Naalimpungatan ako sa pamilyar na amoy ng ospital.
Nag-adjust ang mga mata ko sa liwanag bago ko ito tuluyang maidilat.
Ramdam ko pa rin ang sakit at kirot sa katawan ko, pero mas magaan na ang pakiramdam ko at medyo nawala na ang sakit ng ulo ko.
Mula sa bintana ay nakita ko na madilaw na ang kalangitan, senyales na malapit nang dumilim.
Sinubukan ko na tumayo pero napatigil ako nang makita ko ang senyorito Jesian na naka-unan ang ulo sa gilid ng kama at natutulog.
He's holding my hand. The back of it in his lips.
My fingers involuntarily move. Hindi ko na itinuloy ang pag-upo.
Dahil sa suot ko na hospital gown ay nakita lahat ng latay sa magkabilang braso ko. Mukhang nilagyan ang mga iyon ng ointment at sinalinan ako ng iv dahil sa bulak na nakadikit sa kamay ko.
Tumagilid ako para mas makita ng mabuti ang senyorito.
He's sleeping peacefully, even though his brows are creasing.
Napabuntong hininga ako habang binabalikan sa isip ko ang mga nangyari.
Mukhang wala na akong takas.
Tinitigan ko ang senyorito at habang ginagawa ko iyon ay nagiging payapa ang isip ko at nawawala ang mga alalahanin ko.
Ang init ng palad niya ay parang ginagamot ang mga sugat sa katawan ko.
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang totoo. Ayoko nang magsinungaling.
Naramdaman ko ang pagpiga niya sa kamay ko at nakita ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata niya.
Our eyes met.
Tuluyan siyang nagising nang makita na nagka-malay na ako.
"Lean! How are you? Anong nararamdaman mo?" He released my hand to check on me.
"A-ayos na ako, senyorito," tinuloy ko na ang pag-upo at naging maagap siya para tulungan ako.
"Dahan-dahan lang. Your body is too bruised," naglagay siya ng unan sa headboard at doon ako pinasandal.
"Do you want water? Are you hungry?" Inayos niya ang buhok ko.
"Tubig na lang, senyorito," tinitigan niya ako sandali sa mga mata bago tumango.
"Alright," nagpunta siya sa table at nagsalin ng tubig sa baso.
"Here," inabot niya sa akin ang baso, kinuha ko iyon. Akala ko ay bibitawan na niya pero nanatili siyang nakahawak sa baso at umupo sa tabi ko.
Hindi na ako nakipagtalo nang tulungan niya akong uminom. Dahil sa uhaw ko ay naubos ko ang tubig.
"Do you want more?" Umiling ako.
My heart skipped when he wiped the side of my lips with his thumb.
Ibinalik niya ang baso sa table bago ako harapin.
Tinitigan niya ako sa mga mata at hindi katulad dati ay nagagawa ko nang matagalan ang tingin niya.
"P-puwede na ba akong bumalik ng mansiyon, senyorito? Maayos na naman ang pakiramdam ko. Sa mansiyon na lang ako magpapahinga," nauna na akong magsalita.
"You have to fully recover, Lean. Your body is swelling," napayuko ako.
"Hindi kasi ako komportable rito," I tell the truth. Mas gusto kong magpahinga sa quarters.
Hinawakan niya ang pisngi ko at itinaas ang ulo ko para magtama ang mga mata namin.
Tinitigan niya ako na animong binabasa ang kaloob-looban ko bago bumuntong hininga.
"Fine. I'll send you home." I smiled weakly.
"Thank you, senyorito Jesian." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.
Umigting ang mga panga niya nang muling makita ang mga pasa ko.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at halikan ako sa noo bago yakapin ng mahigpit.
"I'm glad that you are okay. I'm so damn worried. Please tell me what happened after you rest, hmm?" Hindi ko napigilan na mapakapit sa laylayan ng damit niya.
Tumango ako at sumandal sa balikat niya.
It's too comfortable in his arms.
It's a healing place.
Siya mismo ang nagsuot ng jacket sa akin pagkatapos kong magbihis.
He did that carefully and so gently. Hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig ng mga mata niya habang nakatingin sa mga latay ko dahil pawang itinatago niya ang emosyon.
Kung dati ako ang nakaalalay sa kaniya, ngayon siya naman sa akin.
Sinabi ko na ako na ang magbabayad ng bills ko pero ang sabi niya huwag ko na raw iyong isipin.
We didn't even go to the cashier.
Dumiretso kami sa kotse niya kung saan niya ako pinagbuksan ng pintuan.
