Chapter 10- Survivor

1.1K 33 19
                                    

"This is Ren, Ira, and I don't have a name yet in mind." Tinuro ng senyorito ang mga sasakyan niya habang ipinapakilala kay ma'am Celine.

Si Ren ay ang Ferrari niya, si Ira ang Ducati, at ang walang pangalan ay ang MV. Agusta.

I don't find it weird, actually. Naming things only means you really love what you are doing, and senyorito Jesian loves racing just like how he loves being a doctor.

"I love their names. They're handsome like you." Narinig namin ang pagtawa ng senyor dahil sa sinabi ni ma'am Celine.

She's wearing a pink racing suit.

"Aba'y alagang-alaga ba naman ni Jesian na parang mga anak niya, apo," napakamot ng noo ang senyorito nang ibuko siya ng senyor.

"Sige na at mag-iingat kayo. Kilalanin niyong mabuti ang isa't isa." Malawak ang ngiti ng senyor.

"Sige po, lolo. Pagbalik po namin baka sabihin ni Jesian na ikasal na kami ng mas maaga." Lalong napatawa ang senyor sa biro ni ma'am Celine.

I looked at senyorito Jesian and saw him also looking at me.

Mabilis akong napaiwas ng tingin.

Kailan ba gagaan ang pakiramdam ko?

Hindi naman dapat ako kasama dahil date nila ito, kaya lang ay nag-request si ma'am Celine na isama ako.

I don't know what her plan is, but I have a presentiment that it's not good. Sinubukan ko na tumakas at sabihin na may trabaho ako, pero sinalo iyon ni ate Tere kaya wala na akong nagawa pa.

"Lean, come. Sa akin ka na sumabay." Tinawag ako ni ma'am Celine nang ibigay sa kaniya ng senyorito ang susi ni Ren.

Tulad ng napag-usapan ay hihiramin nito ang Ferrari at ang Ducati ang gagamitin ng senyorito.

Humigpit ang hawak ko sa braso ko. I look at senyorito before walking to his Ferrari.

"Drive safely, Celine." Paalala ng senyorito.

Ngumiti si ma'am Celine bago pumasok nang pagbuksan siya ni kuya Victor ng pintuan.

"Lean," pinilit ko na maging natural kahit na pakiramdam ko ang hirap ng sitwasyon kung nasaan ako.

Nilingon ko ang senyorito ng may nagtatanong na mga mata.

He's wearing his black racing suit as well as his boots while holding his helmet.

"Take care." Ngumiti siya at nagulat ako nang lumakad siya palapit para buksan ang pintuan ng passenger seat.

Sandali akong napatitig sa mga mata niya. Itanggi ko man sa sarili ko, alam ko na nagiging kalmado ako sa tuwing nakatingin sa mga mata niya.

"Mag-iingat ka rin, senyorito." Sinabi ko bago pumasok.

Sinuot ko ang seatbelt ko at nilingon si ma'am Celine.

"I warned you, didn't I?" Napahawak ako sa seatbelt nang bigla niyang patakbuhin ang sasakyan.

"Wala po akong balak na manggulo, ma'am Celine. Ginagawa ko lang po talaga ang trabaho ko," kailangan ko na ipaglaban ang sarili ko.

Payak siyang napatawa.

"Trabaho? So trabaho mo na ngayon ang fiance ko?" Napailing ako.

"Dahil inutusan po ako ng senyor," halos pumiyok ako.

"Don't make me fool. I know what kind of woman you are, Lean. Ang mga katulad mo walang ibang hinahanap kung hindi ang mga lalaking kakamot ng kati niyo," napakuyom ako.

Kaunting-kaunti na lang mawawala na ang respeto ko sa kaniya.

"Hindi niyo po ako kilala kaya wala kayong karapatan na husgahan ang pagkatao ko," ngumisi siya.

Saving Love (Salguero Siblings Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon