Namamanhid at sobrang sakit ng katawan ko nang magising ako.
Tiningnan ko ang kabuuan ko at nakita na punong-puno ng pasa ang katawan ko. Karamihan sa mga ito nangingitim na. Lalo na iyong malalakas ang pagkakahampas.
"Lean! Gising ka na pala!" Mabilis akong nilapitan ni aling Win para tulungan akong tumayo.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, hija? Nilagyan ko ng yelo at ointment ang mga pasa at sugat mo pero kailangan mong magpunta ng ospital para mapatingnan ang mga iyan," napatingin ako sa mga gamit ko na nasa gilid ng kuwarto.
"N-nasaan na po siya?" Nanghihina kong tanong. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang boses ko kaya aabutin ko na sana ang tubig sa lamesa nang maunahan ako ni aling Win at tulungan na uminom.
"Dinala ang walang hiya sa prisinto, Lean. Huwag mo na siyang isipin. Tuluyan ka na niyang itinakwil nang gawin niya ito kaya kalimutan mo na rin siya. Wala kang kasalanan kung mabulok man siya sa bilangguan. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sayo," ramdam ko ang galit sa boses niya.
"Si Lili po?" Ibinalik niya ang baso sa table.
"Naku isa pa iyong maldita. Wala man lang pakialam sa nangyari, gusto ka pa ngang sisihin, ipinagtabuyan ko na at bahala na rin siya sa buhay niya," sinubukan kong igalaw ang mga binti ko pero nararamdaman ko ang panginginig at sobrang pagkirot ng mga iyon.
"Puwede po ba akong makahingi ng gamot?" Sumasakit din kasi ang ulo ko.
Napatingin ako sa orasan at nakita ko na mag-aalas kuwatro na.
Ganon kahaba ang naging tulog ko?
"Aba'y kumain ka muna, anak. Malapit nang maluto ang lugaw. Ihahanda ko na rin ang gamot," tiningnan ko siya sa mga mata at nginitian.
"Maraming salamat po sa tulong, aling Win." She looked at me poorly and hugged me tightly. I feel my wounds aching, but I don't mind.
It's warm.
"Magpakatatag ka, hija. Mananagot din ang hayop na iyon. Marami kaming titistigo para sa iyo." She rubbed my back, and I feel at ease knowing that.
Nagpaalam ako sa kaniya na maliligo muna. Kailangan kong makabalik sa mansiyon dahil tiyak na nag-aalala na sila nanay Ofelia.
Hindi ko mapigilan na mapadaing sa pagdaloy ng tubig sa katawan ko. Kasabay ng pagtulo ng tubig ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko.
I looked at myself in the small mirror in their bathroom, and I couldn't help but to pity myself. I don't recognize my body.
Walang mapaglagyan ang mga latay ko.
Hindi ko akalain na magagawa sa akin ito ni papa.
This is the worst.
I don't know if I can see him again. Pagod na ako at ayoko nang subukan na baguhin ang pagtingin niya sa akin. Dahil sa nangyaring ito, ipinakita niya lang na imposibleng mangyari iyon.
I hugged myself as the water continued to drip into my body, silently praying that mama was not blaming herself for what was happening in my life.
Parang isang bangungot ang nangyari sa akin sa mga nagdaang taon. Hindi ko alam na ganito na ako pinatibay ng mga bugbog ni papa.
I reach for the traces of scars in my body. Most of them are still visible because it hasn't been long since they were made.
Ang maputi at makinis kong kutis ngayon ay pina-itim na ng mga pasa at sugat ko.
Kahit na masakit at sobrang hapdi ay sinikap ko na tanggalin ang namuong dugo sa mga sugat ko.
I needed to go back to the mansion. Ayoko na magdulot ng pangamba sa kanila.
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
RomanceHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...