Nagising ako na ang unang bumungad sa mga mata ko ay si Jesian.
Basa pa ang buhok niya at namumungay ang mga mata.
"Good morning, love," napangiti ako nang halikan niya ako sa labi.
"Good morning, love. Nakauwi ka na pala," tatayo na sana ako nang bigla siyang humiga sa tabi ko.
Kahapon siya ng tanghali umalis.
"How's your sleep? I'm still sneaking in kisses, but I think you wanted to see me so much that you woke up early," my eyes and smile grew wide in disbelief.
"Nahiya naman ako sayo na rito agad dumiretso, love," napatawa siya at muli akong hinalikan.
Pumasok siya sa kumot ko at niyakap ako para isiksik ang sarili sa akin.
"Saan pa ba ako didiretso? You are my home, Lean. I miss you so much, I miss your smile, your voice, your smell, your lips, I miss my Leandra," napatili ako nang paulanan niya ako ng halik sa buong mukha ko.
"Ang OA mo Sebastian ha, kahapon lang tayo ng tanghali huling nagkita at kagabi mo lang huling beses na narinig ang boses ko noong tumawag ka," napatawa rin siya sa sarili.
"I always miss you whenever you're not in my sight. Hindi mo ba ako na miss?" He pouted, and I almost kissed him when I saw how cute he was.
"Hindi siyempre," my laugh was in stitches when he pouted even more.
"Ang sakit mo naman, love," lalo niyang idinikit ang sarili sa akin.
Natatawa ko na hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Hindi kita namiss kasi miss na miss na miss kita," pagtatama ko.
I crush our noses.
Napangisi siya at unti-unti iyong lumawak.
"Pinapakilig mo naman ako, love," muli akong napatili nang buhatin niya ako at ipaibabaw sa kaniya.
"Jesian!" Pinalo ko siya sa dibdib.
"Mabuti pa matulog ka na or kumain ka muna ng breakfast, ipagtitimpla kita ng kape," ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"Cuddle muna. Sabay na tayong magbreakfast," lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Tutulungan ko sila nanay Ofelia na magluto, Jesian," nakakakahiya ilang araw na akong late na nagigising.
"They're almost done, Leigh," inilagay niya sa likod ng tainga ko ang takas na mga buhok na humarang sa mukha ko.
"You're not a maid anymore, you're now my girlfriend," paalala niya.
Sandali kaming nagkatitigan.
I sighed and rested the side of my head on his chest, listening to the rhythm of his heart.
"Alam ko naman iyon, pinagbabawalan na nga ako nina nanay Ofelia at lolo Fred, kaya lang nakasanayan ko na kasi ang mga ginagawa ko rito sa mansiyon. I just want to help at least," hindi ako sanay na walang ginagawa. Naninibago ako, at kahit na girlfriend pa niya ako nahihiya pa rin talaga ako.
Naramdaman ko ang pagsuklay niya ng buhok ko gamit ang kamay niya.
"You've worked enough, Lean. I want you to enjoy life... with me," napatingala ako nang maramdaman ko na bumaba ang palad niya sa braso ko.
His hand slid down my arm, grazing my skin and tracing over my old bruises as if he had memorized them.
"I love you and I want to give you the world you deserve. I know you are strong, but I still want to be your strength. My life has revolved around the hospital and the track, and I've been content there. I'm blessed by God's grace and deeply thankful, but I've been questioning what to do with what I have. It wasn't until you came along that I realized I want to give you everything," kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
RomanceHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...