Chapter 5- Hug

1.2K 29 18
                                    

"Enough!" Mabilis akong pumasok para sumunod sa senyorito at tumayo sa gilid.

Ang kaninang sigawan sa buong conference room ay napalitan ng katahimikan.

Senyorito Jesian's anger can be felt inside the room. Napalunok tuloy ako. Nakakatakot pala na makita na magalit ang senyorito.  

Tumabi ako sa mga empleyado na nasa gilid nang maglakad ang senyorito sa harapan para harapin ang buong administration. Natatandaan ko pa ang mukha ng iba.

"How could you say that to people trusting their lives in your hands?" Ramdam ko na pinipilit lang niyang maging kalmado.

"Sinasabi lang namin ang totoo, Dr. Salguero. A significant amount is going to charity patients because their numbers are increasing, it's almost matching the hospital's budget for purchasing materials and equipment. We're also running out of funds for seminars, and we have many machines that need upgrading. If we continue at this pace, we might face financial difficulties that could compromise the quality of care we provide. It's crucial that we reallocate our current budget to address these pressing needs." Nakita ko sa plate na nasa table na ang CFO ang nagsalita.

Ang alam ko parte ang senyorito ng board of directors. Ayaw niya na kumuha ng mas mataas na posisyon dahil gusto niya na mag-pokus sa paggamot ng mga pasyente, pero siya yata ang gusto ng senyor na pumalit dito.

"Isa pa nasasabi-sabi ito dahil hindi raw tayo nagiging patas sa mga pasyente. We have charities, but the other patients are costly paying." Dagdag pa ng COO.

Malinaw kong nakita kung paano gumalaw ang mga panga ng senyorito. Nilingon ko ang mga katabi ko na empleyado at napakurap ako nang makita na namamangha sila habang nakatingin kay senyorito Jesian habang nagagalit sa unahan.

"Do you know what exactly the meaning of charity, Dr. Vicenzo? Its helping less fortunate patients to be treated. What foolishness it is to speak of the lack of fairness between patients who cannot afford treatment and those who can pay to get treated? It's not anyone's fault for being born wealthy, just as it's not anyone's fault for remaining impoverished due to life's circumstances," tiningnan niya isa-isa ang mga tao na nakaupo sa harapan niya.

Tahimik naman ang CEO na pinapakinggan ang opinyon nilang lahat.

"Itinayo ng mga magulang ko ang charity care dahil naniniwala sila na walang pasyente na dapat tinatanggihan. Sino man ang naghahanap ng medikal na atensyon ay dapat binibigyan nito. We have the code of ethics to ensure that healthcare resources are distributed fairly and that all patients have access to care. We should always show empathy to patients, particularly those who are vulnerable or facing challenges. You're forgetting the heart behind why Salguero Hospital was established," hindi ko na rin mapigilan na mapatitig sa kaniya habang ipinaglalaban ang side niya.

"We are slowly losing the code of ethics you are saying, Dr. Salguero. Paano tayo makakapagbigay ng pantay na medikal na atensyon sa lahat kung kinukulang na ang ospital sa pera-" 

"Tumaas ang suweldo ninyo ng labing limang pursyento nang kausapin ko si lolo na pataasin ng sampung porsyento ang allocated na budget na ipinapadala sa ospital para sa dumaraming bilang ng mga charity patients. Kung tutuusin nga sapat lang ang mga natatanggap na donation ng ospital para sa kanila, pero ginawa ko iyon dahil nakiusap kayo na marami ng department ang humihingi ng upgrade para sa mga machines natin kahit halos kapapalit lang noong isang taon. As your salaries continue to increase, the salaries of our doctors, nurses, and staff who truly work hard in treating and caring for our patients remain fixed! Yet you have the audacity to tell me now that the hospital is running short on budget?!" Tumaas ang boses niya.

Naalarma tuloy ako kaya napalapit ako sa puwesto niya. Masama sa kaniya ang magalit at ma-stress. He needs to calm down.

"Sinasabi mo ba na kami ang dahilan kung bakit nauubos ang budget ng ospital, Dr. Salguero?!" Muntik na akong mapatalon nang sumigaw pabalik ang CFO.

Saving Love (Salguero Siblings Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon