Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagputol ng senyorito sa kasal nila ni Celine.
Most of the articles about him are not good. Pinapalabas ng pamilya nila Celine na nagloko ang senyorito at pinagpalit ito sa isang katulong, at alam ko na ako ang tinutukoy nila.
They even stated that senyorito was supported by his family to disrespect them and throw the marriage that easily. That they humiliated their family.
Dahil noon pa man ay marami na ang hindi magagandang balita ang lumalabas sa pamilya Salguero, napalala pa ito ng nangyari.
There are several people who do not believe in Celine's family. Mga tao na kilala ang pamilya Salguero, but it still damages their reputation because Celine just shows herself pitiful.
Sobrang aga na umalis nang senyor kanina, sinundo siya ng senyorito Royse at nagmamadali silang umalis. Ang sabi nila kuya Victor ang dami raw na problema ngayon sa estate, lalo na sa ospital.
Hindi pa nga umuuwi ang senyorito Jesian. Kahapon ng tanghali siya umalis at malapit nang mag-gabi ay wala pa rin siya. Ganoon din ang senyor at ang mga apo niya. Kami lang na mga kasambahay ang narito sa mansiyon.
I know nanay Ofelia and the others are worried so much, and I feel very guilty.
They say it's not my fault, and I believe them, but somehow, there's still a part of me that feels it's my fault, which makes me guilty.
Tulala kami nila ate Tere nang marinig namin ang tunog ng telepono. Napatayo kami ng biglaan. Si ate Toni ang pinakamalapit kaya siya ang nakasagot ng tawag. Lumapit kami sa kaniya.
"Opo, naiintindihan ko po. Nag-aalala po kami, senyor. Sige po, sasabihan ko po sila."
Sinabi ni ate Toni habang kausap ang senyor sa kabilang linya.
Sandali pa niya itong pinakinggan bago magpaalam at ibaba ang tawag.
May lungkot sa mga mata niya nang tingnan kami.
"Baka raw bukas pa makauwi ang senyor at senyorito Royse dahil hindi pa nila naaayos ang problema sa Singapore. Ganoon din ang senyorito Cassian, siya ang nag-aasikaso ng opisina. Kaya pupunta rito ang senyorita Samara kasama si baby Daven at senyorita Sabel. Hindi rin daw makakauwi ang senyorita Yanna at sir Duke dahil tinutulungan nila ang senyorito Cassian sa estate, maging ang senyorita London nasa Palawan para ayusin ang ilang bagay," hindi ko napigilan na lalong mag-alala dahil sa mga sinabi ni ate Toni.
"A-ang senyorito Jesian daw?" Tanong ko.
Ate Toni's eyes became more worried.
"Hindi rin daw makakauwi ang senyorito Jesian. Tina-target daw ng pamilya nila Celine ang ospital. Gusto nilang matanggalan ng lisensya ang senyorito Jesian. Ginagamit daw nila ang history ng senyorito."
Nanghina ako sa narinig. Sumikip ang dibdib ko. H-hindi puwede, hindi puwedeng matanggalan ng lesensya ang senyorito. Ang pagiging doktor ang sentro ng buhay niya, kung mawawala iyon sa kaniya sigurado na hindi niya kakayanin.
"Hindi ko inakala na magagawa ito ng pamilya nila Celine. Sumosobra na sila," nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni nanay Ofelia.
"Alam ko at nasaksihan ko kung gaano naghirap ang senyorito para makuha ang lisensya niya. Dugo at pawis ang pinuhunan niya. Buhay niya ang pagiging isang doktor." My hands started shaking. I bit my nail to lessen the anxiousness I'm feeling.
"Magtiwala lang tayo sa senyorito Jesian, nanay. Malakas siya at naniniwala ako na hindi siya mapapatumba ng pamilyang iyon. Kahit kailan hindi nananalo ang kasamaan." Tiningnan ako ni ate Toni.
"Inutos nga rin pala ng senyor na dalhan mo ng hapunan ang senyorito, Lean." A sudden adrenaline rush in my system.
Tinulungan ako ni nanay Ofelia na ilagay sa mga lunchboxes ang pagkain na dadalhin ko para sa senyorito.