He didn't leave my side. Nakakapit lang siya sa kamay ko at naka-alalay. Gustuhin ko man na pigilan siya, wala akong lakas para gawin iyon.
"Yeah, we're going home. Intayin niyo na lang kami." I heard him when he answered his phone.
Ibinaba rin niya iyon pagkasabi at nagmaneho.
"P-puwede mo nang bitawan ang kamay ko, senyorito." Naramdaman ko na ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa kakaibang kiliti na ibinibigay ng mga palad niya.
Imbis na sundin ako ay mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"I have no reason to do that, Leigh." Hindi ako nakasagot nang ipatong niya ang magkahawak naming kamay sa binti niya.
Pasulyap-sulyap siya sa akin habang nagmamaneho. Alam ko na marami siyang gustong itanong at sabihin pero pinipigilan lang ang sarili.
"Tell me when you feel uneasy or your body aches again. You might feel lightheaded, so you have to take a rest," tumango ako.
"Assured me, Lean," hindi ko napigilan na mapangiti.
"Opo, senyorito." Napatawa rin siya.
"Good."
Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating ng mansion, pero sa katahimikan na iyon at sa init ng palad niya, naramdaman ko na lalong gumaan ang pakiramdam ko.
Nakaabang sila ate Tere sa pintuan ng mansion pagkarating namin.
"Lean! Kamusta na? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Ano ba ang nangyari?" Akala ko ay bibitawan na ako ng senyorito pero nanatili siyang naka-alalay.
"Maayos na po ang pakiramdam ko, ate Tere." Ngumiti ako para makampante sila.
Mabuti na lang at pinahiram sa akin ng senyorito ang jacket niya.
"Sino ba ang gumawa sa iyo nito, anak? Iyon bang landlord ninyo?"
"Jusko, Lean. Bakit hindi ka nagsabi? Dapat tinawagan mo kami para may resbak ka."
"Dapat doon ay makulong. Nasaan na ba siya ngayon?"
Ilan lang iyan sa mga tanong nila habang papunta kami sa sala.
Napayuko ako nang makita ko na kumpleto ang pamilya na naghihintay sa pagdating namin.
"Ate Lean! Kamusta na? Okay lang ba na umuwi ka agad? Pupuntahan ka na sana namin." Nakabihis nga silang lahat at halata na nakahanda na sa pag-alis.
"Hindi kasi ako komportable sa ospital, senyorita London. Mas gusto ko sa quarters magpahinga," lumapit din sila senyorita Yanna at tinulungan ako na makaupo sa sofa.
Tuluyan na akong nabitawan ng senyorito Jesian.
"Sigurado ka ba, Lean?" Tanong ng senyorita at umupo sa tabi ko.
"Opo," kinagat ko ang labi ko nang lahat sila nakatingin na sa akin.
Nahihiya ako sa nangyari at sa nangyayari.
Umupo ang senyorito Jesian sa table sa harapan ko imbis na sa sofa.
"Are you okay to talk now, Lean? Gusto mo ba na magpahinga muna?" Inilingan ko si senyorita Samara.
"Ayos lang po, senyorita. Nakapagpahinga naman na po ako sa ospital," tumingin siya kay Jesian.
"Uh, we're the ones who changed your clothes in the hospital, Lean. We saw your bruises. Ano ba ang nangyari? Nabanggit nila nanay Ofelia ang tungol sa landlord niyo? Siya ba ang may gawa nito?" Kinagat ko ang labi ko.
Pinaglaruan ko ang mga palad ko dahil hindi ko alam kung paano magsisimula.
I don't want to lie to them anymore.
"Huwag kang matakot, hija. Poprotektahn ka namin." Pagpapalakas ng senyor ng loob ko.
Nagsimulang uminit ang mga mata ko nang tingnan ko sila bawat isa at huminto ang mga mata sa senyorito Jesian na malambot ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"H-hindi po ang landlord namin ang gumawa nito," nanginig ang boses ko.
Nagkatinginan sila.
"S-s-si papa po," pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagsinghap nila.
The living room was filled with exclamations and negative reactions. Itinaas ko ang mga mata ko at tingnan ang senyorito Jesian na siyang nagpapakalma ng sistema ko.
His jaw is clenching and his hands turned into fist.
"A-ang papa mo?! How could he do that?!" Senyorita Yanna exclaimed.
"Diyos ko, paano niya nakayang saktan ka hija?!" Napahawak pa sa batok ang senyor.
Pinunasan ko ang mga luha ko.
