Pasado ala una na pero hindi pa rin ako makatulog. Wala pa rin si Jesian dahil may tinatapos siya sa ospital. Hindi ko alam kung anong oras siya uuwi.
Kinausap ako ni lolo Fred kanina at sinabi niya na hindi ko kailangang magtagal pa sa mansiyon para pasalamatan sila sa kabutihan nila, sinabi niya na masaya sila na makakasama ko na si papa.
Kaya kanina ay inimpake ko na ang mga damit ko. Dito pa rin ako sa guest room tumutuloy.
Napatayo ako nang kahit anong pikit at pagtagilid ko ay ayaw talaga akong dapuan ng antok.
Hindi maalis sa isip ko si Jesian. I want to talk to him badly. Ayoko naman siyang istorbohin dahil alam ko na abala pa rin siya sa pag-aasikaso ng mga bagay sa ospital.
I have this feeling that everything seems to be moving so fast, but thinking about how long I got separated from papa made things easy to follow.
I'm just worried about Jesian's feelings. Isa pa alam ko na maninibago ako. Nasanay kasi ako rito sa mansiyon at sa araw-araw kong buhay.
Tumayo ako at tiningnan ang maleta ko na nasa gilid ng kama. Kaunti lang ang damit ko na narito at ang ilang gamit ko ay nasa bahay pa nila aling Win, kaya lang ay sobrang daming damit ang ibinigay ni ate Yanna kaya kinailangan ko ang maleta.
Nagpabalik-balik ako sa loob ng kuwarto.
Gusto ni papa na pag-aralin ako kapag magkasama na kami, masaya ako na matutuloy ko ang pag-aaral ko, pero alam ko na mas lalo kaming mawawalan ng oras ni Jesian para sa isa't isa.
Papa also wants to teach me about the company.
Hindi ko alam ang susunod kong gagawin sa totoo lang. Ang laking pagbabago nito sa buhay ko.
Napabuntong hininga ako bago muling humiga sa kama. This time pinilit ko na talaga na makatulog dahil sumasakit na ang ulo ko sa pag-iisip.
I need to consider both Jesian and papa in my decisions. Nahihirapan ako dahil ayoko na maging malungkot kahit isa sa kanila sa desisyon na gagawin ko.
Dahil na rin siguro sa tagal ko na hindi makatulog at dami ng iniisip ko ay unti-unti na akong dinalaw ng antok.
As sleep finally was about to succumb me, I felt someone hug me from the back.
Nagising muli ang diwa ko nang yakapin ng amoy ni Jesian ang buong guest room.
Hindi ko namalayan na pumasok siya dahil kinakain na ako ng tulog.
Mabilis akong napaharap sa kaniya.
"Jesian, nakauwi-" I was halted when I saw how exhausted he is.
Nawala ang excitement ko.
The bags under his eyes are darker. His hair is untidy, and his polo is crumpled. Matamlay ang mga mata niya habang diretso na nakatingin sa akin.
"I miss you," una niyang sinambit gamit ang paos na boses at niyakap ako ng mas mahigpit.
Parang kusang gumalaw ang mga kamay ko para hawakan siya sa pisngi.
"How's your day?" I fix his bangs that's blocking his beautiful eyes.
"It was good," ngumiti ako.
"How are you?" More than anything else, that's what I want to know.
These past few weeks, he's been trying to hide and keep to himself all the hardships and difficulties he's holding.
I know the last month put a heavy pressure on him.
Ayaw niya na mabahala at mag-alala kami, lalo na ako kaya sinasarili na lang niya ang mga bagay.
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
RomanceHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...