Dinamihan na namin dahil pareho naming nararamdaman ni nanay Ofelia na maghapon nang hindi kumakain ang senyorito. Maging ang kalusugan nito napapabayaan na niya.
Nagbihis lang ako ng mabilis at sumakay sa kotse dahil si mang Edgar ang maghahatid sa akin.
Mabilis lang kami na nakarating. Nagpaalam ako kay mang Edgar at sinabi ko na tatawag na lang ako kapag pauwi na ako.
Kakaiba ang aura ng ospital pagpasok ko. Tahimik ang lahat, maging ang mga pasyente parang nagpapakiramdaman. The doctors seems to be thinking about a lot of things.
Kumpara sa maingay at abala na ospital noong huling punta ko, parang walang gaanong dumarating na mga pasyente.
Bumigat ang pakiramdam ko at hindi maalis ang senyorito Jesian sa isip ko habang umaandar ang elevator.
Dumiretso na ako sa opisina niya.
Pagdating ko ay hindi ko naabutan ang secretary niya kaya kumatok ako ng ilang beses sa pintuan pero walang sumagot.
Sinubukan ko na buksan ang pintuan at bumukas naman ito. Siguro ay nasa meeting pa siya.
Pumasok ako sa tahimik niyang opisina. Nakita ko ang tatlong matataas na bunton ng mga folders at papel sa lamesa niya.
I put down the paper bags on the sofa table at nagpunta sa table.
I tried looking for his schedule, but I found nothing.
Lalong sumikip ang dibdib ko.
Inayos ko ang mga nagulong gamit sa table niya bago bumalik sa sofa at maupo.
I waited for minutes, hour, and hours.
Nang sumapit ang alas nueve ay napatayo na ako at hindi napigilan na magpabalik-balik.
I was supposed to get out and go look for him, but I stopped on my feet when the door opened and senyorito's signature filled the room.
Nagtama agad ang mga mata namin.
I saw how his iris moved out of surprise to see me inside.
He looked like a mess.
Ang gulo ng buhok niya. Lukot na rin ang suot niyang white coat at halata sa itsura na pagod na pagod.
"Senyorito," I tried my best to act natural and not break my voice.
"I-inutos ng senyor na dalhan ka ng dinner," I bite my lips.
Tinitigan niya ako. His eyes seem to be screaming for something.
Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa harapan ko.
"Leigh," his hoarse voice squeezed my heart.
He grabs my waist and hugs me tightly. Napatingala ako para pigilan ang mga luha nang ibaon niya ang mukha sa leeg ko.
I raise my hands and hug him back. I gently caress the back of his head.
"If there's something I could help with, please tell me," ayoko na manood lang.
If there's something I could do, I wouldn't hesitate to do it.
"Can you give me strength? That would be a great help," I rested my chin on his shoulder.
"How can I do that?" My voice broke.
"This. Just hug me like this." He tightens his embrace, so I am.
Hindi ako nagsalita at nanatili sa mga bisig niya. I could feel his heavy breaths in my neck.
Nanatili kami sa ganoong posisyon ng halos dalawang minuto bago lumuwag ang mga yakap niya at tuluyan akong pakawalan.
"Para gumana ang energy, kailangan mo nang kumain, senyorito," napangiti siya at tumango.
Naupo kami sa sofa. Tumabi siya sa akin.
"Medyo lumamig na ang mga pagkain," sinabi ko habang binubuksan ang mga lunchboxes.
"Kanina ka pa? Why didn't you call me?" Umiling ako.
"Kanikanina lang din. Ang lakas kasi ng aircon. Alam ko naman na darating ka kaya naghintay na lang ako," natigilan siya.
His eyes softened.
Ngumiti ako at ibinigay sa kaniya ang kutsara.
"Kain ka na," kinuha niya ang kutsara ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.
"Have you eaten?" Nagmadali akong pumunta rito kaya hindi na ako nakakain.
"Pag-uwi ko na lang ako kakain. Busog pa naman ako,"
"This is too much. Saluhan mo na ako," kinuha niya ang kanin at nilagyan ng ulam.
"Isa lang ang dala ko na kutsara at tinidor," bigla siyang napangisi at ibinaba ang tinidor.
