Leigh.
Leigh.
Leigh.
Si mama lang ang tumatawag sa akin ng Leigh. Kinuha raw niya ang pangalan ko na Leigh sa isang kaibigan na tumulong sa kaniya noong iwanan siya ni papa.
Ang tagal na rin simula noong may tumawag sa akin ng Leigh, pitong taon nang wala si mama. Pitong taon na rin na walang tumatawag sa akin.
When senyorito Jesian called me that, I suddenly felt mama's presence. Until now, his voice saying my second name is still echoing in my mind.
"Fasten your seatbelt," sinabi ng senyorito pagkasakay ng sasakyan niya.
Chrysler ang brand ng kotse na ginagamit niya sa trabaho. Mayroon pa siyang isang Ferrari at dalawang motorcycle na ginagamit naman sa racing.
Ngayong araw ang balik niya sa ospital. Gusto ng senyor na kahit isang linggo pa ay mabantayan muna siya. Hindi na siya umiika pero nag-aalala ang senyor na mapabayaan na naman nito ang kalusugan.
Nag-aalala kasi ito na baka raw maudlot na naman ang kasal.
Halos isang oras nga siyang kinukulit ng senyor para mapapayag. Nagbanta lang ito na siya mismo ang sasama rito sa trabaho kapag hindi pumayag na mabantayan ko siya.
Nilingon ko siya at nakita na naka-kunot pa rin ang kilay niya.
His side view is so manly. Mas nakita ko ang hubog ng panga niya at tangos ng ilong.
Medyo natatakpan ng bangs ang noo niya, pero malinaw ko na nakikita ang bawat anggulo ng mukha niya.
Kahit saang dako yata guwapo ang senyorito.
"Huwag kang mag-alala, senyorito Jesian. Pipilitin ko na hindi maging abala sayo," alam ko naman kung gaano siya kaseryoso pagdating sa trabaho.
I saw how his jaw moves when he looks at me.
"Kailan ko sinabi na naging abala ka, Lean?" Kalmado ang boses niya pero lalong kumunot ang kilay.
"Wala naman, pero mukhang ayaw mo na talaga na bantayan kita. Nasasawa ka na yata sa mukha ko," tumawa ako para pagaanin ang mood niya pero nanatili siyang seryoso.
Napakamot tuloy ako sa noo.
"I-" humigpit ang hawak niya sa wheel.
"I just don't want lolo's way of thinking about the wedding, okay? Makakapaghintay naman ang kasal, pero ang buhay ng mga pasyente ko, hindi. It has nothing to do with you, Lean," he now looks frustrated.
Napansin ko nga nitong nakaraang mga araw na palaging nakakunot ang noo niya. Sinasabi rin nila nanay Ofelia na parang may gumugulo sa kaniya.
"Naiintindihan kita, senyorito Jesian, pero intindihin mo rin sana ang senyor. Gusto lang niya na magkaroon ka ng masayang buhay," tsaka hindi ba pumayag naman siya na magpakasal?
"I understand lolo, I just don't want to rush things," unti-unting naging kalmado ang pagkunot ng kilay niya.
"Don't think about not wanting you to take care of me whenever I'm declining lolo's offer. Lean, komportable ako sa alaga mo," ako naman ang parang nagulo ang isipan.
Nag-iwas ako ng tingin at umayos ng upo.
"Hindi naman ganoon ang naiisip ko, senyorito Jesian. Naiisip ko nga na baka ang senyor talaga ang gusto mo na mag-alaga sayo," tumawa ako para tanggalin ang namumuong pagka-ilang.
"You're scaring me, Lean," hindi na rin niya napigilan na mapatawa.
Alam ko naman na kahit anong mangyari hindi niya hahayaan na magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng senyor Alfredo.
"Bakit naman? Ayaw mo ba na alagaan ka ng senyor? O gusto mo si ma'am Celine ang mag-alaga sayo?" Natigilan ako. Maging siya napahinto rin sa pagtawa.
Hindi ko alam kung bakit ko naitanong iyon.
"Why? Ayaw mo na ba akong alagaan?" Muling nagbalik ang kunot sa kilay niya.
"Siyempre gusto!" Napalunok ako.
"A-ano lang naisip ko na kapag si ma'am Celine ang mag-aalaga sayo, mas makikilala niyo pa ang isa't isa, pero alam ko naman na busy siya sa trabaho kaya ayun," humina ang boses ko.
Teka?
Ano ba ang problema kung si ma'am Celine ang mag-alaga sa kaniya? Hindi ba engage na naman sila?
"Sino ba ang narito?" Sinulyapan niya ako.
Napaturo ako sa sarili ko.
"Ako?"
"Exactly. Ikaw. That's why you should be the one to look after me." Napakamot ako sa noo ko.
Ang hirap niyang kalingain sa totoo lang.
Hindi na siya nagsalita matapos noon hanggang marating namin ang ospital.
Ang moody niya ngayon.
"Wait here." Bago ko pa siya malingon ay nakababa na siya ng sasakyan.
Umikot siya para pagbuksan ulit ako ng pintuan. Napakamaginoo. Kasambahay lang naman nila ako at hindi na niya ako kailangan pa na pagbuksan ng pintuan pero ginagawa pa rin niya.
Kinagat ko ang labi ko at tinanggal ang seatbelt pero hindi ko nagawa.
Tama naman. Bakit ayaw?
Sinubukan ko na mas diinan pero ayaw pa rin.
"You're lacking nutrients, Lean." Nagulat ako nang hawakan ng senyorito ang daliri ko at siya mismo ang magdiin noon.
Konting puwersa pa pala.
"You can't even unbuckle-" napahinto siya at ganoon din ako nang makita namin kung gaano kalapit ang mukha sa isa't isa.
Umakyat ang init sa mga pisngi ko at naramdaman ko na naman ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Mukhang kailangan ko na yatang magpa-check up sa kaniya.
Bumaba ang tingin niya kaya napatikhim ako.
"Kinulang lang ako sa diin, senyorito. Grabe ka naman. Batak kaya ang katawan ko." Tumaas kilay niya at napangisi.
"Mukha nga." Lumayo siya kaya tuluyan akong nakababa.
"You're teasing me, senyorito! I tell you, I'm stronger than what you think." Dipensa ko.
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
RomansaHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...