"H-he's my stepfather po. Iniwan si mama ng tunay kong ama nang mabuntis ito. Nakilala ni mama ang stepfather ko at nag-live in sila. When mama died he started hurting me," naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko.
Halo-halong galit ang narinig ko kila nanay Ofelia para kay papa.
Then someone hold my hand.
Nagtaas ako ng tingin at nakita ko na naka-luhod ang senyorito Jesian sa harapan ko.
"W-why didn't you tell us, Lean? When you went home after your day off, you're wearing a jacket. Did he hurt you that time?" Nahimigan ko na pinipigilan niya ang galit.
Lalong nag-init ang mga mata ko.
This is the first time I heard him statter.
The first time I heard him this weak.
I did my best not to sob when I nodded.
Umigting ang panga niya at lalo silang nagalit.
"He deserve to rot in prison! Nasaan na siya, Lean?! Tell us!" Senyorita Yanna is furious.
"If he doesn't want you, he should have let you go! What the hell?!" Pilit siyang pinapakalma ni sir Duke.
"Nasa prisinto na po siya, senyorita Yanna. Tinulungan po ako ng mga kapitbahay namin," pinili ko ang mga salita na hindi masiyadong magdudulot ng pangamba sa kanila.
"Do you mind if I ask how long has it been since your mother died, Lean?" Puno ng awa ang boses ng senyorita Sabel nang tanungin ako.
Mama died when I was in my second year of college.
"Halos pitong taon na rin po, senyorita," lalong humigpit ang kapit ng senyorito Jesian sa kamay ko.
His eyes darkened.
"Fuck." I heard him cuss.
"Kung gayon pitong taon ka na rin niyang sinasaktan?" Senyorita asked in shocked.
"T-tuwing day off lang po ako umuuwi ng apartment," hinagod ng senyorita Samara ang likuran ko.
"I'm sorry you have to go through all that. I'm sorry I didn't notice," inilingan ko ang senyorito Jesian at hinawakan ang kamay niya pabalik.
"Wala kang kasalanan, please don't blame yourself," personal ko na buhay ito, pero heto at nadadamay sila.
I can't believe that they will be this open to me.
Huminga ako ng malalim at pilit tinatagan ang loob ko.
"Hindi po ako umalis dahil siya ang bumuhay sa amin ni mama nang iwanan kami ng tunay kong ama. Hindi man po niya ako tanggap, binuhay niya pa rin ako at nakita ko na minahal niya ng totoo si mama. Gusto ko po na tumanaw ng utang na loob, umaasa rin ako na matatanggap niya ako," I urgently wipe the tears from my cheek.
"Pero hindi. Ito po ang pinakamatindi niyang pananakit, pasensya na po kayo kung nadamay pa kayo," pupunasan ko na sana muli ang mga luha ko nang maunahan ako ng senyorito Jesian.
His eyes are filled with pity, anger, and pain.
"Huwag mong sabihin iyan, anak. Narito ka sa loob ng mansiyon kaya pamilya tayo," nilingon ko ang senyor.
"I-iyon nga po, senyor. Noong dumating po ako rito nakatagpo ako ng bagong pamilya. Salamat po dahil muli niyong ipinaramdam sa akin na magkaroon ng isang pamilya. Sa kabila po ng sakit nagpapasalamat ako na hindi niyo ako itinuring na iba. Sa lahat po ng napasukan ko na trabaho dito ko lang po naramdaman na hindi ako mababang tao," mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ng senyorito.
"This is my second life po, actually," tiningnan ko sila ng direkta sa mga mata.
"I survived my first life during my high school days. Noong mamatay po si mama parang nawala na rin po ang buhay ko dahil sa mga nangyari at naranasan ko, pero noong mapunta po ako rito, nagkaroon po akong muli ng pangalawang buhay dahil binigyan niyo po ito ng kulay," hinarap ko ang senyorito Jesian at tiningnan ng diretso sa mga mata.
"Hindi ko po talaga inakala na matatagpuan ko ang panibagong buhay sa pamilya rin na nagligtas ng unang buhay ko," napasinghap sila.
Senyorito Jesian's eyes dilated.I want to reveal my identity. The true reason to why I enter their family and doesn't want to leave anymore.
"Y-you mean, ate Lean?" Tiningnan ko ang senyorita London at tinanguan.
Kasabay ng di maawat na pagpatak ng mga luha ko, sinabi ko ang bagay na matagal ko na talaga na gustong sabihin sa kanila.
"I'm one of the survivors from the bus senyor Pablo and senyora Ana saved."
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
RomanceHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...