"Not a problem," nanliit ang mga mata ko.
Sumandok siya ng kanin at ulam at hinarap sa akin.
"Senyorito Jesian," I said in a low voice. I could feel my cheeks heating.
Lalo siyang napangisi.
"Come on, Lean. I have no contagious disease," my jaw almost dropped.
"What if I have?"
"That's okay." Walang pag-aalinlangan niyang sagot.
I give him an 'Are you sure?' Look, but he just raised his eyebrows and looked at the spoon.
Wala sa sarili ko na ibinuka ang bibig para isubo ang kutsara at kumain.
Lumawak ang ngiti niya at siya naman ang sunod na sumubo ng pagkain.
Lalo akong pinamulahan.
"Delicious," hindi ko napigilan na hampasin siya sa balikat.
"Senyorito!" He laughed upon seeing my reaction.
"Kumain ka ng marami, Lean. Ang payat mo na," sinubuan niya ako ulit at tinanggap ko naman.
Kinuha ko ang tinidor at tumusok ng avocado para isubo sa kaniya.
He looked at the fork. There's a different shine in his eyes.
"Ikaw din, kailangan mong kumain ng marami para may lakas ka," sinulyapan niya ako bago isubo ang avocado.
"Baka naman masobrahan na ako ng lakas," biro niya at napatawa, hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Maybe because of the thought that, deep inside, he's facing too many challenges and worries, yet he still manages to laugh in front of me and show that everything is alright.
"Hey, what's the problem?" Binitawan niya ang hawak na lunchbox at kinuha ang kamay ko.
"N-nothing," ngumiti ako pero nanatili siyang seryoso.
"Do not blame yourself for what happened, Lean. Wala kang kasalanan, everything that's happening now is because of me and Celine," hinawakan niya ako sa pisngi at hinalikan ang noo ko.
"I've been planning to cancel the engagement, I'm just working to lessen the impact," gulat akong napatingin sa kaniya.
Nasabi na niya na balak niyang itigil ang kasal, pero wala siyang nasabi na gumagawa siya ng paraan para mabawasan ang magiging epekto nito.
"I don't want lolo, kuya Royse and the others to get involved, but when I saw Celine hurting you and saying such things, I couldn't control myself anymore. Desisyon ko ang ginawa ko, and I will never regret it," humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Seeing your wound and seeing you being hurt by someone is a different level of pain. I promised to protect you, and in order to do that, I know I need to sacrifice a lot of things," tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata.
My heart started to pound erratically. Ang mga mata niyang punong-puno ng emosyon, nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko pareho kami ng nararamdaman.
"And if it's for you, I will do that over and over again, Lean," binitawan niya ang kamay ko para mahawakan ang magkabilang pisngi ko.
"I love you. I love you, and I love you, and I love you so much," tuluyang tumulo ang mga luha ko nang makita ko ang pamumula ng mga mata niya.
Umiling ako.
N-no. This can't be happening. S-senyorito loves me?
"In the very moment I laid my eyes on you, there's a different kind of beat in my heart that no one else from before ever made me experience, even in my job. You gave me feelings more profound than being a doctor can give me, I-I-"
"I can save people's hearts, but the only person who can save mine is you. I'm sorry if I only have the courage to say now, kung mas maaga lang, sana na-protektahan kita. Patawarin mo ako, Lean," hindi na maawat sa pagpatak ang mga luha ko.
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.
"K-kaya ba ganoon na lang ang pagtrato mo sa akin? Hindi ba iyon dahil kaibigan na ang turing mo sa akin?"
"Hell no! I want you to be my friend, but I'm yearning to be your lover. Leandra, mahal kita at mahal na mahal kita. I was weak to tell you because I don't know what might happen, I'm scared to lose everything I work on, but the moment I think about losing you, hell I'm dying," natakpan ko ang bibig ko nang tumulo ang luha niya.
"So please, if you could please forgive me, Lean. I-I, please help me save the love in my heart, you're the only one who can do it. Please, Lean, save me."
BINABASA MO ANG
Saving Love (Salguero Siblings Series #4)
RomanceHospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into saving people's lives. He never had time to think about what the future holds. When his grandfather...