Chapter 7- Ex-Girlfriend

1.2K 26 19
                                    

"Anong tawag sa maliit na pusa?"

"Ano?"

"Edi kitkit!" Natawa ako sa sariling joke pero nanatiling seryoso ang senyorito Jesian habang nagdadrive.

"Anong gulay ang nagsasalba ng buhay?" Napaisip siya.

"What?"

"Edi bawang wang wang wang!" Lalo akong napatawa.

Napahawak ang senyorito sa labi niya.

Oy, may kinalaman iyon sa kaniya!

"Eto na lang," Napanguso ako.

"Anong tawag sa aso na kalbo?" I saw him bite his lip.

Ay sus.

"What?"

"Edi kalbog!" Hindi ko na napigilan na mapahalakhak.

Bumigay siya at tuluyan din na napatawa. Haha!

Kita mo ang pabebe!

"Got you, senyorito!"

Hindi ko mapigilan na mapatitig sa kaniya. He's laughing differently today. Parang may bago sa senyorito.

Ang ganda at sobrang payapa ng tawa niya.

Gusto ko kasi ulit na mapanood siya na mag-opera dahil ngayon ang heart transplant surgery na gagawin niya. Noong nanood kasi ako medyo hindi ko kinaya dahil siyempre first time. Medyo nag-adjust pa ako. Kaya lang ayaw na akong payagan ng senyorito kaya kinukulit ko siya.

Gumawa siya ng deal na kailangan ko muna siyang mapatawa bago niya ako payagan at nagawa ko!

"You're unpredictable, Lean," he said while shrugging his head in the midst of laughing.

"Wala, senyorito. Napatawa kita kaya tuparin mo ang sinabi mo," napasulyap siya sa akin. Malawak ang ngiti ko dahil bukod sa makakapanood ako ulit ng surgery ay nagawa ko siyang mapatawa.

"I have my words, Lean. Just don't force yourself when you couldn't handle, sabihin mo agad and promise me that." Napanguso ako.

Nagsuka kasi ako paglabas namin ng operating room. Siguro dahil sa napanood ko at amoy ng OR.

"Oo na, senyorito Jesian. First time ko kasi iyon, pero dahil may experience na ako, mas alam ko na ang gagawin." Ang hirap pala talaga ng trabaho niya.

Kaya rin gusto ko ulit siyang mapanood dahil nakakamangha siya. Bawat galaw ng kamay niya praktisado at dalubhasa. Muntik na nga akong himatayin nang maging irregular ang vitals ng pasyente niya, mabuti na lang at naibalik agad niya sa normal.

Nasaksihan ko ang tiwala ng kapwa niya mga doctor at nurses sa kaniya. They believe in what he can do and his capabilities. Mabilis siyang mag-isip at kontrolado ang sitwasyon.

Senyorito Jesian is really a great doctor. He's amazing.

Dumiretso kami ng opisina niya pagdating namin ng ospital.

Ibinaba ko ulit ang mga gamit sa sofa at kinuha ang schedule niya para tingnan.

"Three check-ups, seven appointments, two rounds, and two surgeries, ito na ba ang heavy schedule?" Sinilip niya ang papel na hawak ko habang tinutupi ang long sleeve niya para isuot ang white coat.

Ang dami niyang appointments kahit ngayon naka-schedule ang heart transplant surgery niya. Madalas nadadagdagan pa ang gagawin niya kapag may emergency call sa ER at emergeny code kung saan kailangan siya.

"It is. I told you, the past days are lighter ones," napasandal ako sa table para tingnan siya.

"Pero isang oras lang ang pahinga mo, senyorito," minsan hindi pa niya nagagamit ng buo kapag may tumatawag sa kaniya.

Saving Love (Salguero Siblings Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon