ni Jesian.

Mabilis ang takbo niya pero mas ramdam ko ang mabagal na paggalaw ng oras namin.

Sumandal ako sa likuran niya para pakinggan ang pagtibok ng puso niya.

Tiningnan ko ang kulay kahel na kalangitan at naramdaman ang payapa na pagtibok ng mga puso namin.

Inaya niya ako na magpunta rito sa track pagkatapos ng duty niya para makapag-ride kami.

Naramdaman ko ang pagod ko sa nagdaang linggo pero mas payapa ang pakiramdam ko habang naka-angkas at yakap siya ngayon.

We helped Diana's family with her burial and supported them during their loss. It's painful to lose someone who, even though you only spent a short time with, left moments that you'll remember for a lifetime.

I realized how hard Jesian and his fellow doctor's jobs are. They need to fight emotional breakdown, lalo na kapag kaharap o nawawalan sila ng mga pasyente.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Jesian sa braso ko nang unti-unti niyang pabagalin ang takbo niya at tuluyan kaming huminto.

Nauna siyang bumaba para matulungan ako.

Hinubad niya ang helmet niya at ganoon din ang ginawa ko. Nauna siya kaya tinulungan niya na rin ako na maghubad.

We smiled at each other.

Nagulat pa ako nang mabilisan niya akong halikan sa labi.

Unti-unti ko nang nakakasanayan ang mga sweet gestures niya, pero ang iba ay hindi ko talaga maiwasang magulat. Hindi naman ako naiilang, ang totoo ay kinikilig pa nga ako. Siguro nahahalata niya kaya palagi siyang nakangisi.

Mas naging caring siya lalo dahil wala nang pumipigil sa mga galaw namin. We can show each other what we truly feel.

Gayon pa man alam namin ang limitasyon.

"How are you feeling?" Pinagsalikop niya ang mga kamay namin habang naglalakad pabalik sa bench.

"Mas magaan na ngayon," he said, raising my arm to kiss the back of my hand.

Palagi ako ang tinatanong niya kahit na siya dapat ang tinatanong ko.

"How about you? How's your feeling?" Umupo kami sa bench.

Sumandal ako sa balikat niya habang pinapanood namin ang ibang mga riders.

"I feel better too," he held my leg with his free hand.

Sandali kaming natahimik. Animong pinapakiramdaman ang ihip ng hangin.

"Clarence was the first patient I lost," he said after a while.

Madalas talaga siyang mag-open kahit hindi ako nagtatanong, at masaya ako roon dahil unti-unti ko siyang nakikilala ng mas malalim.

"Just like Diana, he was strong. He fight his pain and think positively. Napalapit ako sa kaniya dahil marami siyang mga pangarap, malalim siyang mag-isip, at malapit sa mga taong nakapaligid sa kaniya,"

"Before the surgery, I promised him that he would be okay. He would be able to play with his friends again and go back to school, b-but I lost him. I broke my promise," I caress his arm when I hear the pain in his voice.

Ramdam ko rin ang sakit sa tuwing nagkukuwento siya.

"It was painful. Noong mawala kasi si Clarence, naalala ko ang pagkawala ng mga magulang namin at ni Mira, naghalo-halo lahat. Ngayon, naman si Diana," napataas ang tingin ko sa kaniya nang maramdaman ko na nabasa ang kamay ko.

Saving Love (Salguero Siblings Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon